Solenn and Michelle Gangnam Style

So pagkatapos ng “Call Me Maybe” video nila Solenn Heussaff, gumawa naman sila ng “Gangnam Style” video dahil mapagbigay sila sa mga kalalakihan.

5 bagay lang na napansin ko sa video:

1. Camera angle lang ba o parang may dalawang bagay talaga na nagbago kay Michelle Madrigal? Di naman sa nagrereklamo ako. Napansin ko lang. Hihi

2. Wala bang gagawa ng GIF ni Michelle from 0:03-0:05? Bakasyon ngayon o malamang wala ka namang ginagawa sa bahay e! Sige na! Alang-alang sa buong sangkalalakihan!

3. Wala bang gagawa ng GIF ni Solenn from 0:38-0:40? Sama mo lang yang susantisimang kagat ng labi na yan! Tatanghalin kitang bayani kung sino ka mang gagawa niyan.

4. Apparently boyfriend nila yung dalawang players ng Kaya FC na team. Kung nag sports lang sana tayo nung kabataan natin at hindi nagkulong sa bahay na naglalaro ng Street Fighter at Sonic the Hedgehog, ikaw sana ang kinakainggitan ng mga lalake ngayon. Pag nilayan mong mabuti ngayong gabi ang buhay mo at isipin mo kung tama ba ang pinagagagawa mo nung 8 years old ka.

5. Ako lang ba o talagang kahit anong video na kasama si Solenn Heussaff e automatic na nagiging maganda? Seryoso lang. Dati ayoko tong kantang to pero ngayon paborito ko na e. Kaya ko atang manuod ng video na may pinapatay na mga cute na tuta basta andun si Solenn Heussaff na sumasayaw sa likod. Kaya kong tiisin ang isang episode ng Glee kung andun si Solenn. Puwede bang lahat na lang ng TV show sa Pinas ilagay natin si Solenn? Kahit ano lang! Siya na lang mag bigay ng ulat panahon! Siya na lang mag basa ng mga bolang lumabas sa Lotto! Feeling ko kung siya yung gumanap na Budoy noon sa TV show na Budoy mas nanuod ako e.


Avril Levine

From L-R: White Guy 1, White Guy 2, Adam Levine, Mr. Hippie, Hipster Black Guy

Kung may Twitter, Facebook, o kahit lumang television set ka man lang sa bahay, nabalitaan mo siguro na nag concert ang bandang Maroon 5 sa Smart Araneta Coliseum nung Tuesday, Sept. 18. Ang estimate ng mga unreliable sources sa internet na umutot lang ata ng random figure pero papaniwalaan ko na lang ay umabot daw ng mahigit 15,000 ang nanuod sa pangatlong concert ng Maroon 5 dito sa Pilipinas.

Kasama ako sa mga nanuod sa Araneta para sa concert na yan at uutot rin ako ng random figure at sasabihin sa inyo na sa 15,000 na tao na yan, mahigit 87% diyan ay mga nagtitiliang babae. Sa 87% na nagtitiliang babae, mga 76% ay mga teenager na umaasang ang unang boyfriend nila ay kagaya ni Adam Levine. Sa kasawiang palad, 100% sa kanila ay mabibigo.

Ang maswerteng 13% sa kanila ay babagsak sa kamukha ni Empoy

It was a great concert, no doubt. Pero pano ko ba natagpuan ang sarili kong nasa Araneta, nakaupo 25 feet away from the stage at pinapakinggan si Adam Levine na kumantang parang isang castrati? Mahabang kwento. Ang ikukuwento ko na lang ay ang experience ko bilang isang heterosekswal na lalake sa gitna ng dagat ng mga babaeng hinihintay na maghubad si Adam Levine ng pawisan niyang t-shirt. Because of my inability and refusal to write coherent paragraphs, gawin natin to tulad ng lagi nating ginagawa: bullet points!

1. Sa lahat ng banda ngayon, si Adam Levine na siguro ang may pinakakarapatan na mag solo. 98% ng mga babaeng nandun sa concert ay nanuod lang para makita si Adam Levine. Seryoso lang, nanunuod ka ba ng concert ng Maroon 5 para makita yung bassista nila? Liban kay Adam Levine may kilala ka ba sa mga yan? Pag nakasalubong mo yung drummer nila sa Greenbelt 5 marerecognize mo ba siya bilang yung drummer ng Maroon 5 o bilang isang random white guy na naliligaw at hinahanap ang Cafe Havana? Sa totoo lang. Actually liban dun sa gitaristang mahaba ang buhok at dun sa black guy na keyboardist na ang unang reaction ng lahat ay “may black guy pala sa Maroon 5?” sino pa bang mag sstand out sa kanila? Wala e. So basically it’s just Adam Levine, Mr. Hippie, Hipster Black Guy, and 3 White Men. Which leads me to my next point,

2. Bakit hindi na lang gawing The Adam Levine Band ang pangalan? Ganun rin naman e. Pag nanuod ka sinasapawan ni Adam Levine yung buong banda. Wala ka namang ibang kilala dun kung hindi siya. Lahat naman ng tao siya lang pinapanuod. Ano pang sense? Bakit gagawin pang Maroon 5 ang pangalan kung 6 naman sila in the first place at parang kulay ng lipstick sa Hortaleza ang tunog ng pangalan nila? Kahit palitan mo yung bandmates niya ng mga kumakantang kusinero at waiter galing sa Singing Cooks and Waiters wala namang may pakialam e.

Wag mo nang itanong sakin kung bakit may hard hat na pula yung dalawang waiter hindi ko rin alam ang sagot.

3. Magaling yung opening act ng Maroon 5 na The Cab pero sa totoo lang pagdating sa mga concerts na ganyan naaawa ako sa mga opening acts. Akala nila para sa kanila yung sigawan ng mga tao pero sa totoo lang ang lahat naman ang iniisip ay “punyeta bilis-bilisan niyo hindi ako naghirap maghanap ng parking sa Ali Mall at hindi kumain ng ilang tanghalian para makabili ng ticket para panuorin kayo!”  Pero siyempre masyadong mahaba sabihin yan so ang sinasabi na lang natin collectively ay isang napakalakas na “WOOOOH!” which is actually just short for “WOOHTANGNA MAG LAST SONG NA KAYO!

4. Kailangan mong mapakinggan magsalita si Adam Levine para maniwala kung gaano kaliit ang boses niya. Ibang klase. Kaboses niya si Kiefer Ravena kung pinilipit yung itlog ni Kiefer Ravena. Kung hindi mo alam na nanchichicks siya ng mga Victoria Secret models, hindi mo talaga papaniwalaang hindi siya castrati. Parang chipmunk na hindi pa nag pupuberty yung taas ng boses niya e.

5. Alam mong natutunan natin kay Adam Levine at David Beckham? Kung gwapo ka may talent at sikat hindi na importante kung kaboses mo si Alvin at Theodore sa Alvin and the Chipmunks. Kababaliwan ka parin ng mga babae. Ngayon kung “none of the above” ang sagot mo sa “sikat”, “gwapo”, at “talent” mag-iingat ingat ka dahil sa boses ipis mong yan baka ma-sprayan ka ng Baygon sa mukha.

May tawag dito ang mga Hapon e.

6. Alam ni Adam Levine na malakas siya sa chicks kaya lalo siyang nagpapacute at kung ano anong pag giling at paglupasay sa stage ang ginagawa niya. Kulang na lang romansahin niya yung microphone stand e! Naniniwala ako na sa mga pagiling-giling at patuwad-tuwad ni Adam Levine sa stage mga 4,672 na babae ang nabuntis niya sa audience. Kung nanuod kayo ng Maroon 5 concert at 9 months from now biglang manganak ang girlfriend mo ng tisoy na maliit ang boses, alam mo na kung bakit.

7. At one point Adam Levine started singing a few lines from Justin Timberlake’s song “Sexy Back”. Naisip ko hindi ba napakaappropriate? Parang pinasa na ni Justin Timberlake ang trono ng “Falsettong Chickboy” kay Adam Levine e. Kung gaano kinakabaliwan si Adam Levine ngayon, ganun si Justin Timberlake 10 years ago. Kasalanan ni Justin Timberlake to e. Huminto siya sa paglabas ng bagong album tapos sinubukan niyang mag artista. Ngayon mas tinitilian na si Adam Levine kesa kay Justin Timberlake. Kilala na lang ng si Justine Timberlake ngayon bilang yung kulot na nag suggest kay Mark Zuckerberg na tanggalin yung “The” sa “The Facebook”.

