7 Things People Don’t Tell You About Being Single

movies_straws_forever_alone_steve_carell_the_40_desktop_1920x1080_hd-wallpaper-909305

Ilang araw na lang February 14 nanaman. Valentines Day para sa mga nasa relasyon, Single Awareness Day para sa mga ampalaya. Kapag single ka, wala na sigurong ibang araw sa buong taon na mas magpapaalala sayong mag-isa ka at walang nagmamahal sayo higit pa sa Valentines Day.

Depende kung sinong kausap mo, puwedeng maging napakasayang bagay ng pagiging single. Gusto mong uminom magdamag? Sige lang! Gusto mong mag midnight snack ng crispy pata at isang kalderong kanin? Go ahead! Walang pipigil sayo liban sa konsensya mo. Kaso puwede rin namang maging napakalungkot kung sanay ka na lagi kang may kasama at may kaamuyan ng gilagid tuwing nanunuod ng sine.

Kung nasa relasyon ka ngayon may mga bagay na hindi sinasabi sayo o hindi mo naiisip tungkol sa pagiging single habang nasa relasyon ka pa. At dahil mahilig akong gumawa ng mga listahang walang katuturan, inisa isa ko sila.

1. Mas magiging magastos ka.

Kung tulad kayo ng libo-libong mga mag jowa sa Pilipinas na may ugali na mag dinner at manuod ng sine tuwing may date, malamang gumagastos ka ng 1000-1500 pesos sa isang date. Kasama na diyan ang gas, pamasahe, pambayad sa sine, hapunan, popcorn, tip mo sa parking boy, at pambayad sa tollgate. Ngayon kung gagawin niyo yan ng dalawa beses sa isang linggo, 2000-3000 pesos na kaagad yan. Sa isang buwan, posible kang gumastos ng 8000 pesos sa date pa lang. Magastos diba? Lalo na kung lalake kang pamacho na ayaw na nagbabayad ang babae.

So iisipin mo na pag single ka malamang mas makakatipid ka diba? Wala kang ililibre manuod ng sine at kumain. Wala kang reregaluhan sa pasko. Wala kang papadalan ng bulaklak pag nahuli kang may nilalandi sa text. Saya diba? Totoo lahat yan. Pero delikado rin yan e. Kase dati nagtitipid ka para may pang date ka, ngayon hindi ka na ganyan mag-isip. Wala ka nang reregaluhan e. Wala ka naring ililibre. Kaya mas matapang ka nang gumastos ngayon. Yung 30,000 pesos na Iron Man action figure na dati na hindi mo mabili kase tingin mo luho? Chicken feed.

Gusto niyang pinapanuod siya ni Optimus Prime habang nag poporno.

Gusto niyang pinapanuod siya ni Optimus Prime habang pinaglalaruan niya ang sarili niya sa harap ng computer.

Dati tingin mo di mo kailangan mag pagwapo o mag paganda dahil alam mong kahit mukha kang maitim na siko e may nagmamahal sayo. E ngayon? Todo pagwapo ka na! Bumibili ka na ng bagong damit at pabango. Pinalitan mo na rin yung briefs mong parang bacon na yung garter. Nagbalik loob ka na rin sa Fitness First. Kailangan e! Takot kang mabuhay mag-isa habambuhay e!

2. Hindi ka malulunod sa dagat ng magagandang babae.

Kapag nanuod ka ng pelikula ngayon tungkol sa single na mga lalake anong kadalasan ang makikita mo?  May lalakeng kagaya ni Ryan Gosling na umiinom sa bar at may lalapitang magandang babae. Bobola-bolahin niya ng konte, mapapatawa niya, tapos uuwi na kasama niya. Parang ang dali diba? Bukas ganun ulit. Sa isang bukas ganun ulit. (Sorry kakanuod ko lang ng Crazy, Stupid, Love sa Star Movies)

So iisipin mo na pag single ka, kaya mong makuha yung ganung buhay diba? Bakit naman hindi? Hindi ka naman masyadong pangit e! Tsaka kahit sino naman basta lasing madali nang kausap. Pero sa tunay na buhay hindi ganun kadali yan. Una sa lahat kung wala kase sa karakter mong maging ganyan, hindi mo magagawa yan. Sa totoo lang lahat ng lalake palihim na pinapangarap na maging katulad ni Barney Stinson pero hindi lahat may sikmura para gawin yun. At yung mga kaibigan mong tingin mong may i-rerereto sayo? Malamang sa malamang hindi mo type o hindi ka type. Kase yung mga mga magaganda nilang kaibigan malamang may boyfriend na. Una-unahan na ang labanan ngayon e. Pag naka-jackpot na yan ng maganda hindi na bibitaw yan. Kapag nakita mo yung mga nirereto sayo ng mga kaibigan mo pagdududahan mo kung magkaibigan ba talaga kayo kase parang napaka-baba ng tingin niya sayo. At ganun rin ang iniisip ng kaibigan niya pag nakita niya ang mukha mo.

