15 Unwritten Man Rules

Merong universal code of ethics ang kalalakihan na hindi nakasulat kung saan man pero sinusunod at nirerespeto ng bawat matinong lalake sa mundo. Kasama na diyan yung walang aamin sa girlfriend ng kaibigan mo kung anong oras kayo umuwi. Kasama na diyan yung hindi mo i-chichicks yung ex o kapatid ng kaibigan mo. Kasama na rin diyan yung walang sulutan ng chicks pag may nauna na. Alam na ng bawat lalake ang mga batas na yan. Ang mga hindi sumusunod sa batas yan? Sila yung tinatawag na “douchebag” na gustong upakan ng lahat.

Pero liban sa mga yan, meron pang mga ibang unwritten rules ang mga lalake na hindi na kailangang sabihin dahil inaassume na ng lahat na naiintindihan na ito ng bawat isa. Para sa mga hindi nakakaalam, hayaan niyong isa-isahin ko para sa inyo ang tinatawag nating “Unwritten Rules for Men”

1. Wag tatabihan ang lalakeng umiihi kung marami pang urinal na bakante. Meron siyang karapatang i-untog ang ulo mo sa lababo pag ginawa mo yun.

2. Habang umiihi sa urinal, tatlo lang ang puwede mong tingnan: yung pader, yung kisame, o yung manoy mo. Bawal lumingon sa kaliwa at kanan. Wag titingin sa mata ng katabi. Sa loob ng banyo habang umiihi, wala kang kakilala. Sa labas na tayo magkamustahan pag di na natin hawak ang mga manoy natin.

3. Pag nag iinuman bawal mag sabay sa banyo. Walang hihirit ng “Bro, CR tayo.” Mga babae lang ang may karapatan gumawa niyan for some reason. Nagtutulungan ata silang mag adjust ng bra? Hindi ko lang sure hindi pa ko nakasama sa mga ganyan.

4. Kahit gaano pa kayo ka-close, bawal mag sabi ng “good night” or “good morning” sa kapwa mo lalake. Makuntento na sa “hoy kupal” bilang greeting.

5. Pag may yayakaping kaibigang lalake, kailangan lagyan ng “tapik” sa likod para macho pa rin kahit binobromance niyo ang isa’t isa. Hindi rin dapat tatagal ng higit 1 second ang yakap.

This is not an acceptable form of “man hug”.

6. Kapag bukas ang zipper ng kaibigan mo, wala kang moral obligasyon na sabihin sa kanya na bukas ang zipper niya. In the first place, hindi naman dapat napupunta dun ang line of sight mo hayup ka.

7. Bawal gumamit ng mga salitang “peg”, “kalurky”, at iba pang similar words. “Chos” lang ang pwede. Chos!

8. Hindi puwedeng mag usap sa cellphone ng more than 10 minutes unless magagandang chicks, bilis ng suntok ni Bruce Lee, o iba pang mga machong bagay ang pinaguusapan.

9. Bawal mag camwhore pic mag-isa pero mas lalong bawal mag camwhore pic na may katabing kapwa lalake. Pucha, bakit mo naman gagawin yun diba?

8. Unless nakakandong sa magkabilang hita niya si Solenn Heussaff at Georgina Wilson, bawal mag “like” ng profile picture ng kapwa mo lalake. 

Pero kung biglang nasama si Tim Yap sa picture, hindi pa rin puwedeng i-like.

10. Hindi ka puwedeng maglaro ng Pet Society sa Facebook unless sinuhulan ka ng sexy time ng girlfriend mo kasama ang bestfriend niyang matagal mo nang gustong aswangin.

11. Hindi ka puwedeng mag pet ng pet ng kapwa mo lalake sa Pet Society. Deactivate mo na ang account mo pag ginawa mo yan hayup ka.

12. Bawal manuod ng sine ang mga lalake na magkakasama unless Expendables ang papanuorin niyo. If ever manunuod ng sine, kailangan higit sa dalawang tao ang magkasamang manunuod. Counted pa rin as “Brokeback-an” kung dalawa lang kayo kahit Expendables pa ang panuorin niyo.

