Zombitch! Part 2

Screen Shot 2012-12-05 at 5.09.25 PM

Hindi sikretong meron akong love-hate relationship sa palabas na The Walking Dead. Dalawang taon na kaming nagsasama ng palabas na to at dumating na sa puntong nagtitiis na lang ako kahit hindi na ko masaya. Kung nabasa mo yung dati kong post tungkol sa The Walking Dead, alam mong marami akong reklamo tungkol sa kanya. When it’s good, it’s one of the most exciting things on television. But when it’s bad? Hindi mo naman masasabing pangit siya pero SOBRANG nakakainis lang niyang palabas. Alam mo yung kunwari nanunuod ka ng lasenggo sa kalye at naiirita ka kase nagbabasag na siya ng bote at naghahamon ng suntukan pero in a way natutuwa ka kase gusto mong malaman kung anong katangahan ang gagawin niya? Maiihi ba siya sa salawal? Hihiga ba siya sa aspalto at gugulong sa sarili niyang suka? Mga ganung bagay. Ganun manuod ng The Walking Dead e. Nakakairita, pero ang sarap panuorin.

But this season, with a new showrunner, they have miraculously managed to turn it all around. Parang nakinig yung mga producers at writers sa lahat ng rants ng mga manunuod at unti-unti nilang inayos yung kwento this season. Ang galing e. Isipin mo kung kunwari si Lindsay Lohan ay himalang bumalik sa dati niyang anyo na maganda at sexy at wala pang STD? Ang saya diba? Ganun ang nangyari sa The Walking Dead ngayong season.

Papasa nang zombie sa Walking Dead si Lindsay Lohan ngayon e.

Papasa nang zombie si Lindsay Lohan ngayon e.

Right now as I write this, kakatapos lang ng mid-season finale ng season 3 ng The Walking Dead. Usually hinihintay kong matapos ang isang season bago ako mag sulat tungkol sa isang TV show. But the next episode is still 3 months away at hindi ko na mahintay. Kailangan ko nang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni T-Dog!

Kaya after 8 episodes of season 3, eto ang mga napag-isip isip ko tungkol sa palabas:

1. Merong “one black guy at a time” policy ang The Walking Dead.

Ang setting ng show as far as I am aware is Atlanta, Georgia. Alam mo bang sa population ng Atlanta 54% ay African Americans? Ngayon isipin mo, sa buong palabas na The Walking Dead, iilan lang ang makikita mong African American? Halos wala sa totoo lang. Maski black zombie halos wala kang makikita. Lugi na ba masyado pag nagkaron ng zombie na kasing laki ni LeBron?

Screen Shot 2012-12-05 at 4.41.12 PM

Ilan ang masasabi mong major character na African American sa palabas? Si T-Dog na halos walang speaking line at walang ibang ginawa for two seasons kung hindi hingalin at humirit ng “awww hell naw!” Finally nung nagkaron ng convicts sa kwento at nag introduce sila ng bagong black character sa grupo anong ginawa nila? Pinatay nila si T-Dog. During the same freaking episode. Talagang hindi pinayagang magkasabay e! Pero fine sige bigyan natin ng benefit of the doubt. Siguro naman hindi racist ang mga producers ng The Walking Dead! Nag introduce naman sila ng bagong black dude sa grupo e! Well apparently pag natapos mo yung episode malalaman mong kapalit lang pala yun nung convict na black guy na pinatay nila during the same freaking episode!

Screen Shot 2012-12-05 at 4.38.13 PM

So if you’re a black guy in The Walking Dead universe, matakot ka pag may nakilala kang isa pang black guy. Malamang lalapangin ka ng zombie in the next 20 minutes or so.

2. Isa lang ang instruction ng director sa artistang gumaganap kay Michonne.

SUMIMANGOT. Hindi ko alam kung anong nasa script ni Michonne pero parang sa lahat ng eksena para siyang constipated. Ano bang sinabi sa kanya ng director? “O Michonne, sa next scene naglalakad ka sa gitna ng gubat ah, gusto ko ang itsura mo parang batang inagawan ng candy at nagmamaktol!” Ito na siguro ang pinakamadaling acting job sa telebisyon ngayon. Para siyang black version ni Kirsten Stewart in terms of range of emotions. Wala kang ibang gagawin kung hindi sumimangot at iwasiwas yung samurai mo e!

tumblr_me3sqywmw81rv5605o1_500

Pero sabagay masisisi mo ba siya? Kung nasa zombie apocalypse ka, hindi nakakatae ng maayos, walang malinis na napkin pag nireregla, hindi ka ba sisimangot?

3. Nagawan nila ng solution ang Lori and Carl problem.

Nautakan tayo ng mag inang to e! Dinramahan tayo bigla!

Nautakan tayo ng mag inang to e! Dinramahan tayo bigla!

Tanungin mo ang lahat ng nanunuod ng The Walking Dead at pare-parehas nilang sasabihin sayo na sobrang nakakairita ang Lori and Carl mother and son combo. Together, talo nila ang mother and son combo ni Cersei at Joffrey ng Game of Thrones. Partida si Joffrey na yan ah! Si Joffrey na sobrang nakakairita na pag nakita ko ng personal sa daan e sasagasaan ko kahit alam kong acting lang yun. Ganun sila nakakainis. Blame it on poor writing and character development kase hindi ako naniniwala na sinadya ng mga writers na gawin silang nakakairita.

cm-27506-15085e72eded13

So anong solusyon? In a move that was very Solomonian in its wisdom, inamin ni Lori na hindi siya mabuting ina bago siya patayin ng mga writers sa panganganak sa susunod na episode. Okay, so what? Lahat naman tayo gustong mamatay na si Lori diba? May mga panaginip ata akong nilalapang siya ng mga zombie at paggising ko hindi ko iniisip na bangungot yun e. Well, si Carl ang pumatay sa kanya. So now you can’t help but feel sorry for both of them. Sa totoo lang nauto ako ng palabas na to e. Dati inis na inis ako kay Carl na magpapainom talaga ako kung kainin siya ng zombie. (Yeah, I know he’s a kid. I don’t care) Ngayon? I can’t believe I’m saying this but I think he just became one of the most interesting characters on this show.

The_Walking_Dead_Season_3_Wheres_Carl_Medical_Supplies_Stump_Meme_DeadShed (FINAL)

4. Kulang ng chicks tong palabas na to.

Sorry, pero nangingibabaw pa rin ang pagkalalake ko paminsan minsan. Is it too much to ask na magkaron ng eye candy sa palabas na to? Seryoso lang. Walang chicks e. Ang pinakamalapit na sa chicks ay si Maggie kaya nung pinaghubad siya ni Governor medyo big deal na yun kahit wala namang pinakita. Nagkaubusan ba ng magaganda nung nagkaron ng zombie apocalypse?! For the longest time who did we have? Si Lori ang walang kwentang ina? Si Carol aka the 45 year old Sinead O’Connor? Wala e!

wh2u53zhfeqbrno67uhnlg21

Aminin na natin, nakakaumay naman manuod ng mga malangis at marungis every episode diba? Kung sa Lost na may iilan lang na survivor ng plane crash merong chicks bakit hindi naman puwede sa zombie apocalypse?!