Ganun ganun na lang ba yun ha? After bringing sexy back iiwan mo na lang kami?! Why Justin, WHY?!?!

8. Alam ng lahat na malakas si Adam Levine sa chicks. Jessica Simpson, Maria Sharapova, Cameron Diaz, Anne Vyalitsnya, Behati Prinsloo. Yan ang iilan sa mga naging girlfriends ni Adam Levine. Hindi pa kasama diyan yung mga ibang modelo na naging chicks niya at yung random hook-ups niya sa lahat ng panig ng mundo. Pero alam mo kung gaano kalakas sa chicks si Adam Levine? Five seats away mula sa pwesto ko ay yung dalawa sa mga college crushes ko galing sa Ateneo. Sinabi kong dalawa kasi kambal sila. That fact in itself naging mas hot na sila sa isip mo by 10 times diba? Habang gumigiling si Adam Levine sa stage at kumakanta with his falsetto voice, napatingala yung college crush ko at bumulong ng “OH MY GOOOOOOD!” Maya-maya yung kambal naman niya ang gumanun. Ngayon i-multiply mo yang reaction na yan sa 13,000 na babae at kada babae sasabihin yun at a minimum of 30 times during the duration of the concert. That’s  390,000 oh my gods from Araneta alone. Ikaw, sinong nagagwapuhan sayo? Girlfriend mo kung meron kang girlfriend. Kung wala, nanay mo lang tsaka lola mo. Napapa-“oh my god” lang sila sayo tuwing uutot ka.

9. Speaking of girlfriends, alam niyo bang nauna pa nating nalaman na brineakan si Adam Levine ng girlfriend niyang si Victoria Secret model Anna Vajklajdklajs (hirap spell ng pangalan tinamad ako sorry) bago pa nalaman ni Adam Levine na break na sila? Apparently nag release ng statement si Anna Vajayjay sa People Magazine tungkol sa break up nila. Sawing sawi daw si Adam Levine nung nangyari yun. Pero siguro naalala niyang si Adam Levine siya na tinitilian ng mga babae kahit boses chipmunk kaya nakamove on kagad siya sa isa pang Victoria Secret model na si Behati Prinsloo, isang babaeng mabantot lang ang pangalan pero ubod ng ganda at sexy.

Iniwan si Adam Levine nung nasa kanan. Pinalit niya yung nasa kaliwa.

Hayup ka Adam Levine bakit ba mahal na mahal ka ng Diyos?! Kami nanunuod lang ng Victoria Secret Fashion Show, ikaw may sariling private show?! Iniwan ka ng girlfriend mo na maganda, ang pinalit mo maganda pa rin?! Bakit sabi nila ang buhay ay parang gulong minsan nasa taas minsan nasa ibabaw pero ikaw laging nasa ibabaw?! Ano bang meron sa gulong mo hayup ka?! May awa ang diyos, sa pangit na babae ka rin babagsak balang araw tandaan mo yan!


Bentong Heussaff

YES! Utang na loob “yes” ang sagot sa lahat ng tanong!

Ayon sa mga eksperto (aka Wikipedia), tinatanchang nasa 7,029,000,000 ang kasalukuyang populasyon ng lahat ng tao sa mundo. Sa 7 billion na taong yan, sinasabing 2,267,233,743 ang merong kahit anong uri ng internet access. Puwedeng may internet connection sa bahay, puwedeng pumupunta sa mga internet cafes, at puwedeng makapal lang ang mukha at nagnanakaw ng internet sa wi-fi ng kapitbahay.

Sa kasawiang palad, hindi idiot-proof ang internet. Hindi rin ito pervert-proof. Kaya sa 2 bilyong taong yan, ang masakit na katotohanan ay marami sa mga yan ang hindi dapat binibigyan ng internet access dahil kung ano anong lagim ang hinahasik nila.

Dito sa WordPress, merong function ang bawat blog na malaman ang traffic sa blog nila. Puwede nilang malaman kung ilan ang bumibisita araw araw. Puwede rin nilang malaman kung ano ang mga ginamit na search terms ng mga tao sa Google para mapadpad sa website nila. Kinwento ko na to noon sa entry kong http://reypinmoko.com/2011/11/10/taong-greasy/ pero mukhang napapanahon na para muling balikan ang mga karumal-dumal na search terms na ginagamit ng mga tao. Gaya ng dati, lahat ng ililista ko ay actual search terms na ginamit nila. (Unfortunately)

In no particular order:

1. “pwet na kulubot”

Guys, mag poporno na lang kayo pwet na kulubot pa hanap niyo? Ang daming uri ng pwet sa mundo pwet na kulubot pa talaga?!

2. “anne curtis kita pwet”

Ayan! Much better!

3. “virgin pa ba si anne curtis”

Kung ikaw ba boyfriend ni Anne Curtis tingin mo magtatagal na virgin sayo yun? Lakas ng self-control mo ah!

4. “pano ba mapabilis ang period na babae?”

Either gusto mong malaman kase may period siya at atat ka nang mag sexy time o feeling mo nabuntis mo siya at malapit ka nang bumili ng mga pampalaglag sa Quiapo.

5. “ano ang palabas na sa dibdib lumalabas ang power”

Baywatch.

6. “anong tawag sa gumagalaw na pictures”

umm.. movie?

7. “malibog ako na babae”

Anong Facebook mo? Add kita.

8. “paano kung gusto mong makipag sex kaso wala kang asawa”

Bang Bang Ali para sa walang budget, Air Force One para sa meron. Para sa wala talagang pera, maghanap ka nalang ng rolyo ng tisyu sa bahay tsaka Abante Tonite na tabloid.

9. “anong gagawin kapag ang baby ay may kati”

Kailangan bang i-Google ang sagot na “kamutin”?

10. “litrato ng taong nag mumurahan”

Mga magulang mo kase tumae ka nanaman sa salawal.

11. “kinama ng bayaw”

Parang headline lang sa tabloid ah!

12. “ang saya pag may crush ka, pero mas masaya pag kayo na.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

13. “paano magsalita ang mga 12 years old na babae”

Gamit ang bibig niya. May iba pa bang paraan? Kaya bang mag salita ng pwet mo?

14. “mahal kita pero di moko pinapansin”

 

 

 

 

 

 

 

 

15. “kapag malaki pwet di na virgin”

Tanga.

16. “paano mo malalaman na hanggang friends lang kayo”

kapag maganda siya tapos pangit ka?

17. “miranda tate batman boobs”

 

 

 

 

 

 

 

Sabagay malaki nga naman talaga.

18. “ano ending story batman the dark knight rises”

35 pesos lang ang pirated DVD bumili ka wag kang kuripot!

19. “yung feeling na.. tinatanong ka ng crush mo kung cnu ung crush mo. anong isasagot mo?”

 

 

 

 

 

 

 

 

Gwapo ka e!

20. “bakit kaya ang babae nakakaalala lang kung may kailangan sila sayo”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

21. “80 top pictures na nakahubad na lalaki”

Infairness to you mapili ka ah hindi basta basta picture lang ng hubad na lalaki! Kailangan Top 80 talaga!

22. “pogi pacquiao”

Your search – pogi pacquiao – did not match any documents.

Suggestions:

  • Make sure all words are spelled correctly.
  • Try different keywords.
  • Try more general keywords.

23. “magandang nanay malibog”

I think searching for “MILF” would generate more results. Just a suggestion.

24. “solenn heussaff bakat”

Sorry, ako pala nag search nito.

25. “birong nakakasakit pero totoo”

Maski sarili mong nanay napapangitan sayo.

26. “pinakagwapong lalaki sa buong mundo”

Ako.

27. “bawal condom”

Bawal condom? Ikaw gusto buntis?

28. “naduduwal ako”

Sabi ko sayo ikaw condom e.

29. “magandang babae sa facebook na 11 years old lang”

Kung sino ka man, ipagdadasal na lang kita. *sign of the cross*

30. “Bentong”

Alam niyo bang 1,347 views ng blog ko ay mula sa mga taong naghanap ng picture ni Bentong at napadpad sa site ko? Ang nag search ng “Solenn Heussaff Bakat”? 11 lang. Clearly, mas marami pang tao ang interesadong makita ang makintab na noo ni Bentong kesa sa bakat na utong ni Solenn Heussaff.

At masisisi ba natin sila? Ang cute cute o!

To borrow a line from sports columnist Bill Simmons, “Yep, these are my readers.”


