7 Things People Don’t Tell You About Being Single

movies_straws_forever_alone_steve_carell_the_40_desktop_1920x1080_hd-wallpaper-909305

Ilang araw na lang February 14 nanaman. Valentines Day para sa mga nasa relasyon, Single Awareness Day para sa mga ampalaya. Kapag single ka, wala na sigurong ibang araw sa buong taon na mas magpapaalala sayong mag-isa ka at walang nagmamahal sayo higit pa sa Valentines Day.

Depende kung sinong kausap mo, puwedeng maging napakasayang bagay ng pagiging single. Gusto mong uminom magdamag? Sige lang! Gusto mong mag midnight snack ng crispy pata at isang kalderong kanin? Go ahead! Walang pipigil sayo liban sa konsensya mo. Kaso puwede rin namang maging napakalungkot kung sanay ka na lagi kang may kasama at may kaamuyan ng gilagid tuwing nanunuod ng sine.

Kung nasa relasyon ka ngayon may mga bagay na hindi sinasabi sayo o hindi mo naiisip tungkol sa pagiging single habang nasa relasyon ka pa. At dahil mahilig akong gumawa ng mga listahang walang katuturan, inisa isa ko sila.

1. Mas magiging magastos ka.

Kung tulad kayo ng libo-libong mga mag jowa sa Pilipinas na may ugali na mag dinner at manuod ng sine tuwing may date, malamang gumagastos ka ng 1000-1500 pesos sa isang date. Kasama na diyan ang gas, pamasahe, pambayad sa sine, hapunan, popcorn, tip mo sa parking boy, at pambayad sa tollgate. Ngayon kung gagawin niyo yan ng dalawa beses sa isang linggo, 2000-3000 pesos na kaagad yan. Sa isang buwan, posible kang gumastos ng 8000 pesos sa date pa lang. Magastos diba? Lalo na kung lalake kang pamacho na ayaw na nagbabayad ang babae.

So iisipin mo na pag single ka malamang mas makakatipid ka diba? Wala kang ililibre manuod ng sine at kumain. Wala kang reregaluhan sa pasko. Wala kang papadalan ng bulaklak pag nahuli kang may nilalandi sa text. Saya diba? Totoo lahat yan. Pero delikado rin yan e. Kase dati nagtitipid ka para may pang date ka, ngayon hindi ka na ganyan mag-isip. Wala ka nang reregaluhan e. Wala ka naring ililibre. Kaya mas matapang ka nang gumastos ngayon. Yung 30,000 pesos na Iron Man action figure na dati na hindi mo mabili kase tingin mo luho? Chicken feed.

Gusto niyang pinapanuod siya ni Optimus Prime habang nag poporno.

Gusto niyang pinapanuod siya ni Optimus Prime habang pinaglalaruan niya ang sarili niya sa harap ng computer.

Dati tingin mo di mo kailangan mag pagwapo o mag paganda dahil alam mong kahit mukha kang maitim na siko e may nagmamahal sayo. E ngayon? Todo pagwapo ka na! Bumibili ka na ng bagong damit at pabango. Pinalitan mo na rin yung briefs mong parang bacon na yung garter. Nagbalik loob ka na rin sa Fitness First. Kailangan e! Takot kang mabuhay mag-isa habambuhay e!

2. Hindi ka malulunod sa dagat ng magagandang babae.

Kapag nanuod ka ng pelikula ngayon tungkol sa single na mga lalake anong kadalasan ang makikita mo?  May lalakeng kagaya ni Ryan Gosling na umiinom sa bar at may lalapitang magandang babae. Bobola-bolahin niya ng konte, mapapatawa niya, tapos uuwi na kasama niya. Parang ang dali diba? Bukas ganun ulit. Sa isang bukas ganun ulit. (Sorry kakanuod ko lang ng Crazy, Stupid, Love sa Star Movies)