13. Bawal mag bigay ng compliments sa pictures ng mga kapwa mo lalake sa Facebook. Hindi ka puwedeng mag comment ng “nice pecs dude” unless kaya niyang pasayawin ang dede niya na parang si Latrell sa pelikulang White Chicks.

14. Kung kakanta ng sabay sa videoke bawal kumanta ng mga tipong Adele. Bon Jovi at Metallica lang ang puwedeng kantahin ng sabay. Bawal mag sabay sa isang microphone at bawal mag eye contact habang ginagawa ito. Masyadong suggestive.

Lalong hindi puwedeng sabayan ng mga papikit pikit na ganyan!

15. Bawal mag lagay ng smiley pag may katext/kachat kang kapwa lalake. Nagkakaron ng ibang kahulugan ang  ordinaryong linya tulad ng “Kita tayo mamaya?” pag nilagyan na ng “:)” sa dulo.

Iilan lang yan sa mga unwritten rules na dapat sundin ng bawat lalake pag nakikihalubilo sa kapwa nila lalake. Laging tatandaan ang mga ito upang maiwasan ang mga awkward moments kung saan nagkakatitigan kayo ng barkada mo habang may hawak kayong maitim, matigas, at mahabang mikropono na nakatutok sa mga bibig niyong napakalaki ng buka.

O diba description pa lang awkward na?


Bentong Heussaff

YES! Utang na loob “yes” ang sagot sa lahat ng tanong!

Ayon sa mga eksperto (aka Wikipedia), tinatanchang nasa 7,029,000,000 ang kasalukuyang populasyon ng lahat ng tao sa mundo. Sa 7 billion na taong yan, sinasabing 2,267,233,743 ang merong kahit anong uri ng internet access. Puwedeng may internet connection sa bahay, puwedeng pumupunta sa mga internet cafes, at puwedeng makapal lang ang mukha at nagnanakaw ng internet sa wi-fi ng kapitbahay.

Sa kasawiang palad, hindi idiot-proof ang internet. Hindi rin ito pervert-proof. Kaya sa 2 bilyong taong yan, ang masakit na katotohanan ay marami sa mga yan ang hindi dapat binibigyan ng internet access dahil kung ano anong lagim ang hinahasik nila.

Dito sa WordPress, merong function ang bawat blog na malaman ang traffic sa blog nila. Puwede nilang malaman kung ilan ang bumibisita araw araw. Puwede rin nilang malaman kung ano ang mga ginamit na search terms ng mga tao sa Google para mapadpad sa website nila. Kinwento ko na to noon sa entry kong http://reypinmoko.com/2011/11/10/taong-greasy/ pero mukhang napapanahon na para muling balikan ang mga karumal-dumal na search terms na ginagamit ng mga tao. Gaya ng dati, lahat ng ililista ko ay actual search terms na ginamit nila. (Unfortunately)

In no particular order:

1. “pwet na kulubot”

Guys, mag poporno na lang kayo pwet na kulubot pa hanap niyo? Ang daming uri ng pwet sa mundo pwet na kulubot pa talaga?!

2. “anne curtis kita pwet”

Ayan! Much better!

3. “virgin pa ba si anne curtis”

Kung ikaw ba boyfriend ni Anne Curtis tingin mo magtatagal na virgin sayo yun? Lakas ng self-control mo ah!

4. “pano ba mapabilis ang period na babae?”

Either gusto mong malaman kase may period siya at atat ka nang mag sexy time o feeling mo nabuntis mo siya at malapit ka nang bumili ng mga pampalaglag sa Quiapo.

5. “ano ang palabas na sa dibdib lumalabas ang power”

Baywatch.

6. “anong tawag sa gumagalaw na pictures”

umm.. movie?

7. “malibog ako na babae”

Anong Facebook mo? Add kita.