Batman Begins, Batman Ends

Noong 2008, ihinandog sa atin ni Christopher Nolan ang The Dark Knight. It was (and probably still is) the greatest superhero movie of all-time. Heath Ledger, before his unfortunate death, delivered a performance of a lifetime and won a posthumous Oscar for it. Mula noon lahat ata ng taong kilala man lang kung sino si Batman ay hinintay na ang susunod na kabanata sa Batman trilogy ni Christopher Nolan.

Ang mga salitang “The Movie Event of the Year” ang isa sa pinakagasgas na marketing ploy ng mga studios para magmukhang importante ang pelikulang ilalabas nila. Naglalabas ang Star Cinema ng mahigit kumulang na 6 na pelikula sa isang taon at lahat ata yun tinatawag nilang movie event of the year. Binabato bato na lang ngayon ang salitang yan e.

Pero paminsan minsan, tumatama ang studios. And for 2012, without a shadow of a doubt the biggest movie event of the year is none other than The Dark Knight Rises. (Pasensya na Tony Stark and friends pero hanggang second place lang talaga kayo)

Dalawang beses ko nang napapanuod ang The Dark Knight Rises. Unang beses ay nung opening day sa regular na sine at ang pangalawang beses ay sa IMAX. Mataas ang expectations ko dahil sa The Dark Knight e. Anything short of greatness was a disappointment. So was it any good? How does it stack up against the previous two films? Well…

(HEAVY ON SPOILERS SO KUNG HINDI MO PA NAPANUOD, STOP READING)

1. Bane is no Joker.

Nung pinapanuod ko yung The Dark Knight naalala ko na buong movie tensionado ako. Kinakabahan talaga ako para sa Gotham City. Tuwing nanggugulo si Joker noon iniisip ko talaga “Shit, Batman lumabas ka na kailangan nila ang tulong mo!” Does that even happen in movies anymore? Bihira na e. A lot of this has to do with the movie’s villain. Iba talaga yung performance ni Heath Ledger sa The Dark Knight e. As much as the movie was about Batman, it was about The Joker as well. Matutuwa ka everytime may eksena si Joker dahil mamamangha ka sa performance. Naaalala mo yung “magic trick scene” ni Joker nun yung may pencil? Nakanganga talaga ako pagkatapos niyang gawin yun e. Sadly, for The Dark Knight Rises hindi ko naramdaman yung takot kay Bane. Hindi ko naramdaman na mahirap na kalaban siya para kay Batman kahit pa he’s supposed to be Batman’s equal in terms of physicality and ferocity. Oo malaki siya, pero yun lang. Hanggang ganun lang. He’s actually not even that big when you think about it.

Seryosong tanong, kung hindi puwedeng tanggalin ni Bane yung mask, pano siya nangungulangot?

Pero sa totoo lang walang sense na ikumpara si Bane kay Joker because that’s like comparing apples to oranges. Magkaibang hayop talaga sila e. Unfortunately for Bane, the Joker makes for a more formidable foe and a more compelling story. Pero siguro okay lang yun. You can’t make the same movie twice.

2. Christopher Nolan makes the most intriguing casting choices.

Nung kinuha ni Christopher Nolan si Heath Ledger for the role of The Joker, it was heavily criticized. “Yung lalake sa 10 Things I Hate About You?! Yung bading na cowboy sa Brokeback Mountain?! Siya talaga si Joker?!” Pero tiwala si Nolan kay Heath Ledger at ang resulta ay ang isa sa pinakanakakabilib na performances in recent memory. For the role of Catwoman, marami rin siyang puwedeng kunin. But Nolan went for the unusual choice of casting Anne Hathaway as Selina Kyle. This was also met with heavy criticism. Yung babae sa Princess Diaries si Catwoman?! Of all people, isa na siya siguro sa mga huling maiisip mo na gumanap sa role na yun.

“Ako? Si Catwoman? Ewwww!”

So kamusta ba ang performance ni Anne Hathaway bilang si Catwoman? Well, she’s a good actress. She actually managed to pull it off somehow dahil nga sa galing niyang umarte. Pero still, I didn’t feel that she was right for the role. Masyado siyang mabait tingnan. Kulang sa seduction. Maniniwala ka ba na si Bruce Wayne, playboy billionaire na hinahabol ng kung sino sinong babae e mahuhulog para kay Anne Hathaway?

As for Bane, I think Tom Hardy did the best he could do with the role. Mahirap umarte kung buong time hindi ka naman nakikitang nagsasalita at nakatakip yung bibig mo. Kailangan mong umarte sa pamamagitan ng mata. He managed to do that, kaso wala lang talagang masyadong depth kay Bane. Hindi mo puwedeng laruin masyado e. Yung boses lang ang nalaro niya dun e. Heath Ledger had the luxury of licking his lips like a reptile to add to Joker’s nuances. Mahirap gawin kay Bane yung mga ganung bagay e.

3. Ang pangalang ng bagong amo ni Alfred.

Hindi ka puwedeng maging amo ni Alfred kung Bates ang apelyido mo. Bakit, ano bang tawag ni Alfred kay Bruce Wayne? Master Wayne diba? So kung Bates ang pangalan mo ang tawag sayo ni Alfred ay…

nevermind.

4. Somewhat predictable yung twists

Baka ako na lang to, pero hindi ako masyadong nagulat sa mga twists e. Medyo may sense of foreboding na rin throughout the film. Si Alfred paulit ulit na sinasabi kay Batman na ano pa bang kailangan niyang ibigay? Buhay niya? Tapos sabi ni Catwoman kay Batman na nabigay na niya ang lahat sa Gotham. Sabi ni Batman, “Not everything. Not yet.” I guess in a way kasama yan sa style ng storytelling. Pero somehow alam mong kailangan matapos nitong trilogy sa “pagkamatay” ni Batman. Wala nang pupuntahan yung kwento e.

Also, medyo halata na rin naman na Joseph Gordon-Levitt ay si Robin. Unang una, orphan siya. Pangalawa lagi siyang sinasabihan ni Batman na kailangan mong magsuot ng mask para lumaban. Nung huli binato niya yung badge niya sa dagat at sinabi kay Commissioner Gordon na kailangan niyang lumabas sa strictures of law enforcement.

There was this one line from Miranda Tate na sinabi niya kay Batman na he can’t just step away from the world after his failed attempt of saving it. Somehow alam mo na Miranda Tate is more than what she seems at may alam siya kay Bruce Wayne na hindi niya dapat alam.

5. Nice ending, but it could have been slightly better

Sa last 30 mins ng pelikula, akala natin namatay na si Batman nung tinangay niya yung atom bomb sa gitna ng dagat. Kaso nalaman natin na naayos pala niya yung auto-pilot nung sasakyan niyang The Bat. Could it be? Then we cut to scenes of Joseph Gordon-Levitt exploring the batcave. Then we cut to a scene where Alfred, played beautifully by Michael Caine, is in Florence. He looks at the camera and with a smile on his face, he nods. Then the Hans Zimmer score intensifies. Dapat natapos na dun e! Hindi na dapat natin nakita si Bruce Wayne na nakangiti rin sa kanya. Yun na dapat ang last scene! It would have been very Nolanesque, parang yung “spinning top scene” sa ending ng Inception. Handa akong makipag-duelo sa magsasabing mali ako!

6. Hindi masyadong matalino ang mga taga Gotham City.

Nawala si Batman for 8 years at kasabay nun naging recluse rin si Bruce Wayne for almost the same amount of time. Na-hijack ang Wayne Enterprises building at kasabay nun naglabasan na rin ang mga batmobiles sa kalye. Kasabay ng pagkamatay ni Batman sa dulo, namatay rin si Bruce Wayne. Hindi niyo pa rin alam kung sino si Batman? Kung sa Pilipinas nangyari yan meron nang blind-item yan!

“Da who itong mayaman na guy na love na love magsuot ng bonggang costume at manghuli ng mga kriminal?”

Pasalamat si Bruce Wayne at hindi taga Gotham City si Cristy Fermin at kung hindi hindi niya matatago ang sikreto niya.

Ang susunod na kalaban ni Batman.

7. For a Batman movie, you don’t get to see a lot of Batman.

The movie runs for 2 hours and 45 minutes. You only get to see Batman for around 30 mins or so. Para sa pelikula tungkol kay Batman halos wala kang nakitang Batman. For the most part nakikita mo lang si Tom from 500 Days of Summer na paikot-ikot sa Gotham City pagkatapos niyang makipagbreak kay Summer.

After Summer broke his heart, Tom then turned to a life of crimefighting.