5. Mas exciting na ang pace ng storytelling this season.

Last season for the most part para tayong nanunuod ng Pinoy Big Brother Zombie Edition e. Halos buong season nasa farm lang sila na malayo sa mga zombies. Para sa show na tungkol sa zombies, that doesn’t make for a really exciting show now does it? This season lumipat sila sa prison na puno ng zombies sa labas at loob. Marami ring bagong characters tulad nila Governor at nagbabalik ang naputulan ng kamay na si Merle. Now you really have proper villains as opposed to before na ang de facto villain ay si Lori dahil siya ang pinaka-nakakainis. Mas maaksyon na rin ang The Walking Dead ngayon kumpara sa season 2. Last season para lang nating sinubaybayan ang magulong mga buhay ni Rick and Lori Grimes at ang anak nilang walang konsepto ng self-preservation na si Carl.

Sinusubukan nila this season kung kayang mamatay ng zombie kung sisigawan lang.

Medyo bored na sila sa zombie apocalypse kaya sinusubukan nila this season kung kayang mamatay ng zombie kung sisigawan lang.

6. Wala silang budget para kay Liam Neeson so kumuha sila ng kahawig.

Ako lang ba ang nag-iisip na si Governor played by the actor David Morrissey looks like a younger Liam Neeson? Imposibleng ako lang. He’s an okay actor so far into the season pero tuwing nakikita ko siya ineexpect ko siyang mag labas ng cellphone at magbigay ng mga banta sa buhay ng taong kausap niya na parang si Liam Neeson sa Taken.

Only has a job because Liam Neeson's talent fee is too expensive.

Only has a job because Liam Neeson’s talent fee is too expensive.

7. Pag nagpakabait ka, mamamatay ka.

Naaalala niyo pa ba si Dale? Yung matandang pasimpleng chinichicks si Andrea at medyo nakakairita rin tulad ng ibang characters? Well kung maaalala niyo paano siya namatay sa season 2, pinapak siya ng mga zombies pagkatapos nilang magkaron ng debate kung dapat bang patayin yung prisoner nila at sinabi niyang huwag. Sa season 3, nagkaron rin ng parehas na debate kung dapat bang tulungan ng grupo ni Rick yung dalawang convicts na mababait. Nagpakabait sa episode na yun si T-Dog at sinabing hindi niya kayang sikmurain na patayin sila. Anong nangyari pagkatapos? 10 minutes later nilapang siya ng mga zombies. So anong lesson natin sa The Walking Dead? It pays to be an asshole. If you take the moral high road, expect to die soon.

tumblr_md1n7qrqkK1qlttnuo1_500

8. We finally know which characters to like and who to hate.

Quick question, sinong fan favorite sa The Walking Dead? Most of you would answer Daryl, right? Well until last season, ayaw pang tanggapin ng mga writers yun. One episode okay si Daryl at nagbibigay siya ng bulaklak sa grieving mothers, the next episode he’s being a stereotypical movie redneck na nagsusuot ng mga daliri ng zombies bilang necklace. This season they finally figured it out. People like Daryl so there’s no use fighting it. People don’t like Rick’s indecisiveness so let’s right that out of the story. People hate Carol being basically useless so make her character a survivor. People hate Lori so let’s kill her. People barely knew who T-Dog was so might as well let him die.

lkZcN

However…

9. Is it just me or is Merle really not that annoying?

I know he’s supposed to be a villain in this show but I don’t seem to find him annoying. Sa totoo lang gusto ko nga si Merle bilang character sa palabas e. Medyo toned down na ang pagiging racist niya this season. Meron siyang mahabang retractable blade sa kanang kamay. He looks out for himself in a zombie apocalypse. What’s not to like?! I can’t really fault him for kidnapping Glenn kung hinahanap niya kapatid niya diba? Fearless forecast pero tingin ko magkakaron ng change of heart si Merle sa second half of season 3. Alam mo yung sa wrestling yung kunwari kupal si Triple H sa simula tapos bigla niyang pupukpukin si Vince McMahon sa ulo ng steel chair sa isang episode at magiging bida? Ganun. Mangyayari yan. Handa akong ipusta ang kaliwang kanan ni Merle.

tumblr_mdej50kcER1r7k4w8o1_500

10. In a zombie apocalypse, anything can happen.

Ano bang meron ang mga palabas na tulad ng Game of Thrones at bakit sila maganda? Well, liban sa nudity, natutunan natin pagkatapos mamatay ni Ned Stark na meron siyang element of surprise. Papanuorin mo talaga ang bawat episode kase alam mong kahit ano puwedeng mangyari. Tulad ng buhay. Kahit ano puwedeng mangyari diba? Bukas makalawa baka masagasaan ka ng jeep habang tumatawid sa C5. E paano pa kaya kung nasa gitna ka ng zombie apocalypse? Although I doubt na gagawin ng The Walking Dead yung extremes na ginagawa ng Game of Thrones na pinapatay nila yung main protagonist pero nakita na natin this season na hindi na sila natatakot pumatay ng characters e. Hindi ba kayo nagulat nung nalumpo si Herschel? Hindi ba kayo nagulat na si Carl ang papatay sa nanay niya? Do I want to see Glenn killed off this season? Actually, yes! It makes for good television.

Yan ang isa sa mga reasons kung bakit gumanda ang The Walking Dead this season. It’s becoming the zombie show that we’ve always hoped it would be. Para siyang babaeng hot na laging naka-turtleneck noon tapos biglang narealize niya na hot siya kaya nagpapakita na ng cleavage ngayon at maiksi na magpalda. Ayos diba?

The Walking Dead Season 1 and 2 sa kaliwa, Season 3 sa kanan. Ganyan ang transformation!

The Walking Dead Season 1 and 2 sa kaliwa, Season 3 sa kanan. Ganyan ang transformation!

But of course, tulad ng kahit anong palabas at tulad ni Lindsay Lohan puwede pa rin tong pumangit. Nakita na natin to sa The Office, How I Met Your Mother, at sa pinakamalupit na show sa kasaysayan ng telebisyon na Budoy. Kaya habang ngayong okay pa siya, we might as well enjoy it. I have a feeling it won’t last long. Carl is bound to do something stupid. Mumultuhin nanaman si Rick ng guilt sa pag patay niya sa sumexy time sa misis niyang malibog. May mamamatay ulit na black guy na walang speaking lines.

Pinaibig mo kong muli, Walking Dead. Nabigo mo ko noon. Handa na kong sumuko sayo. Pero napukaw ako ulit ng alindog mo ngayon. Sana lang this time forever na. Wag mo na akong bibiguin ulit. </3

PS. Wala bang nakapansin na nung kinagat si T-Dog hindi na natin nalaman kung anong nangyari sa kanya? Chances are either sinimot siya ng mga zombies or naging zombie rin siya mismo. Which means, matutupad na ang matagal na nating inaasam asam na magkaron ng black zombie sa The Walking Dead! And it actually makes perfect sense kase hindi na kailangan mag salita ni T-Dog pag zombie na siya! Perfect sa kanya yung role na yun! Akalain mong kay T-Dog pa rin pala mapupunta ang huling halakhak! Or palakol sa ulo bilang malas naman talaga siya.


Solenn and Michelle Gangnam Style

So pagkatapos ng “Call Me Maybe” video nila Solenn Heussaff, gumawa naman sila ng “Gangnam Style” video dahil mapagbigay sila sa mga kalalakihan.