So iisipin mo na pag single ka, kaya mong makuha yung ganung buhay diba? Bakit naman hindi? Hindi ka naman masyadong pangit e! Tsaka kahit sino naman basta lasing madali nang kausap. Pero sa tunay na buhay hindi ganun kadali yan. Una sa lahat kung wala kase sa karakter mong maging ganyan, hindi mo magagawa yan. Sa totoo lang lahat ng lalake palihim na pinapangarap na maging katulad ni Barney Stinson pero hindi lahat may sikmura para gawin yun. At yung mga kaibigan mong tingin mong may i-rerereto sayo? Malamang sa malamang hindi mo type o hindi ka type. Kase yung mga mga magaganda nilang kaibigan malamang may boyfriend na. Una-unahan na ang labanan ngayon e. Pag naka-jackpot na yan ng maganda hindi na bibitaw yan. Kapag nakita mo yung mga nirereto sayo ng mga kaibigan mo pagdududahan mo kung magkaibigan ba talaga kayo kase parang napaka-baba ng tingin niya sayo. At ganun rin ang iniisip ng kaibigan niya pag nakita niya ang mukha mo.

Kapag ganito ang pinapa-date sayo, siguro kailangan mo na talagang tanggapin na baka hindi ka kagwapuhan.

Kapag ganito ang pinapa-date sayo, siguro kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan na baka hindi ka talaga kagwapuhan.

3. Being free isn’t always a good thing.

Kung katulad ka ng karamihan ng lalake na nasa isang relasyon, malamang nagpapaalam ka sa girlfriend mo tuwing lalabas kayo ng mga kabarkada mo. Malamang ang paalam mo ay pupunta kayo sa bahay ng kaibigan niyo at sa kalagitnaan ng inuman mag-tetext ka ng “Hi baby! Miss you so much! Wish you were here. :(” pero sa katunayan ay nakakandong sayo ang star dancer ng Alitaptap KTV Bar and Disco. Well good news! Kapag single ka hindi mo na kailangang mag paalam! Hindi ka na mag sisinungaling! Which you think is a good thing, pero sa totoo lang minsan hindi.

Dati kapag iinom ka may magsasabi sayo na “o tatlong beer ka lang tonight ah..” Pero ngayon wala na. Ibig sabihin puwede ka nang umabuso hanggang umiyak ang atay mo at magliliyab na yung ihi mo kapag sinindihan dahil purong alcohol na. Wala nang umaawat sayo ngayon e. Gusto mong magpakababoy sa Koko Krunch ng alas tres ng umaga? By all means! Kaya ngayon na wala nang pumipigil sayong abusuhin yung sarili mo, iiksi na yung life expectancy mo by 30 years. Mamamatay ka sa edad na 55 at sa burol mo may magpapakitang babae na sasabihing naanakan mo siya nung nagkakilala kayo sa Alitaptap KTV Bar and Disco.

Ganito kami pagkatapos i-marathon ang buong Lord of the Rings Trilogy na may extra scenes kung saan nakikipagbalagtasan si Merry at Pippin sa matandang puno.

Ganito ako pagkatapos i-marathon ang buong Lord of the Rings Trilogy na may extra scenes kung saan nakikipag-balagtasan si Merry at Pippin sa punong nagsasalita.

4. Ikaw ang dakilang 3rd wheel or 5th wheel sa grupo

jdhkjahsdkjahdskja

Alam na natin kung sino sa kanila ang nag porno pag uwi.

Hindi mo ba napansin na parang ang daming mga couples ngayon sa social circle mo? Tumingin ka lang sa Facebook mo ang dami mong makikitang profile pictures ng dalawang taong magkayakap at nagkikiskisan ng pisngi habang nakangiti. Kung nasa edad ka na 20-30 years old, marami na sa mga kaibigan mo  ang may karelasyon. Hindi tulad sa ibang bansa na parang pinagpapaliban nila ang pakikipag-relasyon dahil inuuna nila ang career o ineenjoy nilang makipag-hook up sa random strangers, sa Pilipinas hindi uso yun. Usong uso satin ang maging nasa relasyon. Kumausap ka ng kahit sinong babaeng nasa relasyon ngayon sa edad na 24 o 25 at lahat yan pinaplano nang magpakasal in the next years to come. Lahat nagmamadali e. Kung sino yung jowa nila sa edad nila ngayon, malamang yun na rin ang papakasalan nila hindi dahil feeling nila tama para sa kanila yung tao pero dahil feeling nila nasa edad na sila para magpakasal.