8. So was it better than Batman Begins and The Dark Knight?

Nung una kong napanuod yung movie, hindi ako masyadong nabilib talaga. To be honest nadisappoint ako. I would have ranked it behind Batman Begins and The Dark Knight. But upon second viewing mas naappreciate ko na siya. Tingin ko pantay lang siya sa Batman Begins pero mas maganda ang The Dark Knight ng milya milya. It’s a worthy conclusion to the trilogy. Para siyang The Godfather Trilogy e. Yung unang part is unlike anything you’ve seen before. Yung pangalawang part is an instant classic. Yung pangatlo, hindi na kasing ganda nung pangalawa pero may sentimental value kase siya yung nagtatapos nung kwento.

Mas importanteng tingnan yung trilogy as a whole e. Binigyan tayo ni Christopher Nolan ng pinakamagandang version ng Batman mula pa sa panahon nung sinuot ni Adam West ang Batman suit noong 1960s. It’s not just a good superhero trilogy, it’s a good cinematic trilogy. After Joel Schumacher’s Batman & Robin and his tragic batsuit with nipples, the franchise was in a very bad place. Christopher Nolan turned it on its head and showed us how superhero movies should be done. 5 years from now gagawan ng reboot ang Batman at malamang gagawin nila tong cheesy love story tulad ng ginawa nila sa Spider-Man at hindi tayo magagandahan. Hindi ko alam kung paano pa nila tatalunin tong ginawa ni Christopher Nolan ngayon. For everyone’s sake, sana wag na nilang subukan.


500 Days of Spider-Man

Pagkatapos maloko ni Mark Zuckerberg, nag desisyon si Eduardo Saverin na maging si Spider-Man na lang. Teka, tama diba? Yun ang kwento nung bagong Spider-Man?

Noong 2002, nilabas ng Marvel at ng Sony Pictures ang unang Spider-Man movie kung saan si Tobey Maguire ang nag suot ng pula at blue na spandex na sa sobrang sikip ay nakakagulat na hindi “The Adventures of Boy Bakat” ang title ng pelikula. Dahil maayos namang ang pagkakagawa ng director na si Sam Raimi at curious ang madla na makita si Boy Bakat na naglalambitin sa mga building, kumita ng $821,708,551 ang unang Spider-Man film. Nasundan ito ng dalawa pang Spider-Man movies na kumita ng $783,766,341 at $890,871,626. Partida sa lagay na yan yung napaka-pangit pa na Spider-Man 3 ang pinakamalaki ang kinita ah. Para sa mga may amnesia at hindi maalala kung gaano kapangit ang Spider-Man 3, panuorin niyo tong video na to at subukan niyong hindi manapak ng tao pagkatapos:

So ang paraan ba nila ng pagpapakita na naging kupal si Peter Parker ay ang lagyan sya ng bangs at gawing emo habang nag-sstrut sa kalye na parang manyakis na version ni John Travolta sa Staying Alive? Hayup ka, Sam Raimi. Wag kitang makikita sa daan kung hindi sasagasaan talaga kita.

Ang nag-iisang contribution ni Tobey Maguire sa lipunan? Maging meme sa 9gag.

Ten years pagkatapos ipalabas ang unang Spider-Man, binigyan ito ng reboot at nilabas ang pelikulang The Amazing Spider-Man kung saan pinalitan na ni Andrew Garfield (aka Eduardo Saverin from The Social Network) si Tobey Maguire bilang si Spider-Man. Liban sa pagdagdag ng mga salitang “The Amazing” sa unahan, may mga binago rin sila this time around. Pinalitan nila ang love interest ni Peter Parker na si Mary Jane at ginawang si Gwen Stacy, ang sinasabing first love daw talaga ni Spider-Man. Nag focus rin sila sa pagiging teenager ni Peter Parker para sa pelikulang to. (Fortunately, hindi na nila sinama sa final cut ng pelikula yung eksenang nag masturbate si Peter Parker at sapot ng gagamba ang lumabas)

Just a gentle reminder from your friendly neighborhood Spider-Man.

Pero kung may pangnuod ka ng sine o kahit pambili lang ng piniratang DVD, malamang napanuod mo na tong pelikula kaya hindi ko na kailangan pang ikwento kung anong nangyari. At kung naghahanap ka rin ng matinong review, hindi mo makukuha sakin yun. As usual, nandito lang ako para ibahagi ang mga naisip ko habang pinapanuod ang nasabing pelikula. Eto sila,

1. Ako lang ba ang may feeling of “deja vu” habang nanunuod ng The Amazing Spider-Man?

Nagtataka ka siguro kung bakit may reboot na ang Spider-Man kahit parang kelan lang siya pinalabas. Sa katunayan, 5 taon lang ang pagitan ng Spider-Man 3 at The Amazing Spider-Man. Bakit hindi na lang nila tinuloy yung series at naglabas ng Spider-Man 4? Well ang totoo niyan yun naman talaga ang plano nilang gawin. Kaso hindi nagkasundo ang studio at si Sam Raimi sa direction ng susunod na pelikula. Siguro sinabi na rin ng studio na “Hayup ka, Sam Raimi ang pangit nung huling pelikula mo ginawa mong si Justin Bieber yung buhok ni Spider-Man tapos gusto mo ikaw pa masunod?!”

Ginoogle ko lang “Justin Bieber Spiderman” at ito ang lumabas. Liban sa pag search ng mga pics ni Kate Upton marami rin talagang silbi ang internet e.

Nung tinanggal nila si Sam Raimi, ayaw na rin ni Tobey Maguire. Kailangan nang maglabas ng Sony Pictures ng bagong Spider-Man movie kung hindi babalik sa Marvel ang movie rights nito kaya inulit na lang nila.

Pero habang nanunuod, hindi maiwasang magkaron ng feeling na napanuod mo na to kelan lang e. Kung papansinin mo ang cinematography, theme, at paraan ng storytelling halos walang pinagkaiba ang bagong pelikula sa mga naunang Spider-Man movies. Ang ginawa lang talaga nila sa pelikulang to ay iniba yung detalye. Kinukuhanan pa rin niya ng patago na parang manyakis na stalker  yung crush niya. Nabaril pa rin si Uncle Ben dahil may kriminal na hindi pinigilan si Peter. Kaso imbis na yung wrestling promoter ang ninakawan, cashier naman sa convenience store ngayon.  May isang parte dun na nag-speech pa si Uncle Ben tungkol sa responsibility. Hinintay ko talagang marinig yung mga katagang “great power” at “great responsibility” kase akala ko bibitawan na e. Buti na lang nahiya naman silang i-recycle yung dialogue.

2. Kung magaling kang reporter, mahuhulaan mo kung sino si Spider-Man.

Ang pinakanakakagulat para sakin sa buong Spider-Man series ay kung bakit hindi mahulaan ng mga taong nakapaligid kay Peter Parker na siya si Spider-Man. Napakadaling hulaan e! Una sa lahat si Mary Jane. Bakit ba tuwing may kontrabida sa New York City laging si Mary Jane na lang ang kinukuhang hostage? Ano bang meron tong babaeng to? Si Green Goblin nilambitin siya sa Brooklyn Bridge. Si Doctor Octopus dinukot siya habang nasa coffee shop sa gitna ng New York. Si Venom pinalambitin siya sa loob ng kotse sa isang construction site. Kung ikaw ay isang reporter sa mundo nila, hindi ka ba magtataka kung sino tong napakamalas na babaeng to na lagi nalang hinohostage ng kung sino sino? Ano bang meron dito sa babaeng to? Hindi ka ba mag-iimbistiga sa mga taong malapit sa kanya?

Itong si Peter Parker naman laging magaganda ang kuha kay Spider-Man. Bakit ba tuwing may kalaban si Spider-Man andun agad si Peter Parker na nakaabang?! Hindi ba nagtataka ang mga journalist kung bakit ang gaganda ng mga kuha ni Peter Parker? Bakit wala pang nag aalok sa kanyang maging photographer ng mga tumatakbong leon para sa National Geographic? Wala man lang bang nakaisip na ipa-Bitag kay Ben Tulfo yan para lang malaman kung siya talaga si Spider-Man? Kayang kaya ni Ben Tulfo yan! Mumurahin lang yan ni Ben “Bitag” Tulfo mapapaamin na yan!

Tinawag na “hinayupak ni Ben Tulfo, umiyak.