5 bagay lang na napansin ko sa video:

1. Camera angle lang ba o parang may dalawang bagay talaga na nagbago kay Michelle Madrigal? Di naman sa nagrereklamo ako. Napansin ko lang. Hihi

2. Wala bang gagawa ng GIF ni Michelle from 0:03-0:05? Bakasyon ngayon o malamang wala ka namang ginagawa sa bahay e! Sige na! Alang-alang sa buong sangkalalakihan!

3. Wala bang gagawa ng GIF ni Solenn from 0:38-0:40? Sama mo lang yang susantisimang kagat ng labi na yan! Tatanghalin kitang bayani kung sino ka mang gagawa niyan.

4. Apparently boyfriend nila yung dalawang players ng Kaya FC na team. Kung nag sports lang sana tayo nung kabataan natin at hindi nagkulong sa bahay na naglalaro ng Street Fighter at Sonic the Hedgehog, ikaw sana ang kinakainggitan ng mga lalake ngayon. Pag nilayan mong mabuti ngayong gabi ang buhay mo at isipin mo kung tama ba ang pinagagagawa mo nung 8 years old ka.

5. Ako lang ba o talagang kahit anong video na kasama si Solenn Heussaff e automatic na nagiging maganda? Seryoso lang. Dati ayoko tong kantang to pero ngayon paborito ko na e. Kaya ko atang manuod ng video na may pinapatay na mga cute na tuta basta andun si Solenn Heussaff na sumasayaw sa likod. Kaya kong tiisin ang isang episode ng Glee kung andun si Solenn. Puwede bang lahat na lang ng TV show sa Pinas ilagay natin si Solenn? Kahit ano lang! Siya na lang mag bigay ng ulat panahon! Siya na lang mag basa ng mga bolang lumabas sa Lotto! Feeling ko kung siya yung gumanap na Budoy noon sa TV show na Budoy mas nanuod ako e.


Watch the Throne

Sa totoo lang, pinagaawayan ng lahat pero di naman mukhang kumportable. Parang metetetano ka pa e.

Kung katulad mo ko, malamang bwisit na bwisit ka tuwing sasapit ang Lunes. Kahit sino ka pa, kahit ano pang trabaho mo, di mo makakaila na mas masarap humiga higa sa kama na parang binibilad na tinapa kesa sumubsob sa mesa kaharap ang kumikindat kindat na monitor ng computer. Hindi madali ang Lunes para sa ating lahat. (Not unless ikaw si Marc Nelson at ang agenda mo lang pag Lunes ay “maghubad ng t-shirt sa Boracay”)Pero simula ng dumating ang Game of Thrones, naging mas madali nang harapin ang mga Lunes dahil alam nating may bagong episode nanaman kung saan maghuhubad si Khaleesi… este may bagong episode ng Game of Thrones!

Sinabi ko na to noon at sasabihin ko ulit, Game of Thrones is the best show on TV right now. Panalo na siya by default dahil wala na ang Budoy. (Isang TV show kung saan sinira ni Gerald Anderson ang pantasya ng libo-libong mga kababaihan)

Maniwala ka sakin Gerald Anderson balang araw pagsisisihan mo tong ginawa mong to.

Magandang kwento? Check. Elaborate sets? Check. Great casting? Check. Patayan? Check. Every episode may babaeng naghuhubad? CHECK! Ladies and gentlemen, yan ang formula ng isang magandang TV show! E kung ginawa niyo ba naman yan sa My Binondo Girl e di mas marami sanang nanuod diba?

After 2 seasons,  ang dami nang characters na namatay pero pakiramdam mo na nagsisimula palang ang gulo sa Westeros. Parang isang telenobela na aabang-abangan mo linggo linggo para malaman kung ano nang mangyayari sa magugulong buhay nila. Bihira na lang ang mga palabas na ganyan ngayon kung saan bida man o kontrabida, may pakialam ka sa mangyayari sa mga buhay nila. (Seryoso lang, hindi mo ba inaabangan kung kelan mamamatay si Joffrey? Ako oo e!)

Pero siyempre, hindi ako magsusulat ng blog entry para lang sabihin sayo kung gaano kaganda ang palabas. Kung nanunuod ka malamang alam mo na yun e diba? Andito ako para ibahagi sa inyo ang mga bagay na napuna ko o naisip tungkol sa palabas. Hayaan niyong ilista ko sila ng isa-isa.

1. Inabot tayo ng 2 seasons bago malaman ang pangalan nilang lahat.

Magaling na manunulat si George RR Martin, walang duda diyan. Pero sobrang palpak niyang mag pangalan ng mga characters. Tingnan mo ah:

Jeor, Jorah, Jory.

Tyrion, Tywin.

Bran, Bronn.

Viserys, Daenerys, Varys.

Pero anong pangalan ng mga ibang main characters? Ned. Robb. Robert. Jon. Jaime. Parang mga normal na tao lang na mahahanap mo sa listahan ng contacts mo sa cellphone di ba? Pwede naman palang padaliin na lang e, bakit kailangang pahirapan pa ang pangalan ng mga characters?! Hindi ba pwedeng tipong mga Jojo Targaryen na lang? O kaya Junjun Baratheon! Mga ganun diba? Hindi ko naman sinasabing kailangang ordinaryong ordinaryo ang mga pangalan. Pero seriously, Bran and Bronn?

Isa sa kanila mahilig sa pokpok at alak. Hindi ko sure kung alin pero yung nasa kaliwa ata.

Bit of trivia, Yara Greyjoy, yung kapatid ni Theon, was originally named Asha. Pero pinalitan ang pangalan niya to Yara to avoid being confused with Osha, the wildling. May tiyaga mag sulat ng mga libro si George RR Martin pero pag nagpapangalan ng characters? “Palitan lang natin ng isang letra yung pangalan okay na yan!”

2. Pag namatay si Tyrion, hindi ka na manunuod.

Maraming okay na characters sa Game of Thrones, pero milya milya ang layo nila kay Tyrion Lannister kung fanbase lang ang pag-uusapan. (Partida yan pa yung isa sa mga characters na ayaw nating makitang nakahubad ah) Dahil yan sa kumbinasyon ng magandang pagkakasulat ni George RR Martin sa character ni Tyrion at sa galing ni Peter Dinklage sa pag arte. Si Tyrion Lannister ang puso at kaluluwa ng palabas e. Sa dami ng characters, natanong mo na ba sa sarili mo kung sino talaga ang bida? Nung season 1 akala mo si Ned Stark. Kaya laking gulat mo nung pinugutan siya ng ulo na parang manok na ganun ganun na lang. So sino bang natitira? Si Jon Snow? Hindi pa natin alam kung anong relevance niya talaga sa kabuuang kwento ng Game of Thrones liban sa magpaka-emo habang giniginaw. Si Robb Stark? Nakikita lang natin siya laging nasa loob ng tent, either pinapagalitan yung nanay niya o nakikipag-landian dun sa chicks na nurse. Whether you like it or not, you are left with Tyrion. And if he dies, who will we root for? Varys the dickless wonder?

Impin’ ain’t easy.

Speaking of which…

3. Sino ba talaga ang kontrabida sa Game of Thrones?

Quick answer is Joffrey right? Well not necessarily. Siya yung pinaka-nakakainis siguro pero siya ba ang pinaka-kontrabida? Hindi rin e. In the scheme of things, gaano ba siya kaimportante sa buong kwento? So far parang wala pa siyang masyadong bearing kung hindi maging nakakainis e. Kung hari ka na nasasampal-sampal ni Tyrion, wala ka pa sigurong masyadong importansya diba? Tsaka kung magkapatid yung nanay at tatay mo, hindi ka ba maglalabas ng sama ng loob sa lahat ng taong nasa paligid mo?