8. “paano kung gusto mong makipag sex kaso wala kang asawa”

Bang Bang Ali para sa walang budget, Air Force One para sa meron. Para sa wala talagang pera, maghanap ka nalang ng rolyo ng tisyu sa bahay tsaka Abante Tonite na tabloid.

9. “anong gagawin kapag ang baby ay may kati”

Kailangan bang i-Google ang sagot na “kamutin”?

10. “litrato ng taong nag mumurahan”

Mga magulang mo kase tumae ka nanaman sa salawal.

11. “kinama ng bayaw”

Parang headline lang sa tabloid ah!

12. “ang saya pag may crush ka, pero mas masaya pag kayo na.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

13. “paano magsalita ang mga 12 years old na babae”

Gamit ang bibig niya. May iba pa bang paraan? Kaya bang mag salita ng pwet mo?

14. “mahal kita pero di moko pinapansin”

 

 

 

 

 

 

 

 

15. “kapag malaki pwet di na virgin”

Tanga.

16. “paano mo malalaman na hanggang friends lang kayo”

kapag maganda siya tapos pangit ka?

17. “miranda tate batman boobs”

 

 

 

 

 

 

 

Sabagay malaki nga naman talaga.

18. “ano ending story batman the dark knight rises”

35 pesos lang ang pirated DVD bumili ka wag kang kuripot!

19. “yung feeling na.. tinatanong ka ng crush mo kung cnu ung crush mo. anong isasagot mo?”

 

 

 

 

 

 

 

 

Gwapo ka e!

20. “bakit kaya ang babae nakakaalala lang kung may kailangan sila sayo”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

21. “80 top pictures na nakahubad na lalaki”

Infairness to you mapili ka ah hindi basta basta picture lang ng hubad na lalaki! Kailangan Top 80 talaga!

22. “pogi pacquiao”

Your search – pogi pacquiao – did not match any documents.

Suggestions:

  • Make sure all words are spelled correctly.
  • Try different keywords.
  • Try more general keywords.

23. “magandang nanay malibog”

I think searching for “MILF” would generate more results. Just a suggestion.

24. “solenn heussaff bakat”

Sorry, ako pala nag search nito.

25. “birong nakakasakit pero totoo”

Maski sarili mong nanay napapangitan sayo.

26. “pinakagwapong lalaki sa buong mundo”

Ako.

27. “bawal condom”

Bawal condom? Ikaw gusto buntis?

28. “naduduwal ako”

Sabi ko sayo ikaw condom e.

29. “magandang babae sa facebook na 11 years old lang”

Kung sino ka man, ipagdadasal na lang kita. *sign of the cross*

30. “Bentong”

Alam niyo bang 1,347 views ng blog ko ay mula sa mga taong naghanap ng picture ni Bentong at napadpad sa site ko? Ang nag search ng “Solenn Heussaff Bakat”? 11 lang. Clearly, mas marami pang tao ang interesadong makita ang makintab na noo ni Bentong kesa sa bakat na utong ni Solenn Heussaff.

At masisisi ba natin sila? Ang cute cute o!

To borrow a line from sports columnist Bill Simmons, “Yep, these are my readers.”


Buko Juice

Alam naman nating lahat na ang New York ay kilala bilang NYC, ang Los Angeles ay kilala bilang LA, at ang Hong Kong ay kilala bilang HK. Pero alam niyo ba na ang Beijing ay kilala naman bilang BJ? Oo, maniwala ka man sa hindi, may henyong nakaisip na magandang idea na tawaging “BJ” ang Beijing. Mas nakakamangha rin dito, may henyong nakaisip na gumawa ng t-shirt kung saan nakasulat ang “I ❤ BJ”.

Ayaw mong maniwala? Pinagdududahan mo ang kredibilidad ko?! Etong sayo!

Ladies, this man loves BJ. Consider yourselves warned.