Kapag ganito ang pinapa-date sayo, siguro kailangan mo na talagang tanggapin na baka hindi ka kagwapuhan.

Kapag ganito ang pinapa-date sayo, siguro kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan na baka hindi ka talaga kagwapuhan.

3. Being free isn’t always a good thing.

Kung katulad ka ng karamihan ng lalake na nasa isang relasyon, malamang nagpapaalam ka sa girlfriend mo tuwing lalabas kayo ng mga kabarkada mo. Malamang ang paalam mo ay pupunta kayo sa bahay ng kaibigan niyo at sa kalagitnaan ng inuman mag-tetext ka ng “Hi baby! Miss you so much! Wish you were here. :(” pero sa katunayan ay nakakandong sayo ang star dancer ng Alitaptap KTV Bar and Disco. Well good news! Kapag single ka hindi mo na kailangang mag paalam! Hindi ka na mag sisinungaling! Which you think is a good thing, pero sa totoo lang minsan hindi.

Dati kapag iinom ka may magsasabi sayo na “o tatlong beer ka lang tonight ah..” Pero ngayon wala na. Ibig sabihin puwede ka nang umabuso hanggang umiyak ang atay mo at magliliyab na yung ihi mo kapag sinindihan dahil purong alcohol na. Wala nang umaawat sayo ngayon e. Gusto mong magpakababoy sa Koko Krunch ng alas tres ng umaga? By all means! Kaya ngayon na wala nang pumipigil sayong abusuhin yung sarili mo, iiksi na yung life expectancy mo by 30 years. Mamamatay ka sa edad na 55 at sa burol mo may magpapakitang babae na sasabihing naanakan mo siya nung nagkakilala kayo sa Alitaptap KTV Bar and Disco.

Ganito kami pagkatapos i-marathon ang buong Lord of the Rings Trilogy na may extra scenes kung saan nakikipagbalagtasan si Merry at Pippin sa matandang puno.

Ganito ako pagkatapos i-marathon ang buong Lord of the Rings Trilogy na may extra scenes kung saan nakikipag-balagtasan si Merry at Pippin sa punong nagsasalita.

4. Ikaw ang dakilang 3rd wheel or 5th wheel sa grupo

jdhkjahsdkjahdskja

Alam na natin kung sino sa kanila ang nag porno pag uwi.

Hindi mo ba napansin na parang ang daming mga couples ngayon sa social circle mo? Tumingin ka lang sa Facebook mo ang dami mong makikitang profile pictures ng dalawang taong magkayakap at nagkikiskisan ng pisngi habang nakangiti. Kung nasa edad ka na 20-30 years old, marami na sa mga kaibigan mo  ang may karelasyon. Hindi tulad sa ibang bansa na parang pinagpapaliban nila ang pakikipag-relasyon dahil inuuna nila ang career o ineenjoy nilang makipag-hook up sa random strangers, sa Pilipinas hindi uso yun. Usong uso satin ang maging nasa relasyon. Kumausap ka ng kahit sinong babaeng nasa relasyon ngayon sa edad na 24 o 25 at lahat yan pinaplano nang magpakasal in the next years to come. Lahat nagmamadali e. Kung sino yung jowa nila sa edad nila ngayon, malamang yun na rin ang papakasalan nila hindi dahil feeling nila tama para sa kanila yung tao pero dahil feeling nila nasa edad na sila para magpakasal.

Anong ibig sabihin nito para sayo? Well ang ibig sabihin niyan ay tuwing may mixed gender social activities kayo ng mga kaibigan mo tulad ng dinner, inuman, o panunuod ng sine, malamang sa malamang ikaw ang namumukod-tanging single sa grupo. Kapag nag Tagaytay kayo ikaw yung walang kayakap sa picture sa tapat ng Taal Volcano. Malamang ikaw ang magiging designated photographer sa mga kaibigan mong nagyayakapan at naglalandian at ngingiti-ngiti ka lang habang binubulong sa sarili mo na “tangina niyo, maghihiwalay rin kayo mga gago.”