Si Theon Greyjoy? Hindi rin. Although salamat sa kanya natuto tayo na wag basta basta magpapasok ng kamay sa panty ng iba at baka kapatid mo na yung pinaglalaruan mo hindi mo lang alam. Kung sayo ba mangyari yun hindi ka ba magagalit sa mundo? Di mo rin siya masisi kung bakit siya kupal e.

Mga bata anong natutunan natin today? Wag masyadong malibog.

So sino nga ba? So far, hindi pa natin alam. Although mukhang yung mga zombies north of the wall ang magiging kalaban ng lahat, hindi pa natin alam yun sa ngayon. The weird thing about Game of Thrones is that hindi mo alam kung sino talaga ang bida at sino ang kontrabida but the story works.

4. Masyadong maraming hubaran sa Game of Thrones.

Halos kada episode ng Game of Thrones may naghuhubad. On paper, this sounds like a good thing. Pero in reality, hindi. Okay sana yan kung laging sila Danaerys o si Cersei ang may nude scenes. Kaso hindi ganyan ang Game of Thrones. Nung minsan merong sex scene si Theon Greyjoy na may kasama siyang babae na triangle ang shape ng boobs. Ayoko namang maging mapanlait, pero ngayon ko lang nalaman na pwedeng magkaron ng triangle na boobs. Bakit nga ba laging may nudity sa Game of Thrones? Simple lang dapat ang sagot diyan. Sex sells. Tama diba? Pero pano mo ipapaliwanag tong eksenang to.

Kailangan ba nating makita ang “Hodor” ni Hodor?

Anong saysay ng eksenang yan? Anong binebenta niyan?! Sinong nag-isip na kailangan nating makita yan?! Kung naaalala mo ang episode na yan, wala talagang relevance yang eksena na yan sa episode. Talagang nag singit lang sila ng eksena kung saan pinapakita ni Hodor yung batuta niya. Kung ikaw yung artistang gumaganap kay Hodor, hindi ka ba maiinis? Mentally retarded na nga ang role mo, “Hodor” lang ang linya mo, kailangan mo pang magkita ng Hodor Jr.?!

Speaking of Hodor…

5. Dragons are nice, but I prefer Hodor.

Sa final episode ng Season 2, nakita natin kung anong advantage ng pagkakaroon ng mga alagang dragon. Maliit pa sa bayawak yung mga dragon ni Danaerys pero naging tustado yung nakakatakot na kalbong maraming kambal. Astig kung may alaga kang ganyan diba? Pero isipin mo, hindi practical yan e. Mas aalagaan mo pa yan kesa ikaw ang alagaan niyan. Ang laki laki nun san mo naman ilalagay yun diba? Magkamali ka lang ng pwesto pag nadighay yung dragon magiging inihaw ka na.

E si Hodor? Si Hodor low-maintenance. Basta hindi lang siya maghuhubad ng salawal wala kang problema kay Hodor. Pag inutusan mo, walang reklamo sasagot lang ng “Hodor.” Kapag napagod ka puwede kang sumakay sa likod ni Hodor anytime. Isipin mo kung kasama mo si Hodor sa inuman. E di puwede ka nang malasing diba? Alam mong makakauwi ka ng buhay kase ipapasan ka ni Hodor sa likod niya.

“Tangina, Hodor lasing na ko. Uwi na tayo!” – Bran Stark

And speaking of big and scary guys…

6. Hindi ko matanggap kung pano namatay si Khal Drogo.

Si Khal Drogo ang pinakanakakatakot makaharap sa madilim na eskenita sa lahat ng characters sa Game of Thrones. Nung isang beses hiniwa niya yung leeg nung isang nakaaway niya tapos dinukot niya yung dila. Nung isang beses naman binuhusan niya ng kumukulong kung ano man yung bayaw niya. Hindi siya yung tipong sasaksakin ka lang kung papatayin ka. Siya yung tipong dudukutin yung dalawang mata mo tapos papakuluan para gawing pampalasa sa sabaw.

Pero pano siya namatay? Wala lang. Nasugatan lang tapos namatay sa impeksyon. Anak ng tinapay. Ang angas angas pa naman niya hindi man lang siya namatay sa matinding labanan! Namatay siya kase tinutukan siya ng patalim sa dibdib tapos diniin niya yung dibdib niya sa patalim.

Nampucha naman, Khal Drogo tatanga tanga ka e.

Kung may Betadine lang sa lugar na yun hindi sana namatay si Khal Drogo.

7. Bakit hindi pinatay nung lumabas sa vajayjay nung babaeng pula ang buhok sila Joffrey et al?

Nung isang episode maghaharap sana ang armies nila Stannis at Renly. Pero bago pa sila mag laban, pinatay si Renly nung malignong lumabas sa vajayjay nung babaeng pula ang buhok. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila inulit yun nung nilusob nila Stannis yung King’s Landing. Bakit hindi na lumabas yung malignong galing sa vajayjay?! One time use lang ba yun? May expiration date ba yun? Edi naiwasan sana nila yung matinding pagkatalo na yun diba? Tapos kung namatay si Joffrey edi nag celebrate tayong lahat diba? Hindi ba yun ang magandang ending kay Joffrey, napatay ng malignong galing sa vajayjay? Kung hindi lang rin dudukutin ni Khal Drogo yung dila niya, yun na ang best ending para sa kanya diba?!

Cinongratulate daw personally ni George RR Martin ang gumaganap na Joffrey Baratheon na si Jack Gleeson dahil galit ang mga manunuod sa kanya. Alam mong effective kang kontrabida kung inaabangan ng lahat kung kelan ka mamamatay at nag iisip sila ng iba’t ibang paraan kung paano ka dapat mamamatay.

Akala niyo acting yun? Kupal talaga si Jack Gleeson in real life.

8. Jaime Lannister has issues.

And that’s probably the biggest understatement of the year. Isipin mo, ikaw si Jaime Lannister. Mayaman ka. Gwapo ka. Sikat ka. Mas maganda pa yung buhok mo sa karamihan ng mga babaeng chinichicks mo. Pero sinong kinama mo? Kapatid mo? Daaaaaaamn! Hindi ko alam kung gaano kaganda dapat ang kapatid mo para matukso kang mag hanky panky kasama siya. Kahit kapatid ko pa si Georgina Wilson, Solenn Heussaff, at Anne Curtis hindi naman ako matutukso sa kanila kahit araw araw ko silang nakikitang naglalakad sa loob ng bahay na naka-panty at bra lang e. (Uy naiimagine o!) Bakit kailangang si Cersei pa, Jaime Lannister?! Bakit?!

Pero obvious na yang incest e. If you fuck your sister, you certainly have issues right? Hindi na pagdududahan yan e. But if you fuck your TWIN sister, ibang level na ng kababalaghan yan hindi ba?! Basically ikaw rin yan in female form e! So inisip mo na sa dami ng babae sa paligid, ang dapat mong anakan ay yung taong ikaw rin kung ginawa lang na babae? Daaaaaaaamn! Yan ang narcissist! Hindi ako magugulat kung sa season 3 magkaron ng eksena na nag mamasturbate si Jaime Lannister habang pinapanuod ang sarili niya sa salamin.