Hindi ko malalaman tong nugget of wisdom na ito kung hindi dahil sa kaibigan kong nakatira ngayon sa Beijing. Tinanong ko siya kung meron siyang t-shirt na ganito dahil bilang babae siya, matatawa ako ng sobra sobra kung meron siya. Sabi niya wala daw pero inalok niya kong uwian nito bilang pasalubong. Dahil dito, dumating ako sa importanteng punto ng buhay ko at tinanong ko sa sarili ko ang isang mahiwagang tanong na sa palagay ko ay dapat itinatanong ng bawat lalake sa kanilang mga sarili kahit isang beses sa buhay nila.

“Gusto ko ba ng t-shirt na may nakalagay na I ❤ BJ?”

On the one hand, libre naman so bakit hindi. Katuwaan lang naman. At malay naman nila kung mahal ko talaga ang Beijing. On the other hand, medyo (medyo lang naman) suggestive siya at malamang hindi ko masusuot to maski sa loob ng sarili kong bahay. Paano ko naman susuotin yan diba? Naiimagine ko na sarili kong kaharap ang mga magulang ng girlfriend ko. Babati ng “Good evening po, tita,” habang nakasuot ng t-shirt na may malaking “I ❤ BJ” sa dibdib. O kaya naman ay habang nagmimisa sa simbahan, titingin sa katabi kong manang para mag “peace be with you” at babatiin siya ng malaking “I ❤ BJ”. O kaya habang nasa CR ka at umiihi sa urinal at mapapatingin yung katabi mo sa napakalaking “I ❤ BJ” sa dibdib mo at mapapakagat labi. O kaya habang nasa children’s party ng pamangkin mo at napapalibutan ng mga bata tapos may lalapit sayo at tatanungin ka, “Kuya, kuya, ano yung BJ?” Tapos sasabihin mo “Ah.. eh.. buko juice! Tama! Buko juice yun!” Tapos sasabihin niya, “Ay gusto ko rin yun kuya! Gusto ko rin ng BJ!” Tapos maya maya lang lahat ng bata sa party sumisigaw na ng “BJ! BJ! GUSTO KO NG BJ!”

Mali e! Maling mali talaga! Maraming rason para hindi magkaron ng t-shirt na “I ❤ BJ”. But then again, libreng t-shirt pa rin naman to kaya sayang naman. Sabi nga ng lola ko wag ka daw tatanggi sa grasya.

Wag niyo na lang sana sabihin sa kanyang may t-shirt akong ganyan.


The 84 Year Old Virgin

Ang kumpare kong si Sir Isaac Newton ang isa sa mga pinakadalubhasang nilalang sa kasaysayan ng mundo. Isa siyang haligi sa larangan ng agham at malayang pag-iisip kasama nila Albert Einsten, Galileo Galilei, at Paris Hilton. Sa katunayan, ang mga nasusulat niya tungkol sa laws of gravity and motion ang naging basehan ng maraming siyentipiko tulad nila Einstein sa sarili nilang mga teorya at pag-aaral. Ang sinulat niyang Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica ay tinuturing na isa sa mga pinakaimportanteng libro sa kasaysayan ng mga tao, pumapangalawa lamang sa Twilight series ni Stephenie Meyer.

Hindi niyo na itatanong pero ito talaga ang bed-time reading sakin ng parents ko nung bata pa ako.

Pero alam niyo ba na medyo may sayad tong si Isaac? Kung minsan daw ay nagigising ito mula sa pagkakahimbing at bago pa man din bumangon ay mapapaupo ito sa kama at hindi na makakatayo dahil kung ano ano na agad na mga ideya ang pumapasok sa utak niya na siya mismo ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Bago pa rin niya mamalayan, inabot na siya ng hapon at nakaupo lang siya sa kama habang nakikinig sa “Lazy Song” ni Bruno Mars.

Nung minsan naman naisipan niyang magpasok ng karayom sa gilid ng mata para lang makita kung anong mangyayari sa kanya. Trip lang kumbaga. Sinwerte naman siya at hindi siya nabulag. Tapos nung minsan naisipan niyang tumitig sa sikat ng araw hangga’t makakaya niya para lang malaman kung anong mangyayari sa kanya. Hindi naman siya nabulag pero kinailangan niyang mag kulong ng ilang araw sa madilim na kwarto bago siya napatawad ng mga mata niya na kung nakakapagsalita lang sana ay pinagmumumura na siya.