Anong ibig sabihin nito para sayo? Well ang ibig sabihin niyan ay tuwing may mixed gender social activities kayo ng mga kaibigan mo tulad ng dinner, inuman, o panunuod ng sine, malamang sa malamang ikaw ang namumukod-tanging single sa grupo. Kapag nag Tagaytay kayo ikaw yung walang kayakap sa picture sa tapat ng Taal Volcano. Malamang ikaw ang magiging designated photographer sa mga kaibigan mong nagyayakapan at naglalandian at ngingiti-ngiti ka lang habang binubulong sa sarili mo na “tangina niyo, maghihiwalay rin kayo mga gago.”

5. Mahirap nang manuod ng sine mag-isa.

Mahilig akong manuod ng mga pelikula. Kapag nasa relasyon ako, halos linggo-linggo nanunuod ako ng sine. Dati may ugali akong manuod ng sine mag-isa kase sa isip ko, ineenjoy ko naman yung panunuod ng sine bilang entertainment o bilang art form at hindi naman bilang social activity. So bakit kailangan na may kasama ka para manuod ng sine? Pero kung mapapansin mo ngayon sa Pilipinas, dahil wala naman tayong masyadong parks sa Metro Manila ang daming mga couples na nanunuod ng sine bilang date. Bihira ka makakita sa loob ng sine ng taong nanunuod ng pelikula mag-isa. Yung ilan-ilan diyan mga magkakabarkada pero ang marami sa mga yan ay mga magka-relasyon. Makikita mo na lang mamaya nagtutukaan na yung dalawang tao sa row sa harap mo at gumagalaw na ang mga kamay nila sa ilalim ng jacket na dala ni babae.

ajhsdjahskjdhajs

Oo wala ngang nagmamahal sayo pero on the brightside wala ka namang kaagaw sa popcorn diba?

At dahil diyan, mahirap na manuod ng sine mag-isa ngayon! Hindi dahil sa nakakalungkot pero ayaw mo lang yung pagtitinginan ka ng mga tao at magtataka sila kung bakit wala kang kasama manuod ng sine. May problema ba sayo? Bakit walang nagmamahal sayo? At dahil lahat sila nakatingin na sayo iniimagine mo na na pinalitan na nila yung ulo mo at kinabitan ng ulong umiiyak ni Forever Alone.

6. Lahat ng sinabi mong gagawin mo pag naging single ka, hindi mo gagawin.

Naalala mo nung nasa relasyon ka pa at sinasabi mo sa sarili mo na pag nagkaron ka lang ng oras mag-aaral kang tumugtog ng gitara? O kaya sasabihin mo na kung maging single ka mas magbabasa ka ng mga librong matagal mo nang gustong basahin? Pag naging single ka magsisimula ka na mag workout? Sa totoo lang minsan dahilan lang yan. Kapag naging single ka, malamang hindi mo pa rin gawin yang mga yan. Malamang nakahilata ka sa kama at nanunuod ng 700 Club, Ang Dating Daan, o kaya yung piratang madre na lumalabas lang pag alas dos ng umaga.

I'm going to hell for this.

I’m going to hell for this.

Kasi kung gusto mo naman talagang gawin, hindi mo kailangan maging single para gawin yang mga bagay na yan. Unless sobrang lakas ng topak ng girlfriend mo na gusto niyang laging nakapulupot sayo na parang anaconda, you can afford to have your own time every once in a while. Kapag lalo mong inisip na hindi mo nagagawa yung mga gusto mong gawin dahil sa relasyon mo, lalo kang hindi magiging masaya. Kung iisipin mo unfair yun sa partner mo kase posible namang hindi niya talaga kasalanan e diba? Malay mo naman kung tamad ka lang talagang hayup ka.

7. Posibleng maging single at masaya.

Okay maging nasa relasyon kung masaya yung relasyon mo at kasundo mo talaga yung girlfriend o boyfriend mo. Talong talo nun ang pagiging mag-isa walang duda. Pero kung hindi ka naman masaya sa relasyon mo, mas makakabuti pang maging single ka na lang at siguradong magiging mas masaya ka pa. Sa totoo lang kung lulubus-lubusin mo ang pagiging single masaya naman talaga dapat. Malaya ka e. Hawak mo yung buhay mo. Wala kang iniintindi. Ideally masaya yan diba? Kaso kung hindi mo sasamantalahin at mag mumukmok ka sa bahay at nanunuod lang ng One More Chance hanggang makabisado mo pati mga linya ni Al Tantay, hindi ka talaga magiging masaya.

ashdkjahdjkahd

Hayup ka Lloydie sinira mo ang macho image ko.