Sobrang lakas daw niya sa chicks maski kapatid niya kaya niya.

9. Game of Thrones does zombies better than the show that is actually about zombies.

Kung napanuod niyo yung Season 2 finale, nakita niyo siguro yung napaka-astig na ending kung saan nagtatago si tabachoy sa likod ng isang malaking bato habang napapalibutan siya ng mga zombies. Nagkaron pa sila ng moment nung isang zombie na nakasakay sa kabayo nung nagkatitigan sila.

Teka lang, tama ba yun? Zombies na nakasakay sa kabayo na zombie rin?!? Shit! Tapos boobies every now and then? Wala na! Eto na talaga ang best show ever! Isipin mo, paano ba usually ang mga zombies sa mga pelikula tsaka sa shows tulad ng The Walking Dead? Mabagal. Walang isip. Basta may kasama kang mas mahina ang resistensya sayo, makakatakas ka naman siguro at siya yung makakain. Sa totoo lang basta hindi ka nila papalibutan kayang kaya naman silang patayin diba? Kahit bata kayang bumaril ng zombie sa The Walking Dead e. Pero sa Game of Thrones, ginawa nilang mas astig ang mga zombies. Malakas, mabilis, marami, at higit sa lahat nakasakay sa kabayo! Isipin mo kung hinahabol ka ng zombie na nakasakay sa kabayo na zombie rin, ano pang pag-asa mo sa buhay? Wala! At organized pa sila ah meron silang leader!

Siya ata ang nanalong kagawad ng mga zombies nung nakaraang eleksyon nila. Di ko lang sure.

Even in their own game, tinatalo ng Game of Thrones ang The Walking Dead. Kung naging sitcom ang Game of Thrones, sigurado akong mas nakakatawa pa siya kesa sa How I Met Your Mother. Kinukwento ni Jaime Lannister kay Joffrey kung pano sila nagkagustuhan ng nanay niya. Nice!

10. In the world of Westeros, anything can happen.

Isa sa mga dahilan kung bakit maganda ang palabas na Game of Thrones ay dahil hindi mo talaga alam kung anong mangyayari sa mga susunod na episodes. Aabangan mo talaga siya kase alam mong may mangyayaring mga bagay na kahindik hindik, hindi ka lang sigurado kung ano mismo. First episode pa lang nagulat na tayo nung nakita nating nagbabanatan yung magkambal. Every now and then ginugulat rin tayo ng mga show writers pag sinisingit nila ang isang nakahubad na Hodor sa gitna ng kagubatan.

Napatunayan rin ni George RR Martin na hindi siya sentimental kapag gumagawa ng mga characters sa isang kwento. Kahit sino pwede niyang patayin kung gugustuhin niya. Nalaman natin yan nung Season 1 pa lang nung napugutan ng ulo ang inaakala nating bida na si Ned Stark. Kaya natakot tayo nung nahiwa si Tyrion sa ulo kase akala natin mamamatay na siya (spoiler alert: he signed a contract to appear in the show for the coming seasons kaya alam natin na hindi siya papatayin anytime soon) Kinakabahan tayo pag naiiwan si Hound kasama si Sansa kase laging andun yung risk na mahalay siya. Hindi rin malayong mangyari na walang kapuntahan ang kwento ni Jon Snow at mamatay lang siya sa ginaw.

Anything can happen in the world of Westeros and everyone’s on the edge of their seats in eager anticipation. Maski si George RR Martin rin mismo hindi pa alam kung anong mangyayari dahil hindi pa siya tapos isulat ang mga libro. Kaya pag dasal natin na wag mabulunan si George RR Martin habang kumakain ng sandwich at hindi niya matapos ang Game of Thrones. Paano na natin malalaman kung kelan mamamatay si Joffrey diba?!

Brothers and sisters, isama po sana natin sa mga dasal natin si George RR Martin. Mukhang aatakihin sa puso kahit anong oras e.


A Guide to the NBA Fan

Tuwing mga bandang Mayo, nag-iiba ng kilos ang karamihan sa mga kalalakihan sa Pilipinas. Gumigising sila ng mas maaga. Hindi pumapasok sa trabaho ang iba kahit wala namang sakit. Hindi muna sinasagot ang mga text ng girlfriend. Hindi pinapansin ang naglalambing na asawa. Nagbibingi-bingihan kapag tinatawag ng nanay para maghugas ng plato. Napapamura na lang bigla habang nanunuod ng TV. Kapag nag-iinuman sa gabi, akala mo kung sinong mga eksperto at dalubhasa kung mag-usap. Kapag medyo nakarami na ng inom, nauuwi pa sa murahan ng mga ina paminsan.

Yes, ladies and gentlemen, the NBA Playoffs are once again upon us.

Para sa isang bansa katulad ng Pilipinas na baliw sa basketball, ito na ata ang pinakamalaking sporting event ng taon. Ang masaklap na katotohanan ay hindi tulad ng ibang bansa, salat tayo sa mga sporting events na aabangan dito sa Pilipinas. Dalawang beses lang lumaban si Pacquiao sa isang taon. Wala pa naman talagang pakialam ang nakararami sa soccer. Liban kay Baby James, wala naman na atang nanunuod ng PBA masyado. So ano pa bang ibang meron diba? (Star Olympics ba kamo? Nakakahiya ka)

Tanungin mo ang kahit sinong may Twitter at walang makakatanggi na parte ng buhay ng maraming lalake ang panunuod ng NBA. Asahan mong tuwing may laban, uulanin ang timeline mo ng mga tweets tungkol sa pagiging bwakaw ni Kobe, pagiging duwag ni LeBron, balbas ni James Harden, at ang napapanot na ulo ni Manu Ginobili.

10-year NBA veteran James Harden. Tingnan natin kung kaya pa siyang sikuhin ni Metta World Peace.

Iba’t iba ang mga NBA fans sa Pilipinas. Kumuha ka ng kahit sinong dalawang lalake at malamang hindi sila magkakasundo sa mga teams na gusto nila. Pero kahit ganun pa man, kaya natin yang i-classify sa loob ng 6 grupo. Hindi pa to ang lahat, pero maraming papasok sa 6 na grupong ito.

Ladies and gentlemen, inihahandong ko sa inyo ang mga NBA fans na matatagpuan sa Pilipinas.

The Quinito Hensons

Ito yung mga “Quinito Henson” na laging may opinion tungkol sa kahit anong team. Sila yung kadalasang nagbabasa ng mga articles sa ESPN.com tungkol sa NBA at magpapanggap sa mga kaibigan nila na sa kanila nanggaling ang opinyon na yun at hindi nabasa sa kung saan. Ang ilan sa kanila ay wala naman talagang kinakampihang team pero sinusundan nila ang lahat ng laban para sila ang bida sa mga inuman.

Ano namang sinabi ni John Lloyd Cruz sa isang Quinito Henson diba? Wala! Walang wala! 62 years old na mukha pa ring matinee idol!

Hindi lahat ng mga “Quinito Henson” na ito ay magaling mag basketball. Actually marami ang hindi magaling. Pero hindi mo mahahalata kase kung mag salita sila akala mo kasabayan nilang maglaro si Nelson Asaytono nung araw.

Lumalabas rin ang mga Quinito Hensons sa ibang mga events tulad na lang ng tuwing may laban si Pacquiao at kapag may iniimpeach na pulitiko.