Isaac Newton, pag hindi nauulol at tumititig sa araw.

Lingid rin sa kaalaman ng karamihan pero nung estudyante palang si Isaac Newton, nabubugnot siya sa mga inaaral niya sa math kasi masyado daw madali at mga bobo daw tayong mga normal na nilalang so nag imbento siya ng sarili niyang mathematics na mas madaming letra kesa numero, at tinawag niya itong “calculus”. (Ngayon pag pinagpapawisan ka ng malamig sa exams at hindi malaman kung mauutot o matatae, alam mo na kung sinong sisisihin mo, si Isaac Newton!) Pero dahil nga weirdo siyang tao, tinago niya ito at hindi sinabi sa iba sa loob ng halos na 30 taon. Sa katunayan, ginawa daw niyang mahirap intindihin ang Principia para hindi siya gambalain ng kung sino sinong tukmol na ipaliwanag sa kanya ang mga nasulat niya. Absurdo kung absurdo.

Pero alam mo rin ba na at the age of 84, namatay si Isaac Newton na isang birhen? Siguro masasabi mo na that in itself ay hindi naman nakakagulat. Marami rin naman sigurong mga namamatay na birhen. Mga pari, mga madre, baka mismong ikaw na nagbabasa nito ay mamamatay na virgin. (Shit, foul yun pre. Sorry) Pero kahit papano mabibilib ka rin dahil hindi ganun kadali magkaron ng self-control para hindi hanapin yun for 84 years. Hindi ka man lang ba magiging curious kung anong pakiramdam nun? Kung curious ka enough para malaman kung anong pakiramdam ng matusok ng karayom sa mata, sasabihin mo ba sakin na hindi ka curious malaman ang pakiramdam ng makipagtalik?

Samantalang si Hugh Hefner, sa edad na 85, ay nagbibilang pa rin ng babae. Sana malaman ko isang araw na si Hugh Hefner pala ang nawawala kong lolo at ako ang taga pag mana niya. Wag ka nang kumontra okay? Libre ang mangarap!

Ang hindi ko maintindihan ay kung paano pa lumalabas sa history books na namatay si Isaac Newton na isang birhen. Sino bang sinabihan niya? Pinagkakalat niya bang virgin pa siya nung buhay pa siya? Nagpapatansya ba siya ng mga babaeng nakahubad nung mahulugan siya ng mansanas sa ulo? Ano bang dying words niya bago siya namatay, “HINDI PA KO PUWEDENG MAMATAY!!! HINDI PA KO NAKAKATIKIM NG LUTO NG DIYOS!!!”?

Or…

Pwede rin namang kaya virgin si Isaac Newton ay dahil hindi niya type ang girls… AAAAAYYYYY! Kung uso lang sana ang mga tabloids at blind items nung unang panahon!

Pero nakakatawang isipin na ito yung mga bagay na naaalala satin ng mga tao pag wala na tayo, kung sakaling maalala man nila tayo. Mapapaisip ka tuloy kung anong iisipin nila tungkol sayo kung wala ka na. Ako ang tanging hiling ko lang sa inyo ay hindi niyo ko maalala bilang yung taong mahilig gumamit ng salitang “brip” at gumawa ng blog entry tungkol sa mga “itlog” sa billboards. Yun lang siguro magiging maligaya na ko.


Usapang Brip

Hindi pa man din tuluyang nabubura sa kaisipan ng tao ang kontrobersyal na billboard ng Philippine Volcanoes, may panibago nanamang advertisement kung saan makakakita ng mga nakabuyangyang na mga itlog na parang niluluto sa init ng araw. Ngayon naman, ang nasabing larawan ay kay Neil Etheridge ng Team Azkals. (Sa mga kalalakihan, kung hindi kayo kumportableng makakita ng bumabakat na yagbols liban dun sa nakikita niyo pag naka-brip lang kayo, puwede na kayong huminto sa pagbabasa ngayon pa lang)

Kung lalake ka at kaya mong tumingin sa larawan na yan ng mahigit sa 3 segundo ng hindi naiilang, tingin ko kailangan mo ng matinding soul-searching.

