Scarlet Johansson Got A Tattoo

Nagpa-tato si Scarlet Johansson o “ScarJo” para sa mga close sa kanyang tulad ko ng image ng horseshoe na may nakasulat na “Lucky You” sa kanyang tagiliran. (Mag kunwari na lang tayong walang malaking litrato sa ibabaw at talagang kailangan kong i-describe sayo yung tato, okay? Nagawa ko na e)

Kung ating susuriin ang nasabing tato, mukha siyang nasa bandang ilalim ng personal kong tinatawag na “suso level” o yung palibot na lugar sa katawan ng babae na binabalutan ng bra. Which means, kailangan niyong mag tanggalan ng bra para makita mo yung tato niya. Which means, ang tanging mga makakakita lang nito e yung mga lalakeng ka-sexy time ni Scarlet. In other words, 99.99999% of the human population ang hindi ito makikita in person and in action unless mag hubad siya sa Avengers 2 na malabo namang mangyari unless mag hurumentado si Hulk at punitin ang damit niya.

But anyway, I digress.

I love this tattoo for the sole reason that Scarlet Johansson seems so self-aware of the fact na swerte yung hijo de frutang lalakeng makaka-sexy time niya na kailangan niya pang mag lagay ng tato sa tagiliran niya para sabihin sa lalaking yun na “Hoy maswerteng lalake, ang swerte mo na nakita mo akong nakahubad at maswerte ka na tayo’y magtatalik na.” (Oo, sa mundo ko parang karakter sa drama sa radyo mag salita si Scarlet Johansson)

Pero tingin niya ba makakalimutan pa nung lalakeng yun na maswerte siyang nakapatong siya kay Scarlet Johansson at kasalukuyan itong sinasakyan na parang hinete? Tingin ba niya in the middle of sexy time e makakalimutan nung lalake kung nasaan siya at pag nakita yung tato na “Lucky You” ay maiisip niya na “Uy oo nga pala! Kasalukuyan kong pinapatungan si Scarlet Johansson ngayon! Napakaswerte ko nga palang lalake!” Kase kung ako yung nasa pusisyon nung lalakeng yan paulit ulit kong sasabihin sa sarili ko na “SHITANGSWERTEKO! SHITANGSWERTEKO! SHITANGSWERTEKO!” hanggang mabulol na ko dahil naging parang tongue twister na sakin to.

Kung sakali namang kailangan ipaalala sayo ni Scarlet Johansson na napaka-swerte mo na nag sesexy time kayo, it can only mean one thing: sexy time with Scarlet is not all it’s cracked up to be. Kase kailangan niya pang sabihin sayo na ang swerte mo e! Pero kung tutal magiging helpful na rin siyang ganyan, might as well na lubus-lubusin na niya diba? Bakit hindi pa maglagay ng “Do Not Enter” sa taas ng pwet at “Handle With Care” sa magkabilang boobies? ¬†Lagyan na rin ng “Slippery When Wet” sa ibabaw ng kanyang HMMM HMMM!

Rey de la Cruz Jr. po, just thinking aloud.

Follow me on Twitter and boost my self-esteem @reypinmoko