5. Mahirap nang manuod ng sine mag-isa.

Mahilig akong manuod ng mga pelikula. Kapag nasa relasyon ako, halos linggo-linggo nanunuod ako ng sine. Dati may ugali akong manuod ng sine mag-isa kase sa isip ko, ineenjoy ko naman yung panunuod ng sine bilang entertainment o bilang art form at hindi naman bilang social activity. So bakit kailangan na may kasama ka para manuod ng sine? Pero kung mapapansin mo ngayon sa Pilipinas, dahil wala naman tayong masyadong parks sa Metro Manila ang daming mga couples na nanunuod ng sine bilang date. Bihira ka makakita sa loob ng sine ng taong nanunuod ng pelikula mag-isa. Yung ilan-ilan diyan mga magkakabarkada pero ang marami sa mga yan ay mga magka-relasyon. Makikita mo na lang mamaya nagtutukaan na yung dalawang tao sa row sa harap mo at gumagalaw na ang mga kamay nila sa ilalim ng jacket na dala ni babae.

ajhsdjahskjdhajs

Oo wala ngang nagmamahal sayo pero on the brightside wala ka namang kaagaw sa popcorn diba?

At dahil diyan, mahirap na manuod ng sine mag-isa ngayon! Hindi dahil sa nakakalungkot pero ayaw mo lang yung pagtitinginan ka ng mga tao at magtataka sila kung bakit wala kang kasama manuod ng sine. May problema ba sayo? Bakit walang nagmamahal sayo? At dahil lahat sila nakatingin na sayo iniimagine mo na na pinalitan na nila yung ulo mo at kinabitan ng ulong umiiyak ni Forever Alone.

6. Lahat ng sinabi mong gagawin mo pag naging single ka, hindi mo gagawin.

Naalala mo nung nasa relasyon ka pa at sinasabi mo sa sarili mo na pag nagkaron ka lang ng oras mag-aaral kang tumugtog ng gitara? O kaya sasabihin mo na kung maging single ka mas magbabasa ka ng mga librong matagal mo nang gustong basahin? Pag naging single ka magsisimula ka na mag workout? Sa totoo lang minsan dahilan lang yan. Kapag naging single ka, malamang hindi mo pa rin gawin yang mga yan. Malamang nakahilata ka sa kama at nanunuod ng 700 Club, Ang Dating Daan, o kaya yung piratang madre na lumalabas lang pag alas dos ng umaga.

I'm going to hell for this.

I’m going to hell for this.

Kasi kung gusto mo naman talagang gawin, hindi mo kailangan maging single para gawin yang mga bagay na yan. Unless sobrang lakas ng topak ng girlfriend mo na gusto niyang laging nakapulupot sayo na parang anaconda, you can afford to have your own time every once in a while. Kapag lalo mong inisip na hindi mo nagagawa yung mga gusto mong gawin dahil sa relasyon mo, lalo kang hindi magiging masaya. Kung iisipin mo unfair yun sa partner mo kase posible namang hindi niya talaga kasalanan e diba? Malay mo naman kung tamad ka lang talagang hayup ka.

7. Posibleng maging single at masaya.

Okay maging nasa relasyon kung masaya yung relasyon mo at kasundo mo talaga yung girlfriend o boyfriend mo. Talong talo nun ang pagiging mag-isa walang duda. Pero kung hindi ka naman masaya sa relasyon mo, mas makakabuti pang maging single ka na lang at siguradong magiging mas masaya ka pa. Sa totoo lang kung lulubus-lubusin mo ang pagiging single masaya naman talaga dapat. Malaya ka e. Hawak mo yung buhay mo. Wala kang iniintindi. Ideally masaya yan diba? Kaso kung hindi mo sasamantalahin at mag mumukmok ka sa bahay at nanunuod lang ng One More Chance hanggang makabisado mo pati mga linya ni Al Tantay, hindi ka talaga magiging masaya.

ashdkjahdjkahd

Hayup ka Lloydie sinira mo ang macho image ko.

Hindi mo naman kailangang landiin ang lahat ng babae o lalakeng makilala mo para ma-enjoy ang pagiging single e. Hindi mo rin kailangang parating mag hanap ng kapalit nung girlfriend o boyfriend mo. Kapag lalabas ka, hindi kailangang laging maghanap ng potential partners. Puwede namang kumilala lang ng mga tao e. Yan yung bagay na pag may girlfriend ka hindi mo basta basta magagawa kase lalagyan ng kulay o pagseselosan diba? Magpalawak ka ng social circle mo para madagdagan ang mga kalaro mo sa Words with Friends (with benefits).

Gawin mo yung mga bagay na sinasabi mo dating wala kang time gawin. Mag gym ka hindi lang para mag pagwapo pero para rin sa ikabubuti ng katawan mo. May opportunity ka para maimprove ang pagkatao mo, bakit hindi mo susubukang gawin diba? Para pag dumating na yung time na papasok ka sa relasyon masasabi mong mas handa ka na at mas maayos ka nang tao kesa nung version mo the last time around.

Pero in the mean time na wala ka pa dun at single ka ngayong Valentines, mag mukmok ka na lang muna habang nakaupo ka sahig ng shower at yakap yakap ang sarili mong umiiyak.

Forever-Alone-101