Wala ako sa pusisyon para sabihin kung ano ang malaswa o hindi, kaya hindi ko na gagawin yun. Pero ang hindi ko lang maintindihan sa mga advertisers ay kung bakit tuwing meron silang ads para sa brip, puro lalakeng macho ang ginagamit nila. Hindi ba nila alam na hindi effective yun? Iisa-isahin natin kung bakit ah.

1. Pag nakita ko to, hindi ko naman naiisip na “Uy, bukas na bukas rin bibili ako ng brip mula sa Folded & Hung! Baka sakaling bumakat rin ang itlog ko tulad ni Neil Etheridge!” Hindi ko naiisip yun! Ang naiisip ko lang ay “Anak ng tinapa, sabi ko na nga ba hindi talaga ko dapat nag eextra rice e!” tsaka “Shet kadiri, bakat na itlog!”

2. Nakakalimutan ata ng mga advertisers na mga lalake ang bumibili ng brip at hindi mga babae. So anong appeal sakin ng lalakeng nakahubad kung bibili ako ng brip? Edi wala! So sa totoo lang, kung maniniwala tayo na sex sells, buti pa ipasuot mo na lang yang brip na yan sa sexy na babae na umiinom ng beer at may hawak na basketball sa kabilang kamay. Kung hindi maging appealing sa mga lalake yan, ewan ko na lang talaga.

3. Nakalimutan ata ng mga advertisers na hindi lang naman mga bading ang binebentahan nila ng brip. Yung iba ngang bading iba naman ang sinusuot hindi naman brip. Isipin mong mabuti yang sinabi ko at sigurado akong tatango ka at sasang-ayon. Ayoko nang maglagay ng picture nun dito.

(Napansin mo siguro na kanina pa ko gumagamit ng salitang “brip” imbis na “briefs”. Talagang mas masaya lang sabihin ang salitang “brip” kesa sa “briefs”. O baka immature lang ako na bumubungisngis pag naririnig ko ang salitang brip. Hihihi. brip)

4. Hindi ko alam kung anong binebenta ng ad na to. Brip ba o betlog? (Brip. Hihihi) Kase kung brip ang binebenta nito, parang hindi ata magandang klase ng brip ang produktong to. Ang nipis e! Malamang pawisan ka lang lilitaw na kulay ng balat mo diyan e! E kung ganun lang din mag scotch tape ka na lang ng dalawang bond paper sa pwet at ari mo. Nakatipid ka pa!

5. Hindi ko lang sigurado, pero liban sa mga batang nasa elementary, ang alam ko wala nang nagsusuot ng puting brip ngayon. Bakit? Well first of all dahil nga magmumukha kang batang nasa elementary. Pangalawa, dahil mas madaling mag mantsa. (Bibigyan muna kita ng ilang segundo para isipin ang iba’t ibang paraan na pwede siyang mag mantsa. Enjoy.)

6. Sa populasyon ng Pilipinas, siguro 8% lang ang ganyan ang katawan. Hindi makaka-relate ang remaining 92% sa abs ni Neil Etheridge. Alam mo kung kanino sila mas makakarelate? Kay Gary Lising.

Kamukha niya yung matalinong unggoy sa Planet of the Apes pero si Gary Lising talaga yan.

Bakit si Gary Lising? Unang una, hindi kagwapuhan. Pangalawa, malibog. Wala nang pangatlo! Yun na! Halos 65% na ng male population ang tinutukoy nyan e! Yung natitirang 27% either malibog lang o pangit lang. Ngayon isipin mo kung gagawa ka ng ad kung saan naka-puting brip lang si Gary Lising. (Pasensya na sa mga nanananghalian) Nakangisi siyang ganyan. Tapos nakapulupot sa kanya ang mahahabang binti ni Solenn Heussaff. Sabihin mo sakin, hindi ka ba bibili ng ganung brand ng brip? Bibili ka diba?! Anong sinasabi sayo ng advertisement na to? “Oo, hindi ako gwapo pero hindi na importante yun! Pag suot ko tong brip na to, kahit magandang babae magkukumahog!” O hindi ba napaka-empowering nun?

