REYVIEW: The Great Gatsby, Fast and Furious 6

An apology is probably not the best way to start an entry pero mauuna na kong humingi ng tawad sa kadiri-diring title ng entry ko. It’s cheesy I know, pero wala akong maisip na title sa ngayon kaya yan muna ang gagawin nating placeholder. The truth is, as much as gusto kong mag sulat on a regular basis medyo nahihirapan ako. Partly because I have a day job and partly because ang hirap mag-isip ng topic to write about. I’ve tried now and again to write about something pero after a few paragraphs lagi kong di tinutuloy. If it bores me to write it, it’s going to bore you to read. Kaya dun sa 4 (5 kung kasama yung nanay ko) na taong natutuwa sa mga sinusulat ko at nag-aabang ng post, pasensya na sa inyo. Susubukan kong mag update ng mas madalas mula ngayon. (“Susubukan” being the operative word)

At habang nag-iisip nung isang araw kung anong pwedeng isulat, naisip kong gumawa ng recurring entries tungkol sa movies. Tutal 3 beses sa isang linggo naman ako halos kung manuod ng sine, gagawan ko ng “review” ang mga pelikulang napanuod ko pero with my own twist kaya ko tinawag na “Reyview”. O diba? Hindi naman masyadong pilit e sige na pagbigyan niyo na!

For our first go-round, we’ll tackle The Great Gatsby and Fast and Furious 6.

THE GREAT GATSBY

the_great_gatsby_trailer-800x400

In The Great Gatsby, Leo plays the role of a rich handsome and charming playboy who succeeds in being mysterious but somehow manages to always be the center of attention. Teka lang… hindi ba ganyan naman talaga siya sa totoong buhay?! Parang binayaran mo lang siya ng limpak limpak na salapi para ngumiti-ngiti sa camera at tawaging Jay Gatsby e! Isipin mo, meron pa bang mas okay na artistang puwedeng gumanap sa role na yan? Sino pa ba sa mundong ito ang makakapagsabi na iniwan niya si Bar Refaeli at pinalitan ng ibang supermodel? Wala na! (Trivia: For Inception, DiCaprio earned a total of $59,000,000. Sabihin mo ngayon sakin na hindi siya si Gatsby)

Hayup ka talaga Gatsby sumimpleng boso ka pa!

Hayup ka talaga Gatsby sumimpleng boso ka pa!

Tama ang pagkuha nila kay DiCaprio sa role kaso yun lang halos ang ginawa nilang tama. Magaling na artista si DiCaprio pero kahit siya hindi kayang isalba tong pelikulang to. There’s not much to work with in terms of the script. Maganda ang visuals, maganda ang musical score (akalain mong Numiniggas in Paris na pala sila nung 1920s?) pero yun lang ang okay sa pelikula. At 2 hours 30 minutes, the movie is an hour too long. Mabagal ang pacing ng pelikula at lalo pang humahaba dahil sa mga eksena ni Baz Luhrmann na sa totoo lang e hindi naman natin kailangan. Kailangan ba natin ng 15 minute-scene kung saan naglalandian si DiCaprio at yung chicks niya habang nagbabatuhan ng mga damit? Masyadong nag focus si Baz Luhrmann sa pag setup ng atmosphere at mood ng pelikula na nagkulang ng atensyon sa storytelling. Parang magandang chicks tong pelikulang to na masarap lang tingnan pero wala naman kwentang kausap at nakakabagot.

Should you see it?

Kung 16 years old ka at kailangan niyong mag-MOMOL ng girlfriend mo pero wala pa kayong pera pang motel at kailangan mo lang ng venue, sige panuorin mo. Kung hindi applicable sayo yang description na yan, tipirin mo na lang yang P200 mo. Nasa Wikipedia naman ang kwento ng The Great Gatsby e basahin mo na lang.