Hindi mo naman kailangang landiin ang lahat ng babae o lalakeng makilala mo para ma-enjoy ang pagiging single e. Hindi mo rin kailangang parating mag hanap ng kapalit nung girlfriend o boyfriend mo. Kapag lalabas ka, hindi kailangang laging maghanap ng potential partners. Puwede namang kumilala lang ng mga tao e. Yan yung bagay na pag may girlfriend ka hindi mo basta basta magagawa kase lalagyan ng kulay o pagseselosan diba? Magpalawak ka ng social circle mo para madagdagan ang mga kalaro mo sa Words with Friends (with benefits).

Gawin mo yung mga bagay na sinasabi mo dating wala kang time gawin. Mag gym ka hindi lang para mag pagwapo pero para rin sa ikabubuti ng katawan mo. May opportunity ka para maimprove ang pagkatao mo, bakit hindi mo susubukang gawin diba? Para pag dumating na yung time na papasok ka sa relasyon masasabi mong mas handa ka na at mas maayos ka nang tao kesa nung version mo the last time around.

Pero in the mean time na wala ka pa dun at single ka ngayong Valentines, mag mukmok ka na lang muna habang nakaupo ka sahig ng shower at yakap yakap ang sarili mong umiiyak.

Forever-Alone-101


Twittequette

Noong 2008, sinasabing meroong 3,000,000 registered users ang social media network na Twitter. Nung March 2011, umabot na ito sa bilang na 225,000,000. Sa isang araw, nagpapadala ang buong mundo ng 350,000,000 tweets. Sinasabing 39.6% ng mga tweets na ito ay “pointless babble” or in other words ay mga tweets tungkol sa almusal mo kaninang umaga, pagiging “mayor” mo ng kung ano mang lugar, o Instagram ng kinakain mong tapsilog sa kung saang restaurant na “mayor” ka.

Sa Pilipinas, tinatancha na mayroong 4,500,000 Twitter users. Kung may 2,400,000 followers si Anne Curtis ibig sabihin mahigit kalahati sa mga may Twitter sa Pilipinas ay binabasa ang mga tweets niya tungkol sa pag kain ng ice cream.

Malalaman mong sikat ka kung sabihin mo lang na gusto mo ng ice cream at may 50+ tao na agad na mag-reretweet at 33 na nag favorite sa sinabi mo. “Favorite” mo na naiinitan si Anne Curtis at gusto niya ng ice cream? Anong problema mo bilang tao?

Dahil libre at madaling gamitin, maraming tao ang gumagawa ng account at kinukwento ang mga nangyayari sa pang-araw araw na buhay nila sa loob ng 140 characters. Kaso bilang iba-iba naman ang pag-uugali ng bawat tao, iba-iba rin ang estilo ng pag-tweet ng bawat isa. May mga nakakatuwa, may mga nakakaaliw, meron rin namang nakakainis. Although naiintindihan naman natin na karapatan ng bawat tao na i-express ang sarili nila, may mga Twitter users na talagang nakakairita lang paminsan.

Eto ang mangilan-ngilan sa kanila:

1. Flooder. Ang isa sa mga kinaibahan ng pag update sa status mo sa Facebook at sa pag-tweet ay mas vulnerable ka sa Facebook. Paanong vulnerable? Ibig sabihin hindi ka puwedeng basta basta mag update sa Facebook ng “Drinking Milk Tea. Sarap!” dahil merong function na “comment” at “like” sa Facebook. Bukas ka sa kritisismo. Ano bang pakialam ko kung umiinom ka ng Milk Tea? May ipis ba yung Milk Tea mo? Nahulog ka ba sa planggana ng Milk Tea? Kadalasan pag walang nag comment o nag like man lang sa sinabi mo, ibig sabihin walang may pakialam dito. Sadly, sa Twitter hindi ganun. Dahil hindi naman function ang mag comment, mas malaya kang sabihin ang kahit anong gusto mong sabihin. At dahil diyan, may mga umaabuso.

I don’t know how to politely say this but… nobody gives a shit.