The Underdogs

Ito yung mga taong for some reason ay mahilig sa mga bulok na teams tulad ng Detroit Pistons, Sacramento Kings, at Charlotte Bobcats. Siguro gusto lang nilang maiba. Galit sila sa malalakas at matunog na teams tulad ng Miami Heat at Los Angeles Lakers. Ayaw nila sa mga teams na may “superstar” dahil hindi daw marunong mag laro ng “team basketball”. Posibleng masaya lang talaga sila sa pagiging dehado. Parang mga pelikula ni FPJ, naniniwala sila na ang mga bida ay nagpapabugbog muna sa simula tapos babawi sa dulo. Ang hinala ko, ito yung mga taong parang tumataya sa lotto. Umaasa sila na balang araw, magkakamilagro at gugulatin sila ng inalagaan nilang mga numero. At gaya rin ng lotto, bihira lang ang pinagmimilagrohan. Mas may pag-asa pa siyang biglang kumatok sa pinto niya si Anne Curtis na naka-bath robe lang kesa mag champion ang team niya.

Di ba, Bobcat Fans?

Mga Deboto ni Kobe Bryant

Itong grupong to ang pinakamahirap paliwanagan ng ibang mga basketball fans. Ito yung mga taong deboto ng Patron Saint ng Basketball na si Kobe Bean Bryant ng Los Angeles Lakers. Murahin mo na ang mga nanay nila wag lang si Kobe Bryant at kung hindi ay dadanak ang dugo! Sila yung napapangiwi sa bawat pilit na tira ni Kobe Bryant pero hindi aaminin sa ibang tao at sasabihin lang na “Bakit?! Kung ikaw si Kobe mas gusto mo bang tumira si Josh McRoberts kesa sayo?! That was a good shot, di lang pumasok!”

You got us again, Kobe!

Sila rin yung pag sinabihan mong rapist si Kobe ay dedepensahan siya na consensual sex ang nangyari at hindi rape yun. Pero pag naipit, sasagutin ka ng “Sana ma-rape ka rin ni Kobe, gago!” Pero nakakabawi sila tuwing makakatira si Kobe ng buzzer beater, gagawa ng 40 points kahit pilay sa isang kamay, at iiskor ng 81 points kahit pa walang assist.

Iba pa sila sa mga Laker fans dahil ang mga Kobe fans si Kobe lang talaga ang sinusuportahan. Wala silang pakialam sa ibang players sa Lakers. Kung ilipat mo si Kobe sa Utah Jazz, Utah Jazz na ang bagong team nila. Kung paglaruin mo si Kobe ng Sepak Takraw, Sepak Takraw na ang papanuorin nila.

LeChokers

Sila ang mga mga mahihilig kay LeBron James aka Karl Malone version 2.0. Hindi mo naman sila masisisi kasi talaga namang magaling si LeBron James pero alaskado sila dahil tila nababahag ang buntot ni LeBron James tuwing crunch time. Hindi rin madepensahan na imbis na talunin ang competition ay minabuti ni LeBron James na maging “Scottie Pippen” sa “Michael Jordan” ni D-Wade at “Dinosaur” ni Chris Bosh.

Believe it or not, hindi yan photoshopped.

Dahil rin may pagka-douchebag si LeBron James paminsan, maraming hindi nakakaintindi kung bakit gusto ng mga tao si LeBron James. Siguro sila yung mga taong pag nanunuod ng Mara Clara ay kampi kay Clara at pag nanunuod ng Harry Potter ay kampi kay Voldemort.

“Ang gusto ko talaga kay LeBron yung pagiging humble niya e” said by absolutely no one.

Pero mahirap makipag-diskurso sa mga to kase talaga namang pag hindi dinadaga ang dibdib ni LeBron, siya ang pinakamagaling na player sa buong NBA. Minsan parang pang video game ang mga stats niya at tila napakadali ng larong basketball para sa kanya. Kaso ginawa nila tong celebration na to bago pa man manalo ng kahit anong championship so bwisit ang karamihan ng mga NBA fans sa kanya:

(Pero bago pa nila ginawa yan, bwisit na ang mga tao kay Chris Bosh for some reason. Siguro dahil dapat extinct na siya? Ewan)

Tandercats

Ito yung mahilig sa mga veteran teams tulad ng San Antonio Spurs, Boston Celtics, at Dallas Mavericks. Kadalasan na kasama sa grupong to e mga tiyuhin mo na mahilig uminom ng Pale Pilsen kahit araw ng trabaho, pero hindi naman lahat ng “Tandercats” ay matatanda. Ang mga fans ng team na to ang nakakaappreciate ng tamang paraan ng paglalaro ng basketball. Sila yung nakakaappreciate ng magandang depensa at galaw ng bola.

Tim Duncan, San Antonio Spurs

Madalas nga lang silang mabigo pag nakikita na nilang unti-unting nagbabagsakang parang langaw ang mga players nila dahil sa injury at katandaan. Halos lagi rin silang underdogs (not unless they are the Spurs) kaya mas matamis ang pagkapanalo pag nadadaig nila ang mga batang teams tulad ng Oklahoma Thunder at Miami Heat.

NBA Hipsters

“I hated LeBron before it was cool to hate LeBron.”

Ito yung mga taong wala naman talagang pakialam sa NBA pero nakikiuso lang. Wala naman silang alam tungkol sa basketball pero nakiki-mura kay LeBron at Kobe. Nung nananalo ang Lakers dati, galit sila sa Lakers. Nung lumipat si LeBron sa Miami, galit na sila sa Miami. Nung sumikat si Jeremy Lin, naki-“Praise the Lord” rin sila kahit hindi naman nila napapanuod si Jeremy Lin. Kapag tanungin mo siya kung sinu-sino ang starting five ng San Antonio Spurs malamang hindi niya masasagot. Ito rin yung mga taong dalawang kamay kung mag dribol ng bola.

Pero siyempre hindi naman mawawala ang mga taong talagang mahal lang ang laro ng basketball kesyo NBA pa yan, PBA, UAAP, FIBA, o liga sa baranggay. At hindi mo naman sila masisisi. Hindi matatawaran ang pakiramdam pag nakita mong pumasok ang game-winning shot ng iniidolo mong player. At kapag nakikita mong naghihiyawan ang libo-libong mga taong hindi mo kilala? Ang sarap ng pakiramdam na malaman mong bahagi ka ng isang bagay na mas malaki pa sayo at sa katauhan mo. May kakaibang ligaya na makitang mabuo ang isang magandang play na nadaan sa disiplina, tiyaga, at tiwala sa mga kakampi. Kaya naiinis tayo pag hindi pinapasa ni Kobe ang bola sa libreng Pau Gasol. Bakit ba tayo naiinis kay LeBron na ayaw niyang tumira sa 4th quarter? Kasi bilang mga sports fans, gusto nating mamangha. Gusto nating makakita ng kagila-gilalas na talento na minsan lang sa isang henerasyon kung masilayan. Gusto nating dumating ang isang araw na masasabi natin sa mga apo natin na, “Akala niyo magaling na yan? Kung napanuod niyo si LeBron James noon diyos ko po, 4 na nakabantay pumapasok pa rin! Magkakape muna yan sa ere bago bumaba!”