FAST AND FURIOUS 6

fast-and-furious-photo

Kita mo yang katarantaduhan na yan sa taas? Nakatungtong dun sa puting kotse tapos nag superman papunta sa bubong nung blue na kotse. Hindi man lang umaray pagkatapos ah. Isa lang yan sa maraming eksena sa Fast and Furious 6 kung saan sasabihin mo sa sarili mo na “Nampucha nang-uulol na talaga tong pelikulang to e.” Pero aminin na natin, kaya naman natin pinapanuod to para sa mga eksenang ganyan e diba? Unless mahilig ka lang talaga sa makintab na ulo ni Vin Diesel.

Nakakatawang isipin na halos balbas lang ang pinagkaiba ng itsura ni Vin Diesel at ni The Rock sa pelikulang to. Parang sinasadya ng mga producers na lagyan ng balbas si The Rock para di ka malito na ang bida ay dalawang machong kalbo. Sa totoo lang, silang dalawa na lang ang legit na action stars sa Hollywood ngayon. Kaya pinagtiyatiyagaan natin sila Sylvester Stallone at Bruce Willis kahit mga lolo na sila ay dahil wala na kasing iba. Hindi mo naman matatawag na action star talaga si Matt Damon at Robert Downey Jr. diba? Once upon a time, si Vin Diesel at si The Rock rin naman talaga ang pinakasikat na action stars sa Hollywood. E kaso nagsisinghutan ata sila ng shabu mula sa kalbong ulo ng isa’t isa dahil sa hindi mapaliwanag na dahilan tumanggi si Vin Diesel na gawin yung Too Fast Too Furious para gawin yung The Pacifier tapos si The Rock naman gumawa ng The Tooth Fairy na parehas nag flop.

What the fuck, guys? Seriously!

“Mukha lang akong gago pero at least hindi naman ako sinabitan ng chupon” sabi siguro ni The Rock.

Ngayon nagsama ang dalawa para sa Fast and Furious series at may sense naman sa totoo lang. Sa laki ni Vin Diesel sino bang makakabugbog sa kanya? Wala naman e! Si The Rock lang ang believable na kayang umupak sa kanya diba? Like the rest of the Fast and Furious movies, Furious 6 is mindless fun. Kung manunuod ka nito wag kang umasa na may makabuluhan na kontribusyon to sa pagkatao mo kase wala talaga. Isipin mo na lang para kang kumain sa McDonalds. Alam mong wala namang sustansya pero masarap naman e. Wala rin naman masamang mag cheeseburger paminsan minsan.

Should you see it?

E kung pinanuod mo narin naman yung unang lima bakit ka pa magpapapigil ngayon? Sige na panuorin mo na wag ka na mahiya hindi ka namin huhusgahan. Wag ka munang umalis pag lumabas yung credits. May surprise sila. Madadagdagan ng isa pang kalbo para sa Fast 7! Teka oo nga noh, bakit ba puro kalbo na ata lahat ng characters?! Ludacris, Tyrese, The Rock, Vin Diesel, Jason Statham, LAHAT KALBO NA E!

Ako lang ba ang hindi kumportable sa tingin ni Vin Diesel sa mga labi ni The Rock?

Ako lang ba ang hindi kumportable sa tingin ni Vin Diesel sa mga labi ni The Rock?


One Comment on “REYVIEW: The Great Gatsby, Fast and Furious 6”

  1. Tandang Datu says:

    I think The Great Gatsby movie was more of an attempt to “pimp-up” the American literary classic for the younger generation.

    Consider that “The Great Gatsby” is a regular reading requirement for the American educational curriculum. Kung sa atin man, ito yung tipong “Dekada ’70”, “Tondo Man May Langit Din” at yung iba pang mga pinabasa sa atin noon sa Pinoy o English nung high school. Ergo: “EWW BADUY KADIRI!!!” siya for the average #YOLO #SWAG American kid.

    Thanks to Jay-Z and the ADHD of the cinematographer, ma-eexcite nang gumawa ng analysis paper at group report ang mga American students everywhere! 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s