Yung mga kaklase naman ni Spider-Man, hindi ba kayo nagtataka na parang kahapon lang binubugbog tong payatot na to tapos kinabukasan tumatambling na at sumisirko? Biglang nakakaiwas na sa lahat ng suntok? Kailangan pa ba niyang maglambitin sa harapan mo na parang uhog sa ilong para mahulaang siya si Spider-Man? Ano ba naman yan guys? Konting utak ha?

3. After The Avengers movie, wala nang sense ang ibang superhero movies.

Pagkatapos ipalabas ang The Avengers kung saan nag sama sama sa isang pelikula sila Thor, Hulk, Captain America at Iron Man, parang wala nang sense na magkaron pa sila ng tigi-tigisang pelikula. Di ba? Kase isipin mo, ikaw si Iron Man tapos may umaatakeng alien sa New York City, ikaw lang ba mag-isa lalaban? Wala ba sa speed dial mo si Captain America? Hindi mo ba maiisip na “Teka, ang dami nitong mga to kailangan ko ng resbak dito, matawagan nga si Hulk!” Ano pang sense na maging superhero ka mag-isa?!

Sa The Amazing Spider-Man, naghahasik ng lagim sa New York City ang isang malaking butiki na kung tawagin ay The Lizard. (Simpleng pangalan pero kase nga malaking butiki lang naman siya so ano pang itatawag mo sa kanya diba? Bayawak-Man?) Yung huling Avengers movie, sa New York City rin ang setting. So bakit nung may malaking butiki sa New York City, hindi na naisipan ng Avengers na labanan yung butiki? Sinabi ba ni Thor na “Butiki lang naman yan e, kaya na ni Spider-Man yan.” O kaya nung dinudurog ni Loki ang Manhattan, ano kayang ginagawa ni Spider-Man nun? Gumawa ng duyan gamit ang sariling web at nag petiks?

Kaya hindi ka sinali sa Avengers e!

Speaking of Avengers…

4. Bakit wala si Spider-Man sa Avengers?

Wala si Spider-Man sa Avengers dahil magkaiba ang studio na humahawak ng pelikulang Spider-Man at Avengers. Sony Pictures ang humahawak sa Spider-Man at Marvel Studios naman ang humawak sa Avengers. Isipin mo na lang para yang si Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Liban sa pagiging duwag ni Floyd Mayweather, hindi sila puwedeng magsama dahil magkaiba ang promoters nila. Mahirap magkasundo sa hatian ng revenue sila Bob Arum at Golden Boy Promotions.

Ang kinita ng Avengers so far ay umabot na sa $1,450,714,000. Wala pa si Spider-Man diyan diba? E kung kasama si Spider-Man paghahatian pa nila yan. Pag sinama mo ba si Spider-Man siguradong kikita sila ng $3,000,000,000? It doesn’t work that way diba? Kaya chances are, hindi mo makikitang kasama sa Avengers si Spider-Man.

Unless siya ang gawin nilang love interest ni Iron Man sa Avengers 2.

Speaking of love interests…

5. Ang director ng The Amazing Spider-Man ay ang director ng 500 Days of Summer

At kitang kita sa pelikula yun. Kung tatanggalin mo sa kwento yung detalye na nakagat siya ng gagamba at may malaking butiki na nakatira sa imburnal ng New York City, love story naman talaga ng The Amazing Spider-Man. Yung mga awkward na landian nila ni Gwen Stacy sa hallway ng school nila? Napaka-500 Days of Summer ng dating. Akala mo nanunuod ka ng Sweet Valley High: The Movie e. Nung una nga akala ko si Stephanie Meyer na author ng Twilight ang nag sulat ng screenplay ng pelikula. Pero narealize ko hindi naman siguro kase hindi naman siya pangit tsaka wala naman akong naramdaman na gusto kong manakit ng tao habang nanunuod.

Alam niyo bang muntik na nilang gawing Spider-Man si Robert Pattinson? As if hindi pa nakakairita si Spider-Man sa Spider-Man 3, gagawin pa nila siyang mas nakakainis sa Spider-Man 4. Hindi ko maintindihan ang mga producers minsan e. Ano bang nagawa natin sa kanila bakit naiisip nila tayong tarantaduhin ng ganun?!

The 2nd worst possible choice for Spider-Man. Natalo lang ni SpiderBiebs.

All told, The Amazing Spider-Man is actually pretty good. Mas okay na Spider-Man si Andrew Garfield kesa kay Tobey Maguire. Kuha niya yung pagiging charming and witty ni Spider-Man pati yung pagiging geeky and awkward ni Peter Parker. Mas okay rin na love interest si Emma Stone kesa kay Kirsten Dunst. I am actually of the school of thought na dapat ilagay si Emma Stone sa 80% ng mga pelikula sa Hollywood na nangangailangan ng leading lady na maganda pero mukhang down to earth. Okay rin ang casting para sa supporting roles. Kinuha nila ang mga veteran actors na si Sally Fields (aka nanay ni Forrest Gump) at Martin Sheen (aka tatay ni Charlie Sheen) para sa mga roles na Aunt May at Uncle Ben. Bagay rin sa role na smart-ass police captain si Denis Leary (aka the sabertooth tiger from Ice Age)

Pero ang pinaka-interesting para sa akin sa casting choices ay si Rhys Ifans bilang si Dr. Kurt Connors aka the Lizard. He does an adequate job with the role, nothing extraordinary. Pero nakakatuwa lang isipin na 13 years ago, una natin siyang napanuod as Hugh Grant’s crazy roommate sa oft-quoted movie na Notting Hill.

Mukha bang scientist yang gagong yan?

Ang problema lang sa Amazing Spider-Man? We’ve seen it before. Alam mo na ang itsura ni Spider-Man e. Hindi ka na magugulat pag nakikita mo siyang naglalambitin sa mga skyscrapers ng New York. Sa totoo lang, ilang beses ba natin kailangang mapanuod si Peter Parker na makagat ng gagamba? Ilang beses ba nila kailangang patayin si Uncle Ben?!

Tama na okay?! Wag niyo na paiyakin si Peter Parker!


Watch the Throne

Sa totoo lang, pinagaawayan ng lahat pero di naman mukhang kumportable. Parang metetetano ka pa e.

Kung katulad mo ko, malamang bwisit na bwisit ka tuwing sasapit ang Lunes. Kahit sino ka pa, kahit ano pang trabaho mo, di mo makakaila na mas masarap humiga higa sa kama na parang binibilad na tinapa kesa sumubsob sa mesa kaharap ang kumikindat kindat na monitor ng computer. Hindi madali ang Lunes para sa ating lahat. (Not unless ikaw si Marc Nelson at ang agenda mo lang pag Lunes ay “maghubad ng t-shirt sa Boracay”)Pero simula ng dumating ang Game of Thrones, naging mas madali nang harapin ang mga Lunes dahil alam nating may bagong episode nanaman kung saan maghuhubad si Khaleesi… este may bagong episode ng Game of Thrones!

Sinabi ko na to noon at sasabihin ko ulit, Game of Thrones is the best show on TV right now. Panalo na siya by default dahil wala na ang Budoy. (Isang TV show kung saan sinira ni Gerald Anderson ang pantasya ng libo-libong mga kababaihan)

Maniwala ka sakin Gerald Anderson balang araw pagsisisihan mo tong ginawa mong to.

Magandang kwento? Check. Elaborate sets? Check. Great casting? Check. Patayan? Check. Every episode may babaeng naghuhubad? CHECK! Ladies and gentlemen, yan ang formula ng isang magandang TV show! E kung ginawa niyo ba naman yan sa My Binondo Girl e di mas marami sanang nanuod diba?

After 2 seasons,  ang dami nang characters na namatay pero pakiramdam mo na nagsisimula palang ang gulo sa Westeros. Parang isang telenobela na aabang-abangan mo linggo linggo para malaman kung ano nang mangyayari sa magugulong buhay nila. Bihira na lang ang mga palabas na ganyan ngayon kung saan bida man o kontrabida, may pakialam ka sa mangyayari sa mga buhay nila. (Seryoso lang, hindi mo ba inaabangan kung kelan mamamatay si Joffrey? Ako oo e!)

Pero siyempre, hindi ako magsusulat ng blog entry para lang sabihin sayo kung gaano kaganda ang palabas. Kung nanunuod ka malamang alam mo na yun e diba? Andito ako para ibahagi sa inyo ang mga bagay na napuna ko o naisip tungkol sa palabas. Hayaan niyong ilista ko sila ng isa-isa.