Yang Twitter account ng taong nasa taas? NBA player yan. Kung ang NBA player walang masabing interesante tungkol sa buhay niya, paano pa kaya ang normal na tao? Hindi naman lahat ng tao nakakatawa. Hindi naman lahat ng tao makabuluhan ang sinasabi. Kaso sana lang wag mo naman kaming combo-hin ng Tweets tungkol sa ginagawa mo bawat minuto. Hindi na namin kailangan malaman na tapos ka nang punasan ang pwet mo at naghuhugas ka na ng kamay ngayon at nabasa ang cellphone mo dahil tatanga-tanga ka na nag ttweet habang naghuhugas ng kamay.

2. Twitter Fan Accounts. Hindi ka ba nagtataka kung bakit linggo linggo trending si Justin Bieber sa Twitter? Dahil yan sa mga lecheng Justin Bieber fans sa Twitter na walang ibang magawa kung hindi mag-tweet tungkol kay Justin Bieber.

Ang nagpapababa sa collective IQ ng Twitter users sa mundo.

Nung minsan lang inaasar ko yung isang kaibigan ko sa Twitter na may hawig siya kay Charice Pempengco. Ang sabi ko,

A few minutes later may sumagot sakin na hindi ko kilala at ito ang sinabi,

Walang masama maging fan. Napanuod ko na ata ang lahat ng pelikula ni Al Pacino at dinedebate ko ang lahat ng mga kaibigan kong sinabihan na rapist si Kobe Bryant at mas magaling si LeBron. Pero para makipag-debate ka sa isang random na tao sa internet tungkol kay Charice Pempengco na wala namang masamang sinabi tungkol sa kanya? Hindi naman ako sinusundan sa Twitter to begin with so ibig sabihin talagang nag search siya ng tweets tungkol kay Charice Pempengco. E kesa aksayahin mo ang panahong mong depensahan ang matatabang pisngi ni Charice Pempengco, bakit hindi ka na lang gumawa ng bagay na makabuluhan na ikatutuwa ng nanay mo?

3. Hashtagger. May rason kung bakit naglagay ang Twitter ng hashtags. Sa dami ng mga tweets sa buong mundo, minsan maliligaw ang tweets mo tungkol sa isang bagay na common interest ng maraming tao. Kung gusto kong basahin ang tweets tungkol sa impeachment trial ni Corona, pupunta lang ako sa #CJonTrial na hashtag. Convenient diba? Kaso may mga taong hindi ata nakuha ang konsepto nito at inaabuso ang pag gamit ng hashtag.

Kung puwede lang magsunog ng Twitter account, binuhusan ko na ng gasolina ang account mo at pinaliyab.

Sa totoo lang, nakakairitang basahin diba? Hindi naman lahat ng tweets mo kailangan mong lagyan ng hashtag. Ang mas nakakairita pa diyan yung gumagamit ng maraming hashtag sa iisang tweet.

Hindi ko alam kung anong mas nakakagigil basahin, ang Jejemon o ang Hashtag Abuse. Utang na loob wag niyong paghahaluin at baka hindi ko kayanin.

4. Cryptic Tweets/Aggressive Tweets. Every once in a while makakabasa ka ng mga tweets ng mga taong nagpaparinigan sa Twitter. Mga taong pasimple lang pero may pinapatamaan. Pag talagang siniswerte ka, mga taong nag-mumurahan.

Nakakainis yung mga tweets na ganyan. Yung cryptic tweets na pag-iisipin ka kung sinong pinapatamaan. Yung mga downright unpleasant tweets tulad ng “F*CK OFF”, “F*CK YOU”, and other similar profanities. Hindi ko lang maintindihan sa mga taong yan, bakit ba kailangan mag-away kayo publicly? If you really wanted to tell someone to “F*CK OFF* then tell him to FUCK OFF. Bakit kailangan mong isama ang ibang tao sa pag-iinarte mo?

Ang isa sa mga main offenders? Si Mr. Charming himself, Hayden Kho.

Hayden Kho. What a guy!

Thank you for the rain because it’s lachrymosely beautiful? Hindi ka deep, Hayden. Douche ka.

5. Follow Me Back/Retweet Pls. Ang isa sa mga maganda sa Twitter ay yung pwede kang i-follow ng kahit sinong tao. Puwede mo ring piliin kung gusto mong i-follow itong taong to na nag-follow sayo. Kung ayaw mo, ayos lang. Hindi katulad ng Facebook na pag may friend request sayo at inaccept mo, mababasa mo na rin ang feeds niya kahit ayaw mo naman talaga. Kaya nakakairita yung mga Twitter users na pag finollow ka, mag ttweet ng “Follow naman, sir. Tnx” Tapos pag nakita mo yung Twitter feed niya lahat ng tao ginaganun niya. So lahat ng tweets na mababasa mo sa kanya pag finollow mo siya ganun. Bakit mo siya i-fofollow kung ganun?