Kaya nananawagan ako sa Bench, Folded and Hung, Hanford, Hanes, Jonels, at kung ano ano pang mga kumpanyang nagtitinda ng brip. Tigilan na ang paglalagay ng mga machong lalake sa mga advertisement ng brip! Kunin niyo si Gary Lising bilang endorser! Hindi niyo na kailangang sabihin nanggaling sakin ang idea. Wag niyo na kong bayaran. Ang gusto ko lang ay gawin niyo to para sa taong bayan. We have suffered enough.


I’m Back!

I’ve decided to start a new blog. Bakit? Well tinatanong mo ba si Picasso kung bakit siya nag pipinta? Hindi diba? Tinatanong mo ba si Mozart kung bakit siya gumagawa ng mga konsyerto? Hindi rin naman. Kaya wag mo nang itanong kung bakit ko naisipang mag blog!

Tindi diba? Biro lang. Ang totoo niyan, namiss ko lang mag sulat. Kulang ang 140 characters ng Twitter kadalasan para maexpress ng maayos ang mga bagay bagay na naiisip ng isang tao. Bakit ba ko huminto sa pagsusulat noon? Wala. Katamaran. Nawalan ng sasabihin. (Naubusan na rin ng jokes sa totoo lang) Nalaos rin ang pagsusulat. Nauso ang Tumblr kung saan nag-rereblog lang ng pictures. Sinubukan kong sakyan, hindi ko masakyan.

(Napansin ko rin na karamihan ng nasa Tumblr ay 13 year old girls na nag rereblog ng mga pictures ng Harry Potter, ni Johnny Depp, o cheesy pictures na pinapatungan ng love quotes. Hindi nababagay sa taong may username na “reypinmoko”. Baka mapagkamalan akong child molester, mahirap na.)

So kung nagbabasa kayo ng mga sinusulat ko noon, alam niyong hindi ko ugaling mag kwento tungkol sa buhay ko. Bihira kong gawin yun. Mas gusto kong pag usapan ang mga bagay na napapanahon at malaki ang importansya sa lipunan natin. Kaya for my first post, pinag-isipan kong mabuti kung anong tatalakayin nating paksa. RH bill? Gasgas. Divorce sa Pilipinas? Meh.

Then it hit me. For my first post, gusto kong bigyang liwanag ang isang salot ng lipunan na matagal na nating nilalabanan.

Clowns.

Payaso.

Boyoyong.

Ronald McDonald.

Ano bang silbi ng mga clowns sa mundo sa totoo lang? Oo alam nating lahat na ang purpose nila sa mundo ay magpatawa. Pero sa totoo lang, nagagampanan ba nila yang trabaho nilang yan? Sino ba sa atin ang natatawa sa clowns? Kung mag susurvey ka ng mga bata sa isang classroom kung sino ang natatawa sa mga clowns at sinong natatakot sa mga clowns, sigurado ako mas maraming natatakot sa clowns. Baka wala pa ngang magtataas ng kamay para sabihing natatawa sila sa clowns e. Sino ba kasing payaso ang nakaisip na okay na idea ang mga clowns? Bilang testament kung gaano katakot ang mga tao sa clowns, subukan niyong i-Google ang salitang “clown” at ang majority ng mga litratong lalabas ay ang gagong to:

Hinahamon kitang titigan yang litratong yan sa loob ng 10-seconds ng hindi napapamura ng isang nanginginig na "putangina!"

Kaya ibagsak ang mga payaso! Sige, pagtawanan niyo ko. Sabihin niyong OA ako. Pag mamayang gabi napaginipan niyo yang si Pennywise, sasabihin niyo tama ako! MUHAHAHAHA!