1. Inabot tayo ng 2 seasons bago malaman ang pangalan nilang lahat.

Magaling na manunulat si George RR Martin, walang duda diyan. Pero sobrang palpak niyang mag pangalan ng mga characters. Tingnan mo ah:

Jeor, Jorah, Jory.

Tyrion, Tywin.

Bran, Bronn.

Viserys, Daenerys, Varys.

Pero anong pangalan ng mga ibang main characters? Ned. Robb. Robert. Jon. Jaime. Parang mga normal na tao lang na mahahanap mo sa listahan ng contacts mo sa cellphone di ba? Pwede naman palang padaliin na lang e, bakit kailangang pahirapan pa ang pangalan ng mga characters?! Hindi ba pwedeng tipong mga Jojo Targaryen na lang? O kaya Junjun Baratheon! Mga ganun diba? Hindi ko naman sinasabing kailangang ordinaryong ordinaryo ang mga pangalan. Pero seriously, Bran and Bronn?

Isa sa kanila mahilig sa pokpok at alak. Hindi ko sure kung alin pero yung nasa kaliwa ata.

Bit of trivia, Yara Greyjoy, yung kapatid ni Theon, was originally named Asha. Pero pinalitan ang pangalan niya to Yara to avoid being confused with Osha, the wildling. May tiyaga mag sulat ng mga libro si George RR Martin pero pag nagpapangalan ng characters? “Palitan lang natin ng isang letra yung pangalan okay na yan!”

2. Pag namatay si Tyrion, hindi ka na manunuod.

Maraming okay na characters sa Game of Thrones, pero milya milya ang layo nila kay Tyrion Lannister kung fanbase lang ang pag-uusapan. (Partida yan pa yung isa sa mga characters na ayaw nating makitang nakahubad ah) Dahil yan sa kumbinasyon ng magandang pagkakasulat ni George RR Martin sa character ni Tyrion at sa galing ni Peter Dinklage sa pag arte. Si Tyrion Lannister ang puso at kaluluwa ng palabas e. Sa dami ng characters, natanong mo na ba sa sarili mo kung sino talaga ang bida? Nung season 1 akala mo si Ned Stark. Kaya laking gulat mo nung pinugutan siya ng ulo na parang manok na ganun ganun na lang. So sino bang natitira? Si Jon Snow? Hindi pa natin alam kung anong relevance niya talaga sa kabuuang kwento ng Game of Thrones liban sa magpaka-emo habang giniginaw. Si Robb Stark? Nakikita lang natin siya laging nasa loob ng tent, either pinapagalitan yung nanay niya o nakikipag-landian dun sa chicks na nurse. Whether you like it or not, you are left with Tyrion. And if he dies, who will we root for? Varys the dickless wonder?

Impin’ ain’t easy.

Speaking of which…

3. Sino ba talaga ang kontrabida sa Game of Thrones?

Quick answer is Joffrey right? Well not necessarily. Siya yung pinaka-nakakainis siguro pero siya ba ang pinaka-kontrabida? Hindi rin e. In the scheme of things, gaano ba siya kaimportante sa buong kwento? So far parang wala pa siyang masyadong bearing kung hindi maging nakakainis e. Kung hari ka na nasasampal-sampal ni Tyrion, wala ka pa sigurong masyadong importansya diba? Tsaka kung magkapatid yung nanay at tatay mo, hindi ka ba maglalabas ng sama ng loob sa lahat ng taong nasa paligid mo?

Si Theon Greyjoy? Hindi rin. Although salamat sa kanya natuto tayo na wag basta basta magpapasok ng kamay sa panty ng iba at baka kapatid mo na yung pinaglalaruan mo hindi mo lang alam. Kung sayo ba mangyari yun hindi ka ba magagalit sa mundo? Di mo rin siya masisi kung bakit siya kupal e.

Mga bata anong natutunan natin today? Wag masyadong malibog.

So sino nga ba? So far, hindi pa natin alam. Although mukhang yung mga zombies north of the wall ang magiging kalaban ng lahat, hindi pa natin alam yun sa ngayon. The weird thing about Game of Thrones is that hindi mo alam kung sino talaga ang bida at sino ang kontrabida but the story works.

4. Masyadong maraming hubaran sa Game of Thrones.

Halos kada episode ng Game of Thrones may naghuhubad. On paper, this sounds like a good thing. Pero in reality, hindi. Okay sana yan kung laging sila Danaerys o si Cersei ang may nude scenes. Kaso hindi ganyan ang Game of Thrones. Nung minsan merong sex scene si Theon Greyjoy na may kasama siyang babae na triangle ang shape ng boobs. Ayoko namang maging mapanlait, pero ngayon ko lang nalaman na pwedeng magkaron ng triangle na boobs. Bakit nga ba laging may nudity sa Game of Thrones? Simple lang dapat ang sagot diyan. Sex sells. Tama diba? Pero pano mo ipapaliwanag tong eksenang to.

Kailangan ba nating makita ang “Hodor” ni Hodor?

Anong saysay ng eksenang yan? Anong binebenta niyan?! Sinong nag-isip na kailangan nating makita yan?! Kung naaalala mo ang episode na yan, wala talagang relevance yang eksena na yan sa episode. Talagang nag singit lang sila ng eksena kung saan pinapakita ni Hodor yung batuta niya. Kung ikaw yung artistang gumaganap kay Hodor, hindi ka ba maiinis? Mentally retarded na nga ang role mo, “Hodor” lang ang linya mo, kailangan mo pang magkita ng Hodor Jr.?!

Speaking of Hodor…

5. Dragons are nice, but I prefer Hodor.

Sa final episode ng Season 2, nakita natin kung anong advantage ng pagkakaroon ng mga alagang dragon. Maliit pa sa bayawak yung mga dragon ni Danaerys pero naging tustado yung nakakatakot na kalbong maraming kambal. Astig kung may alaga kang ganyan diba? Pero isipin mo, hindi practical yan e. Mas aalagaan mo pa yan kesa ikaw ang alagaan niyan. Ang laki laki nun san mo naman ilalagay yun diba? Magkamali ka lang ng pwesto pag nadighay yung dragon magiging inihaw ka na.

E si Hodor? Si Hodor low-maintenance. Basta hindi lang siya maghuhubad ng salawal wala kang problema kay Hodor. Pag inutusan mo, walang reklamo sasagot lang ng “Hodor.” Kapag napagod ka puwede kang sumakay sa likod ni Hodor anytime. Isipin mo kung kasama mo si Hodor sa inuman. E di puwede ka nang malasing diba? Alam mong makakauwi ka ng buhay kase ipapasan ka ni Hodor sa likod niya.

“Tangina, Hodor lasing na ko. Uwi na tayo!” – Bran Stark

And speaking of big and scary guys…

6. Hindi ko matanggap kung pano namatay si Khal Drogo.

Si Khal Drogo ang pinakanakakatakot makaharap sa madilim na eskenita sa lahat ng characters sa Game of Thrones. Nung isang beses hiniwa niya yung leeg nung isang nakaaway niya tapos dinukot niya yung dila. Nung isang beses naman binuhusan niya ng kumukulong kung ano man yung bayaw niya. Hindi siya yung tipong sasaksakin ka lang kung papatayin ka. Siya yung tipong dudukutin yung dalawang mata mo tapos papakuluan para gawing pampalasa sa sabaw.

Pero pano siya namatay? Wala lang. Nasugatan lang tapos namatay sa impeksyon. Anak ng tinapay. Ang angas angas pa naman niya hindi man lang siya namatay sa matinding labanan! Namatay siya kase tinutukan siya ng patalim sa dibdib tapos diniin niya yung dibdib niya sa patalim.

Nampucha naman, Khal Drogo tatanga tanga ka e.

Kung may Betadine lang sa lugar na yun hindi sana namatay si Khal Drogo.

7. Bakit hindi pinatay nung lumabas sa vajayjay nung babaeng pula ang buhok sila Joffrey et al?

Nung isang episode maghaharap sana ang armies nila Stannis at Renly. Pero bago pa sila mag laban, pinatay si Renly nung malignong lumabas sa vajayjay nung babaeng pula ang buhok. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila inulit yun nung nilusob nila Stannis yung King’s Landing. Bakit hindi na lumabas yung malignong galing sa vajayjay?! One time use lang ba yun? May expiration date ba yun? Edi naiwasan sana nila yung matinding pagkatalo na yun diba? Tapos kung namatay si Joffrey edi nag celebrate tayong lahat diba? Hindi ba yun ang magandang ending kay Joffrey, napatay ng malignong galing sa vajayjay? Kung hindi lang rin dudukutin ni Khal Drogo yung dila niya, yun na ang best ending para sa kanya diba?!