Binatikos si Samuel L. Jackson nung gumawa siya ng Twitter mga ilang buwan na ang nakalipas nung nanghingi siya ng followers sa mga iba pang celebrities. Apparently, may nagsabi daw sa kanya na ganun ang gawin. Hindi niya siguro naisip na “Putangina, ako si Samuel L. Jackson, kailangan ko bang manghingi ng followers? Ako si Mace Windu sa Star Wars! Ako si Jules sa Pulp Fiction! Kinain ako ng pating sa Deep Blue Sea! Kailangan ko lang mag exist bilang the baddest mo’ fo’ that I am at ang mga followers ang lalapit sakin!” (Oo, sa mundo ko nagtatagalog si Samuel L. Jackson)

Ewan ko sa inyo pero naaappreciate ko pag may nag fofollow sakin sa Twitter. Wala akong hinahabol na number ng followers. Hindi ko rin objective na magparami ng followers. Pero tuwing may nakukuha akong message na may dumagdag akong follower natutuwa ako. Bakit? Kasi pinapakita nito na may nakapag-basa ng tweets ko at kahit papano naisip niyang interesting enough yung sinabi ko para sundan niya ako sa Twitter. Sa 250,000,000 tweets sa isang araw, may saysay yung 1 tweet mo sa kung sino man.

Siguro sasabihin mo, “E kung naiirita ka, bakit hindi mo na lang i-unfollow?” It’s actually easier said and done. Siguro madaling gawin yun kung hindi mo kakilala yung tao. Pero paano kung kaibigan mo? Paano kung alam mong makikita mo pa siya at alam mong magkakaron ng awkwardness dahil alam niyang inunfollow mo siya? Lahat tayo may ganyan e. Lahat tayo merong kaibigan na gusto mong i-unfollow at i-unfriend pero nahihiya kang gawin.

Pag nag unfollow ka ng tao, that’s basically telling someone na “I’m sorry, akala ko interesting yung mga tweets mo pero sa totoo lang nakakairita pala.” O kaya “Nung una nakakatawa ka pero pagtagal-tagal nakornihan na ko sa mga hirit mo.” May kakilala ako dati na nag unfriend ng taong nag spam sa Facebook timeline niya. (Hindi pa uso ang “hide” nun) Somehow nalaman niyang na-unfriend siya at lalo siyang nagwala at nagparinig sa Facebook. Whether you like it or not, ganito na ang sukatan ng pagkakaibigan sa panahon natin.

Aminin na natin, hindi naman tayo gumawa ng Twitter para sa sarili lang natin. Self-expression lang ba? Kase kung ganun edi sana bumili ka na lang ng diary at dun nag sulat ng mga hinanakit mo sa mundo. O kaya nag sulat ka ng maiikling sentences sa post-it notes at tinadtad ang buong kwarto mo nito para nag mukha kang serial killer sa pelikula. Nag Twitter ka kase gusto mong makipag-connect sa ibang tao. Dahil iniisip mong dapat mabasa ng mga tao ang saloobin mo. Kung ginagawa mo rin ito para sa iba, I think you owe it to them and to yourself to tweet more responsibly.

Ngayon kung kasing level mo na si Anne Curtis, sige mag tweet ka ng kahit ano. Mag tweet ka na gusto mo ng ice cream. Pero habang hindi pa, konting etiquette lang. Or better yet, Twittequette.


Gubat sa Ciudad

Sabi nila ang paghahanap daw ng karelasyon sa buhay ay para naring ang paghahanap ng predator sa kanyang prey. Kung totoo ito, kailangan lang nating tingnan ang estilo ng mga leon sa paghahanap ng kanilang mabibiktima.

Sa mga leon, hindi puwedeng laging ang pinakamabilis na gazelle ang hinahabol nila dahil mas mahirap habulin ang mga ito. Pag ginawa niya yun, mapapagod lang siya at gugutumin lang niya ang sarili niya. Posibleng hindi pa siya makakain. Samantalang kung mabagal man o mabilis ang mahuli niya, parehas lang naman ang kabusugang makukuha niya.