Pero bakit ganito na lang katindi ang pakialam natin sa basketball? Ewan ko pero sa tingin ko marami kasing nasasabi ang larong basketball tungkol sa buhay. Kahit gaano ka pa kagaling, balewala kung magsosolo ka. Kapag wala kang puso at tiwala sa sarili, hindi ka magwawagi sa buhay. Kapag nanalo? Magpasalamat at namnamin ang tagumpay dahil posibleng matalo sa susunod. At kapag natalo? Bumawi! Laging may next game. At may next game. At may next game.


Zombitch!

When you see it, you'll shit bricks. (Ay, kitang kita pala si T-Dog!)

Isa sa mga pinaka-kinasasabikang palabas ngayon sa telebisyon ang series na The Walking Dead. Sa mga taong hindi alam kung tungkol saan ang palabas at walang common sense para hulaan mula sa title, ito ay tungkol sa isang grupo ng survivors sa gitna ng zombie apocalypse. Last week, tinatanchang nasa 9,000,000 sa US ang nanuod ng season two finale ng nasabing palabas. Hindi pa kasama diyan ang mga piratang tulad ko na nag download lang ng episodes sa torrent.

Sorry, Ronnie Ricketts.

Dahil naniniwala akong maiksi ang buhay at hindi dapat sayangin sa mga walang kakwenta-kwentang bagay, hindi na ko basta basta nanunuod ng mga TV series ngayon kung hindi naman ako nagagandahan. Sinasabing umaabot ng 11 years ang total time na ginagamit ng tao sa panunuod ng TV sa buong buhay niya. Hindi ba nakakalungkot pag narealize mong ginamit mo lang ang oras na yun sa panunuod ng mga palabas tulad ng Upin and Ipin? Sa ngayon, tanging Game of Thrones na lang at The Walking Dead ang sinusundan ko. Dati nanunuod ako ng How I Met Your Mother. Pero after 7 seasons na hindi ko pa rin alam kung sino ang nanay at halos lahat na ng puwedeng maka-sex sa palabas ay naka-sex na ni Robin, naubusan na ko ng pasensya. Mad Men? Masyadong mabagal ang pacing. The Office? Nung nawala si Steve Carell hindi na nakakatawa. Budoy? Dun ko narealize na puwede palang maging mas nakakairita si Gerald Anderson bilang tao.

Pero kahit sinusubaybayan ko ang The Walking Dead, ako na ang unang magsasabing hindi ako nagagandahan sa palabas. Para sa palabas na tungkol sa zombies medyo kulang siya sa zombies. May mga episodes na minsan halos wala kang makikitang zombie. Hindi ko alam kung sinasadya ng writers pero liban sa Glee at Jersey Shore, ang The Walking Dead na ata ang pinaka-nakakainis na palabas sa TV ngayon. Kung hindi mo pinapanuod, hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko. Pero kung nanunuod ka, sigurado sumasang-ayon ka. Wala kang kakatuwaang character dun e. Mula sa main characters hanggang sa minor characters, lahat sila nakaka-irita. Pag nanunuod ka ng isang palabas at mas kinakampihan mo pa yung kontrabida kesa sa bida, alam mong may mali. (O baka masamang tao ka lang talaga)

Pagkatapos ng 2 seasons ng The Walking Dead, eto ang mga napansin ko tungkol sa palabas.

(Warning: Possible spoilers ahead. Kung hindi pa napapanuod ang season two, magdahan dahan lang sa pagbabasa)

1. Si Glenn lang ang natirang Asian sa buong America.

The show is mostly set in and around the city of Atlanta. Atlanta has a population 5,626,400 people. There are 17,320,856 Asian-Americans in the US. There are 4,227,067,000 Asians in the world. Nakaka-19 episodes na ang The Walking Dead pero wala pa kong nakikitang ibang Asyano liban kay Glenn kahit zombie man o survivor.

Glenn, the last Asian on Earth. Also happens to be a virgin.

Ang malungkot niyan, ang purpose lang ni Glenn sa grupo ay maging bait para sa mga zombies at gampanan ang role ng nerd na naka-iskor lang kung kelan nagugunaw na ang mundo.

Ang sakin lang, hindi ba maganda kung mag pasok sila ng Pinoy sa kwento? Isang Ilokano manong na nag migrate sa US kunwari. Tapos pag nagkakagulo na hihirit siya ng mga linyang ganito:

 

"Putangina, dis white peoples are talagang crazy!"

You can’t tell me that this is a bad idea. Kung magkakaron ka lang rin ng obligatory Asian guy sa isang zombie series, bakit hindi pa natin gawing Ilokano manong?

2. Hindi nagsasalita si T-Dog.

Si T-Dog ang “token black guy” sa palabas. Ang purpose lang nilang dalawa ni Glenn ay kunin ang Asian and African American demographic. Kumbaga sa pagkain, sila yung mga display na dahon dahon tsaka mga carrots na kakaiba ang hiwa sa gilid ng karne. Kadalasan, ginagamit ang mga “token black guy” para dagdagan ng kulay ang palabas. (no pun intended) Sila kadalasan ang comic relief at every now and then ay hihirit sila ng “AWW, HELL NAAW!” when the situation calls for it. For some reason, hindi nagsasalita si T-Dog sa palabas. Ang season 2 ay may mahigit kumulang na 12 hours na running time. Ang total dialogue ni T-Dog for season 2? Less than 5 minutes.

Kung iisipin, medyo stereotypical ang pangalang “T-Dog”. Konti na lang ang natitirang African American sa mundo, what are the chances na ang matitira pa talaga e yung may pangalang pang rapper? Hindi ba pwedeng ang natira na lang ay yung tipong “Peter” ang pangalan? Kailangan talaga parang kasama sa entourage ni Eminem?

3. Mas unlikeable si Rick kesa kay Shane kahit si Shane ang kontrabida.

Si Rick ang de facto leader ng grupo nila for some reason. Pero kung ako ang tatanungin? Mas may sense pa si Shane kesa kay Rick most of the time e. Kung ako ang nandun baka kay Shane ako kakampi e. (O baka masamang tao lang rin ako) Pag nasa gitna ka ng zombie apocalypse, hindi ba ang objective mo ay manatiling buhay? For some reason laging nagagawa ni Rick na ipahamak ang buong grupo dahil sa mga desisyon niya. Alam ko dapat si Shane ang kontrabida pero parang mas mahirap magustuhan si Rick kesa kay Shane. Sa lagay na yan mang-aagaw na ng asawa si Shane ah.

4. Dapat ireklamo sa Bantay Bata si Lori.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng zombie apocalypse ay pinapayagan ni Lori na magliwaliw ang anak nyang si Carl. Sa panahon nga natin ngayon hindi pinapayagan na pumunta ng mall mag-isa ang anak mong 12 years old e. Pag may zombie apocalypse papayagan mo siyang mag ikot ikot sa gubat mag-isa?! Nabaril na nga sa gubat yung anak mo diba?!

Nung papatayin na ni Rick yung prisoner sa loob ng barn, sinong umepal para sabihin sa tatay niyang iputok na yung baril? Si Carl! Nung pinatay ni Rick si Shane sinong umepal? Si Carl! At some point kung ikaw si Rick o Lori hindi mo ba sasabihin kay Carl na,

“Punyeta kang bata ka pag sinabi kong wag kang lumabas ng bahay, hindi ka lalabas ng bahay!”

Kase ganun ang gagawin sakin ng nanay ko e. Kaya kailangan talaga magkaron ng Pinoy sa palabas na to !