Cinongratulate daw personally ni George RR Martin ang gumaganap na Joffrey Baratheon na si Jack Gleeson dahil galit ang mga manunuod sa kanya. Alam mong effective kang kontrabida kung inaabangan ng lahat kung kelan ka mamamatay at nag iisip sila ng iba’t ibang paraan kung paano ka dapat mamamatay.

Akala niyo acting yun? Kupal talaga si Jack Gleeson in real life.

8. Jaime Lannister has issues.

And that’s probably the biggest understatement of the year. Isipin mo, ikaw si Jaime Lannister. Mayaman ka. Gwapo ka. Sikat ka. Mas maganda pa yung buhok mo sa karamihan ng mga babaeng chinichicks mo. Pero sinong kinama mo? Kapatid mo? Daaaaaaamn! Hindi ko alam kung gaano kaganda dapat ang kapatid mo para matukso kang mag hanky panky kasama siya. Kahit kapatid ko pa si Georgina Wilson, Solenn Heussaff, at Anne Curtis hindi naman ako matutukso sa kanila kahit araw araw ko silang nakikitang naglalakad sa loob ng bahay na naka-panty at bra lang e. (Uy naiimagine o!) Bakit kailangang si Cersei pa, Jaime Lannister?! Bakit?!

Pero obvious na yang incest e. If you fuck your sister, you certainly have issues right? Hindi na pagdududahan yan e. But if you fuck your TWIN sister, ibang level na ng kababalaghan yan hindi ba?! Basically ikaw rin yan in female form e! So inisip mo na sa dami ng babae sa paligid, ang dapat mong anakan ay yung taong ikaw rin kung ginawa lang na babae? Daaaaaaaamn! Yan ang narcissist! Hindi ako magugulat kung sa season 3 magkaron ng eksena na nag mamasturbate si Jaime Lannister habang pinapanuod ang sarili niya sa salamin.

Sobrang lakas daw niya sa chicks maski kapatid niya kaya niya.

9. Game of Thrones does zombies better than the show that is actually about zombies.

Kung napanuod niyo yung Season 2 finale, nakita niyo siguro yung napaka-astig na ending kung saan nagtatago si tabachoy sa likod ng isang malaking bato habang napapalibutan siya ng mga zombies. Nagkaron pa sila ng moment nung isang zombie na nakasakay sa kabayo nung nagkatitigan sila.

Teka lang, tama ba yun? Zombies na nakasakay sa kabayo na zombie rin?!? Shit! Tapos boobies every now and then? Wala na! Eto na talaga ang best show ever! Isipin mo, paano ba usually ang mga zombies sa mga pelikula tsaka sa shows tulad ng The Walking Dead? Mabagal. Walang isip. Basta may kasama kang mas mahina ang resistensya sayo, makakatakas ka naman siguro at siya yung makakain. Sa totoo lang basta hindi ka nila papalibutan kayang kaya naman silang patayin diba? Kahit bata kayang bumaril ng zombie sa The Walking Dead e. Pero sa Game of Thrones, ginawa nilang mas astig ang mga zombies. Malakas, mabilis, marami, at higit sa lahat nakasakay sa kabayo! Isipin mo kung hinahabol ka ng zombie na nakasakay sa kabayo na zombie rin, ano pang pag-asa mo sa buhay? Wala! At organized pa sila ah meron silang leader!

Siya ata ang nanalong kagawad ng mga zombies nung nakaraang eleksyon nila. Di ko lang sure.

Even in their own game, tinatalo ng Game of Thrones ang The Walking Dead. Kung naging sitcom ang Game of Thrones, sigurado akong mas nakakatawa pa siya kesa sa How I Met Your Mother. Kinukwento ni Jaime Lannister kay Joffrey kung pano sila nagkagustuhan ng nanay niya. Nice!

10. In the world of Westeros, anything can happen.

Isa sa mga dahilan kung bakit maganda ang palabas na Game of Thrones ay dahil hindi mo talaga alam kung anong mangyayari sa mga susunod na episodes. Aabangan mo talaga siya kase alam mong may mangyayaring mga bagay na kahindik hindik, hindi ka lang sigurado kung ano mismo. First episode pa lang nagulat na tayo nung nakita nating nagbabanatan yung magkambal. Every now and then ginugulat rin tayo ng mga show writers pag sinisingit nila ang isang nakahubad na Hodor sa gitna ng kagubatan.

Napatunayan rin ni George RR Martin na hindi siya sentimental kapag gumagawa ng mga characters sa isang kwento. Kahit sino pwede niyang patayin kung gugustuhin niya. Nalaman natin yan nung Season 1 pa lang nung napugutan ng ulo ang inaakala nating bida na si Ned Stark. Kaya natakot tayo nung nahiwa si Tyrion sa ulo kase akala natin mamamatay na siya (spoiler alert: he signed a contract to appear in the show for the coming seasons kaya alam natin na hindi siya papatayin anytime soon) Kinakabahan tayo pag naiiwan si Hound kasama si Sansa kase laging andun yung risk na mahalay siya. Hindi rin malayong mangyari na walang kapuntahan ang kwento ni Jon Snow at mamatay lang siya sa ginaw.

Anything can happen in the world of Westeros and everyone’s on the edge of their seats in eager anticipation. Maski si George RR Martin rin mismo hindi pa alam kung anong mangyayari dahil hindi pa siya tapos isulat ang mga libro. Kaya pag dasal natin na wag mabulunan si George RR Martin habang kumakain ng sandwich at hindi niya matapos ang Game of Thrones. Paano na natin malalaman kung kelan mamamatay si Joffrey diba?!

Brothers and sisters, isama po sana natin sa mga dasal natin si George RR Martin. Mukhang aatakihin sa puso kahit anong oras e.


A Guide to the NBA Fan

Tuwing mga bandang Mayo, nag-iiba ng kilos ang karamihan sa mga kalalakihan sa Pilipinas. Gumigising sila ng mas maaga. Hindi pumapasok sa trabaho ang iba kahit wala namang sakit. Hindi muna sinasagot ang mga text ng girlfriend. Hindi pinapansin ang naglalambing na asawa. Nagbibingi-bingihan kapag tinatawag ng nanay para maghugas ng plato. Napapamura na lang bigla habang nanunuod ng TV. Kapag nag-iinuman sa gabi, akala mo kung sinong mga eksperto at dalubhasa kung mag-usap. Kapag medyo nakarami na ng inom, nauuwi pa sa murahan ng mga ina paminsan.

Yes, ladies and gentlemen, the NBA Playoffs are once again upon us.

Para sa isang bansa katulad ng Pilipinas na baliw sa basketball, ito na ata ang pinakamalaking sporting event ng taon. Ang masaklap na katotohanan ay hindi tulad ng ibang bansa, salat tayo sa mga sporting events na aabangan dito sa Pilipinas. Dalawang beses lang lumaban si Pacquiao sa isang taon. Wala pa naman talagang pakialam ang nakararami sa soccer. Liban kay Baby James, wala naman na atang nanunuod ng PBA masyado. So ano pa bang ibang meron diba? (Star Olympics ba kamo? Nakakahiya ka)

Tanungin mo ang kahit sinong may Twitter at walang makakatanggi na parte ng buhay ng maraming lalake ang panunuod ng NBA. Asahan mong tuwing may laban, uulanin ang timeline mo ng mga tweets tungkol sa pagiging bwakaw ni Kobe, pagiging duwag ni LeBron, balbas ni James Harden, at ang napapanot na ulo ni Manu Ginobili.

10-year NBA veteran James Harden. Tingnan natin kung kaya pa siyang sikuhin ni Metta World Peace.

Iba’t iba ang mga NBA fans sa Pilipinas. Kumuha ka ng kahit sinong dalawang lalake at malamang hindi sila magkakasundo sa mga teams na gusto nila. Pero kahit ganun pa man, kaya natin yang i-classify sa loob ng 6 grupo. Hindi pa to ang lahat, pero maraming papasok sa 6 na grupong ito.

Ladies and gentlemen, inihahandong ko sa inyo ang mga NBA fans na matatagpuan sa Pilipinas.

The Quinito Hensons

Ito yung mga “Quinito Henson” na laging may opinion tungkol sa kahit anong team. Sila yung kadalasang nagbabasa ng mga articles sa ESPN.com tungkol sa NBA at magpapanggap sa mga kaibigan nila na sa kanila nanggaling ang opinyon na yun at hindi nabasa sa kung saan. Ang ilan sa kanila ay wala naman talagang kinakampihang team pero sinusundan nila ang lahat ng laban para sila ang bida sa mga inuman.