Lagyan natin ng picture ng lion na humahabol ng gazelle for dramatic effect.

Sa pakikipagrelasyon, hindi rin dapat laging hinahabol ang pinakachicks o pinakagwapo dahil mahirap ring habulin yang mga yan. Sanay na silang hinahabol kaya ensayadong ensayado na sila. Papagurin mo lang ang sarili niyo, posibleng hindi mo naman talaga kayang habulin sa simula’t sapul. Wag mo nang hanapin yung perpektong babaeng may kutis ni Anne Curtis, boobs ni Angel Locsin, legs ni Solenn Heussaff, at kili-kili ni Marian Rivera. Hindi siya nag-eexist liban na lang sa mga panaginip mo. Kung nag eexist man siya, malamang hindi ka niya type. Wag maging masyadong mapili, posible rin namang maging maligaya sa piling ng iba.

Kung nanunuod ka ng National Geographic maski minsan sa buhay mo, siguro nakita mo na kung papaano umatake ang mga leon sa kanilang mga biktima. Kadalasang ginagawa nila ay sabay sabay silang umaatake sa kawawang zebra o wildebeest. Pagtutulungan nila ang mga ito at kadalasan isa lang ang lulusob para coup de grace. Sa mga tao, dito pumapasok ang konsepto ng tinatawag nating “wingman”. Ang wingman ang maaasahan mong kaibigan na tatawa sa lahat ng jokes mo at sasalo sa kasamang kaibigan ng babaeng chinichicks mo kahit ano pang itsura nito.

Ang tunay na wingman, pati ito hindi inaatrasan. "Test of friendship" ika-nga ng iba. Kung handang pumatol ang wingman mo sa babaeng ganito, utang na loob naman ilibre mo siya kahit Jollibee lang. Tunay na kaibigan yan.

Ang mga leon, hindi pupwedeng iba’t ibang gazelle ang hahabulin ng sabay sabay. Mas lalo siyang mahihirapan makahuli dahil hindi nakatuktok ang atensyon niya sa iisang target. Hindi niya alam kung saang direksyon siya tatakbo. Mahahati lang ang energy niya. Kaputok putok, lahat ng hinahabol niya makakawala.

Ganun rin naman sa paghahanap ng karelasyon. Hindi pupwedeng iba’t iba ang hinahabol. Kailangan isa lang ang tututukan. Kung hindi, kaputok putok wala kang mahuhuli. Wag mag feeling na ikaw si George Clooney kung sa totoo nama’y lamang ka lang ng ilang paligo kay Bentong.

Ikaw.

Pinakaimportante sa lahat, dapat ay laging nasa kamalayan ng isang leon na samu’t sari ang kahayupan sa kagubatan. Maraming mga hyena at cheetah na pakalat kalat at nagtatago sa mga damuhan. Marami rin siyang mga kapwa leon na nagugutom at naghahanap ng biktima. Kung hindi siya maingat, mauunahan siya ng mga ito. Ganun rin naman sa ating mga tao, dapat lagi nating tatandaan na marami ring mga hayup at kahayupan sa kapaligiran. Malamang yang napupusuan mo, meron ring pumupuntiryang iba. Kung hindi mo bibilisan, sigurado kang mauunahan. Kung marami kang dahilan sa sarili mo at nag-aalinlangan ka pa ring kumilos, tandaan mo lang ang kasabihang ito:

“It is better to be a lion for a day, than a sheep all your life.”

Kaya ano pang hinihintay mo? Dali, magpakahayup ka!


Para Sa Mga Single

Quiapo in the 1970s. Oo, kunwari na lang naniniwala kang maraming puti sa Quiapo noon. Wag ka nang kumontra.

As of July 21, 2011 ang total human population ay nasa 6,930,000,000. Sa bilang na yan, 3,482,000,000 ay babae which means ang male population ay nasa 3,448,000,000. Kung single ka na babae o single ka na lalake, ang ibig sabihin nun ay nasa more or less 3,450,000,000 ang puwede mong maging boylet o girlaloo. Sabihin na nating kalahati diyan ay masyadong matanda o masyadong bata para sayo, nasa 1,725,000,000 parin yan.