5. Gusto nang mamatay ni Carl.

Ang kwento ng first 6 episodes ng season 2 ay tungkol kay Sophia, ang batang sinabing wag umalis sa pinagtataguan niya pero hindi nakinig kaya naging zombie. Kasabay niyan ang kwento ni Carl na nabaril sa gitna ng gubat.

Ikaw si Carl, nakita mo kung anong nangyari kay Sophia, ayaw mo pang magtino? Ang survival basic instinct ng tao yan e. Nakakita si Carl ng zombie sa gubat na na-stuck sa putik, anong ginawa niya? Binato niya ng bato. Sa kamay. Hindi normal e diba? Ang normal na bata tatakbo e. Either talagang bobo si Carl o gusto na niyang mamatay.

In a perfect world, this scene ends with Carl's zombification. Alas, we don't live in such a world.

6. Dapat nang mamatay si Carl.

Aside from the fact na magiging maligaya tayong lahat, hindi ba mas magiging compelling ang kuwento kung maging zombie si Carl at kailangan siyang barilin ng mga magulang niya? We’re starting to see Rick move towards the dark and into moral ambiguity anyway. Hindi ba yun ang magiging clincher?

Sobra na! Tama na! Panahon na!

Also, isn’t Carl responsible for three deaths already? Si Otis, si Dale, tsaka si Shane. Kung ako kay T-Dog iiwas na ko kay Carl kase since wala naman siyang dialogue malamang siya na susunod! Tsaka tinutukan niya ng baril yung tatay niya diba? Sinong matinong tao ang gagawin yun sa tatay niya? Inuulit ko, kung may Pinoy sa cast siguradong nabatukan yan. Kailangan talagang magkaron ng Pinoy sa cast!

7. Hindi alam ni Daryl kung kumag siya o mabait siya.

Si Daryl ang isa sa mga characters sa show na talagang sinulat para kainisan ng mga manunuod. He’s a redneck. He’s racist. He snaps at people. He collects zombie ears as a post-apocalyptic hobby. Hindi pa nagkakaron ng mga zombies, kumakain na si Daryl ng mga nasagasaang aso on a regular basis. Description pa lang nakakainis na diba? But somewhere in the middle of season 2, nag decide ang mga writers na gawing likeable si Daryl. Naging mabait na siya sa ibang tao, nagbibigay na siya ng bulaklak sa mga nagluluksang nanay. All of a sudden, fan favorite na si Daryl. A few episodes later? Minumura nanaman niya ang lahat ng tao. Bago matapos ang season 2, mabait nanaman siya. Ano ba talaga?!

May identity crisis ata tong mokong na to e.

Kung ako ang tatanungin tingin ko dapat yakapin na ni Daryl ang darkside. Since wala na si Shane, sino pang magiging kontrabida? Isa pa, naputol ang kamay ng kapatid niyang si Merle dahil kay Rick. Naiwan sa bubong si Merle dahil nahulog ni T-Dog yung susi nung posas niya. You don’t move on from those things just like that. Hindi ba okay kung magkaron ng isang episode na mag huhuramentado si Daryl na parang lasing na nakainom ng gin bulag? Hindi ba okay kung tirahin niya ng crossbow si Carl?

8. Ang mga lalake sa buhay ni Lori.

Alam mong malandi kang babae kung sa gitna ng isang zombie apocalypse, buntis ka at hindi mo alam kung sinong tatay. Oo, sabihin na natin na malungkot siya dahil akala niya patay na si Rick. Naghahanap siya ng kalinga ng isang lalake sa panahon ng delubyo. Pero utang na loob naman, wala pa ngang isang buwan nung nalaman mong patay na asawa mo, lalandi ka na agad? Baka nga wala pang isang linggo e! Hindi mo man lang ba kayang maghintay ng pa-siyam?!

9. Si Lori ang tunay na kontrabida sa palabas.

Lori, without question, is the worst person on the show. Gaya ng binanggit ko na sa taas, wala siyang kwentang nanay. Gaya ng nabanggit sa taas, malandi siya. Pero kung naaalala niyo, may isang episode nung nabaril si Carl na sinabi niya kay Rick na baka mas okay na mamatay na si Carl. Kung sinabi ng nanay mo yun anong gagawin mo? Mapapatawad mo kaya? Hindi mo ba sasabunutan man lang sa patilya?

Sa season 2, lagi niyang sinasabi kay Rick na mapanganib daw si Shane. Kulang na lang sabihin niya na dapat nang patayin ni Rick si Shane. Buong season 1 and 2, sinusuyo siya ni Shane na balikan siya at iwan na lang si Rick. Ayaw ni Lori. Finally, nung mukhang naka-move on na si Shane, anong ginawa ni Lori? Nilandi nanaman! Etong si Shane nag-init nanaman kaya nagtangkang patayin si Rick para wala nang pipigil sa sexy time! Anong nangyari? Sa gitna ng struggle, napatay ni Rick si Shane. Nung nalaman ni Lori yung nangyari, nasuklam siya sa ginawa ni Rick. AFTER REPEATEDLY HINTING AT RICK TO KILL SHANE.

Seriously, WTF woman?!

10. Gusto talaga ng mga writers na mabwisit tayo kay Lori.

Zombie apocalypse and you’re in the middle of nowhere. Puro palayan sa kaliwa’t kanan. Walang ibang sasakyan sa kalye. Tapos mababangga ka pa! Oo, malandi si Lori. Oo, hindi siya mabuting ina. Pero, utang na loob naman! Sinasadya na ata talaga ng mga writers na kainisan natin tong si Lori e!

At this point hindi ako magugulat pag sa season 3 nalaman nating kay Lori pala nag simula ang virus kaya nagkaron ng zombies. Hindi na rin ako magugulat pag sinabing siya ang nag tago kay Bin Laden ng sampung taon sa Pakistan kaya hindi siya nahuli.

Siguro tinatanong mo, “Kung ang dami mong reklamo, e bakit ka pa nanunuod?” Nanunuod ako kase pag nagagawa nila ng tama yung episodes, it’s one of the best shows on TV. Sinusubaybayan mo kase umaasa ka na tuwing manunuod ka ng episode, makaka-chamba ka na magandang episode yung mapapanuod mo. Tsaka pag may nakakainis na character na biglang nilapang ng zombie? Hindi kayang ipaliwanag ng mga salita ang galak na nararamdaman mo.

The Walking Dead started off with a great first season. Nagkaron ng personnel problems sa second season dahil umalis ang showrunner na si Frank Darabont kaya nagkagulo gulo. Anong nangyari? Lahat ng 19 episodes ng second season ay ginanap sa isang farm sa gitna ng kung saan. Wala na atang mas boring na setting pa para sa isang palabas tungkol sa zombies kung hindi isang farm na malayo sa lahat ng zombies. Hopefully, if the last episode of season 2 was any indication, maayos na nila sa season 3 ang kwento.

Kung hindi man mangyari yun, at least makain man lang sana ng zombie si Lori o Carl. O kaya combohin nalang para mas masaya. Magiging zombie si Carl tapos kakainin niya si Lori! Tapos babarilin sila sa ulo ni Rick tapos sasabihin ni T-Dog, “AWW HELL NAAWW!” tapos bibigyan ni Daryl ng bulaklak ang naulilang si Rick dahil tumataas nanaman ang estrogen levels niya. Tapos may Ilokano manong sa likod na magsasabing, “Putangina dis white peoples are talagang crazy!”

Shit, excited na ko.