Ano namang sinabi ni John Lloyd Cruz sa isang Quinito Henson diba? Wala! Walang wala! 62 years old na mukha pa ring matinee idol!

Hindi lahat ng mga “Quinito Henson” na ito ay magaling mag basketball. Actually marami ang hindi magaling. Pero hindi mo mahahalata kase kung mag salita sila akala mo kasabayan nilang maglaro si Nelson Asaytono nung araw.

Lumalabas rin ang mga Quinito Hensons sa ibang mga events tulad na lang ng tuwing may laban si Pacquiao at kapag may iniimpeach na pulitiko.

The Underdogs

Ito yung mga taong for some reason ay mahilig sa mga bulok na teams tulad ng Detroit Pistons, Sacramento Kings, at Charlotte Bobcats. Siguro gusto lang nilang maiba. Galit sila sa malalakas at matunog na teams tulad ng Miami Heat at Los Angeles Lakers. Ayaw nila sa mga teams na may “superstar” dahil hindi daw marunong mag laro ng “team basketball”. Posibleng masaya lang talaga sila sa pagiging dehado. Parang mga pelikula ni FPJ, naniniwala sila na ang mga bida ay nagpapabugbog muna sa simula tapos babawi sa dulo. Ang hinala ko, ito yung mga taong parang tumataya sa lotto. Umaasa sila na balang araw, magkakamilagro at gugulatin sila ng inalagaan nilang mga numero. At gaya rin ng lotto, bihira lang ang pinagmimilagrohan. Mas may pag-asa pa siyang biglang kumatok sa pinto niya si Anne Curtis na naka-bath robe lang kesa mag champion ang team niya.

Di ba, Bobcat Fans?

Mga Deboto ni Kobe Bryant

Itong grupong to ang pinakamahirap paliwanagan ng ibang mga basketball fans. Ito yung mga taong deboto ng Patron Saint ng Basketball na si Kobe Bean Bryant ng Los Angeles Lakers. Murahin mo na ang mga nanay nila wag lang si Kobe Bryant at kung hindi ay dadanak ang dugo! Sila yung napapangiwi sa bawat pilit na tira ni Kobe Bryant pero hindi aaminin sa ibang tao at sasabihin lang na “Bakit?! Kung ikaw si Kobe mas gusto mo bang tumira si Josh McRoberts kesa sayo?! That was a good shot, di lang pumasok!”

You got us again, Kobe!

Sila rin yung pag sinabihan mong rapist si Kobe ay dedepensahan siya na consensual sex ang nangyari at hindi rape yun. Pero pag naipit, sasagutin ka ng “Sana ma-rape ka rin ni Kobe, gago!” Pero nakakabawi sila tuwing makakatira si Kobe ng buzzer beater, gagawa ng 40 points kahit pilay sa isang kamay, at iiskor ng 81 points kahit pa walang assist.

Iba pa sila sa mga Laker fans dahil ang mga Kobe fans si Kobe lang talaga ang sinusuportahan. Wala silang pakialam sa ibang players sa Lakers. Kung ilipat mo si Kobe sa Utah Jazz, Utah Jazz na ang bagong team nila. Kung paglaruin mo si Kobe ng Sepak Takraw, Sepak Takraw na ang papanuorin nila.

LeChokers

Sila ang mga mga mahihilig kay LeBron James aka Karl Malone version 2.0. Hindi mo naman sila masisisi kasi talaga namang magaling si LeBron James pero alaskado sila dahil tila nababahag ang buntot ni LeBron James tuwing crunch time. Hindi rin madepensahan na imbis na talunin ang competition ay minabuti ni LeBron James na maging “Scottie Pippen” sa “Michael Jordan” ni D-Wade at “Dinosaur” ni Chris Bosh.

Believe it or not, hindi yan photoshopped.

Dahil rin may pagka-douchebag si LeBron James paminsan, maraming hindi nakakaintindi kung bakit gusto ng mga tao si LeBron James. Siguro sila yung mga taong pag nanunuod ng Mara Clara ay kampi kay Clara at pag nanunuod ng Harry Potter ay kampi kay Voldemort.

“Ang gusto ko talaga kay LeBron yung pagiging humble niya e” said by absolutely no one.

Pero mahirap makipag-diskurso sa mga to kase talaga namang pag hindi dinadaga ang dibdib ni LeBron, siya ang pinakamagaling na player sa buong NBA. Minsan parang pang video game ang mga stats niya at tila napakadali ng larong basketball para sa kanya. Kaso ginawa nila tong celebration na to bago pa man manalo ng kahit anong championship so bwisit ang karamihan ng mga NBA fans sa kanya:

(Pero bago pa nila ginawa yan, bwisit na ang mga tao kay Chris Bosh for some reason. Siguro dahil dapat extinct na siya? Ewan)

Tandercats

Ito yung mahilig sa mga veteran teams tulad ng San Antonio Spurs, Boston Celtics, at Dallas Mavericks. Kadalasan na kasama sa grupong to e mga tiyuhin mo na mahilig uminom ng Pale Pilsen kahit araw ng trabaho, pero hindi naman lahat ng “Tandercats” ay matatanda. Ang mga fans ng team na to ang nakakaappreciate ng tamang paraan ng paglalaro ng basketball. Sila yung nakakaappreciate ng magandang depensa at galaw ng bola.

Tim Duncan, San Antonio Spurs

Madalas nga lang silang mabigo pag nakikita na nilang unti-unting nagbabagsakang parang langaw ang mga players nila dahil sa injury at katandaan. Halos lagi rin silang underdogs (not unless they are the Spurs) kaya mas matamis ang pagkapanalo pag nadadaig nila ang mga batang teams tulad ng Oklahoma Thunder at Miami Heat.

NBA Hipsters

“I hated LeBron before it was cool to hate LeBron.”

Ito yung mga taong wala naman talagang pakialam sa NBA pero nakikiuso lang. Wala naman silang alam tungkol sa basketball pero nakiki-mura kay LeBron at Kobe. Nung nananalo ang Lakers dati, galit sila sa Lakers. Nung lumipat si LeBron sa Miami, galit na sila sa Miami. Nung sumikat si Jeremy Lin, naki-“Praise the Lord” rin sila kahit hindi naman nila napapanuod si Jeremy Lin. Kapag tanungin mo siya kung sinu-sino ang starting five ng San Antonio Spurs malamang hindi niya masasagot. Ito rin yung mga taong dalawang kamay kung mag dribol ng bola.

Pero siyempre hindi naman mawawala ang mga taong talagang mahal lang ang laro ng basketball kesyo NBA pa yan, PBA, UAAP, FIBA, o liga sa baranggay. At hindi mo naman sila masisisi. Hindi matatawaran ang pakiramdam pag nakita mong pumasok ang game-winning shot ng iniidolo mong player. At kapag nakikita mong naghihiyawan ang libo-libong mga taong hindi mo kilala? Ang sarap ng pakiramdam na malaman mong bahagi ka ng isang bagay na mas malaki pa sayo at sa katauhan mo. May kakaibang ligaya na makitang mabuo ang isang magandang play na nadaan sa disiplina, tiyaga, at tiwala sa mga kakampi. Kaya naiinis tayo pag hindi pinapasa ni Kobe ang bola sa libreng Pau Gasol. Bakit ba tayo naiinis kay LeBron na ayaw niyang tumira sa 4th quarter? Kasi bilang mga sports fans, gusto nating mamangha. Gusto nating makakita ng kagila-gilalas na talento na minsan lang sa isang henerasyon kung masilayan. Gusto nating dumating ang isang araw na masasabi natin sa mga apo natin na, “Akala niyo magaling na yan? Kung napanuod niyo si LeBron James noon diyos ko po, 4 na nakabantay pumapasok pa rin! Magkakape muna yan sa ere bago bumaba!”

Pero bakit ganito na lang katindi ang pakialam natin sa basketball? Ewan ko pero sa tingin ko marami kasing nasasabi ang larong basketball tungkol sa buhay. Kahit gaano ka pa kagaling, balewala kung magsosolo ka. Kapag wala kang puso at tiwala sa sarili, hindi ka magwawagi sa buhay. Kapag nanalo? Magpasalamat at namnamin ang tagumpay dahil posibleng matalo sa susunod. At kapag natalo? Bumawi! Laging may next game. At may next game. At may next game.