Taking it further, sabihin na nating sa bilang na yan kalahati dun di mo type for any number of reasons. Pwedeng hindi mo gusto yung itsura, hindi mo gusto ugali, hindi mo gusto shape ng paa, hindi mo gusto hugis ng mata, hindi mo gusto amoy ng kili-kili, hindi nag tootoothbrush, di marunong mag “excuse me” pag umutot, at kung ano ano pa. Choosy ka e. Lumalabas na nasa 862,500,000 parin ang natitira.

Again, taking it further, sabihin nating kalahati diyan di ka magugustuhan. Kunwari hindi ka rin marunong mag “excuse me” pag umutot ka o mas malaki yung hinliliit mo sa paa kesa sa hinlalaki mo sa paa. Ang potential partners mo na lang ay nasa 431,250,000. Napakarami diba? Pero isipin mo rin na for any given person you are attracted to, you are competing against 431,250,000 other people. (Kasama na ang mga tulad ni George Clooney na lamang ng mga ilang libong paligo at ilang milyong dolyares sayo) That’s more than the population of the whole of South America.

So to summarize anong nakuha ko sa munting mental exercise na ginawa ko? Ang mga narealize ko ay:

1. With 6,930,000,000 people in this world, no one should ever feel lonely. Not unless you live in Antarctica. (But then Antarctica has 4 million penguins so it shouldn’t be too lonely. Napanuod mo na ba ang pelikulang Happy Feet? Sumasayaw yang mga yan!)

2. Sa dami ng choices mo paano ka makakapili ng isa lang at dun ka na hihinto?

3. Unless you really wanted to, it’s almost impossible to stay single. With 431,250,000 people you are bound to find someone you like and who likes you as well.

Yet here you are.


Online Display of Affection

Malamang nakakita ka na ng ganito sa newsfeed mo sa Facebook.

Kung sakali lang na hindi mo nagets agad na edited yan at nagtaka ka pa, hindi ko kaibigan sa Facebook si Jose Manalo at Bea Alonzo. Hindi rin sila mag-on. Ginamit lang natin ang litrato nila para protektahan ang identity ng mga cheesy na taong ito. Hindi ko sila pwedeng imbitahan para kumanta sa birthday mo.

Kung hindi ka kinilabutan sa nabasa mo, ikinalulungkot kong ibalita sayo na malamang ganyan ka. Kung ganyan ka nga, meron akong gustong itanong sayo:

UTANG NA LOOB NAMAN, HINDI MO BA PWEDENG I-TEXT NA LANG YAN?!

Nagkukuripot ka ba? Feeling mo ba romantic yang ginagawa mo? Kailangan pa ba talagang makita ng madlang tao yang mga ganyang klaseng kabaduyan? Kailangan mong i-share? Sa totoo lang aminin na natin, walang kinikilig sa ganyang klaseng pampublikong pagpapahayag ng pagkacheesy! Wala kayo sa pelikula ng Star Cinema at hindi kayo nakasuot ng mga pangit na wig para maging kamukha ni Empoy. Hindi Popoy o Basha ang mga pangalan niyo. Ang tanging kontribusyon ng ginagawa niyo sa mundo ay maghasik ng kilabot at lagim sa mga newsfeed namin!

Guys, seriously, tingin niyo ba okay yan? Tingin niyo ba nagmumukha kayong “the sensitive romantic type”? Hindi! Hinding hindi! Maski sarili niyong mga nanay ikakahiyang lumabas kayo sa kanila pag nalamang ganyan kayo! Kitang kita pa ng lahat! Para narin kayong nagpa-castrate habang pinapanuod ng punong punong Araneta Coliseum sa ginagawa niyong yan! SABIHIN NIYO, GUSTO NIYO BA YUN?!

Girls, hindi niyo dapat tinotolerate yan! Para niyo naring cinastrate ang boyfriend niyo habang pinapanuod ng punong punong Araneta Coliseum! SUMAGOT KAYO, GUSTO NIYO BA YUN?!

Hay. Kung pwede lang talagang maging kupal minsan. Mukhang masaya e!

Nananawagan ako sa mga magsing-irog na walang pakundangang nagpapakacheesy sa internet, utang na loob huwag niyo na lang ipakita sa amin please! Maghanap na lang kayo ng madalim na sulok sa Luneta at doon maghayag ng pag-ibig sa isa’t isa.

Wag lang kayong magpapahuli sa guard. At pag nailawan ng flashlight? Umatungol at magpanggap na dalawang asong naghihilahan ng buto.