Bentong Heussaff

YES! Utang na loob “yes” ang sagot sa lahat ng tanong!

Ayon sa mga eksperto (aka Wikipedia), tinatanchang nasa 7,029,000,000 ang kasalukuyang populasyon ng lahat ng tao sa mundo. Sa 7 billion na taong yan, sinasabing 2,267,233,743 ang merong kahit anong uri ng internet access. Puwedeng may internet connection sa bahay, puwedeng pumupunta sa mga internet cafes, at puwedeng makapal lang ang mukha at nagnanakaw ng internet sa wi-fi ng kapitbahay.

Sa kasawiang palad, hindi idiot-proof ang internet. Hindi rin ito pervert-proof. Kaya sa 2 bilyong taong yan, ang masakit na katotohanan ay marami sa mga yan ang hindi dapat binibigyan ng internet access dahil kung ano anong lagim ang hinahasik nila.

Dito sa WordPress, merong function ang bawat blog na malaman ang traffic sa blog nila. Puwede nilang malaman kung ilan ang bumibisita araw araw. Puwede rin nilang malaman kung ano ang mga ginamit na search terms ng mga tao sa Google para mapadpad sa website nila. Kinwento ko na to noon sa entry kong http://reypinmoko.com/2011/11/10/taong-greasy/ pero mukhang napapanahon na para muling balikan ang mga karumal-dumal na search terms na ginagamit ng mga tao. Gaya ng dati, lahat ng ililista ko ay actual search terms na ginamit nila. (Unfortunately)

In no particular order:

1. “pwet na kulubot”

Guys, mag poporno na lang kayo pwet na kulubot pa hanap niyo? Ang daming uri ng pwet sa mundo pwet na kulubot pa talaga?!

2. “anne curtis kita pwet”

Ayan! Much better!

3. “virgin pa ba si anne curtis”

Kung ikaw ba boyfriend ni Anne Curtis tingin mo magtatagal na virgin sayo yun? Lakas ng self-control mo ah!

4. “pano ba mapabilis ang period na babae?”

Either gusto mong malaman kase may period siya at atat ka nang mag sexy time o feeling mo nabuntis mo siya at malapit ka nang bumili ng mga pampalaglag sa Quiapo.

5. “ano ang palabas na sa dibdib lumalabas ang power”

Baywatch.

6. “anong tawag sa gumagalaw na pictures”

umm.. movie?

7. “malibog ako na babae”

Anong Facebook mo? Add kita.

8. “paano kung gusto mong makipag sex kaso wala kang asawa”

Bang Bang Ali para sa walang budget, Air Force One para sa meron. Para sa wala talagang pera, maghanap ka nalang ng rolyo ng tisyu sa bahay tsaka Abante Tonite na tabloid.

9. “anong gagawin kapag ang baby ay may kati”

Kailangan bang i-Google ang sagot na “kamutin”?

10. “litrato ng taong nag mumurahan”

Mga magulang mo kase tumae ka nanaman sa salawal.

11. “kinama ng bayaw”

Parang headline lang sa tabloid ah!

12. “ang saya pag may crush ka, pero mas masaya pag kayo na.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

13. “paano magsalita ang mga 12 years old na babae”

Gamit ang bibig niya. May iba pa bang paraan? Kaya bang mag salita ng pwet mo?

14. “mahal kita pero di moko pinapansin”

 

 

 

 

 

 

 

 

15. “kapag malaki pwet di na virgin”

Tanga.

16. “paano mo malalaman na hanggang friends lang kayo”

kapag maganda siya tapos pangit ka?

17. “miranda tate batman boobs”

 

 

 

 

 

 

 

Sabagay malaki nga naman talaga.

18. “ano ending story batman the dark knight rises”

35 pesos lang ang pirated DVD bumili ka wag kang kuripot!

19. “yung feeling na.. tinatanong ka ng crush mo kung cnu ung crush mo. anong isasagot mo?”

 

 

 

 

 

 

 

 

Gwapo ka e!

20. “bakit kaya ang babae nakakaalala lang kung may kailangan sila sayo”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

21. “80 top pictures na nakahubad na lalaki”

Infairness to you mapili ka ah hindi basta basta picture lang ng hubad na lalaki! Kailangan Top 80 talaga!

22. “pogi pacquiao”

Your search – pogi pacquiao – did not match any documents.

Suggestions:

  • Make sure all words are spelled correctly.
  • Try different keywords.
  • Try more general keywords.

23. “magandang nanay malibog”

I think searching for “MILF” would generate more results. Just a suggestion.

24. “solenn heussaff bakat”

Sorry, ako pala nag search nito.

25. “birong nakakasakit pero totoo”

Maski sarili mong nanay napapangitan sayo.

26. “pinakagwapong lalaki sa buong mundo”

Ako.

27. “bawal condom”

Bawal condom? Ikaw gusto buntis?

28. “naduduwal ako”

Sabi ko sayo ikaw condom e.

29. “magandang babae sa facebook na 11 years old lang”

Kung sino ka man, ipagdadasal na lang kita. *sign of the cross*

30. “Bentong”

Alam niyo bang 1,347 views ng blog ko ay mula sa mga taong naghanap ng picture ni Bentong at napadpad sa site ko? Ang nag search ng “Solenn Heussaff Bakat”? 11 lang. Clearly, mas marami pang tao ang interesadong makita ang makintab na noo ni Bentong kesa sa bakat na utong ni Solenn Heussaff.

At masisisi ba natin sila? Ang cute cute o!

To borrow a line from sports columnist Bill Simmons, “Yep, these are my readers.”


The Gospel According to Manny

"Bliss as o Lord and dis day gips..."

Binigla ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang buong mundo nang sabihin niya sa isang interview kay Korina Sanchez na malapit na siyang mag retiro. Ayon kay Pacquiao, kinausap daw siya ng Diyos sa isang panaginip at sinabing, “You have done enough. You have made yourself famous, but this is harmful.” (Sa kasawiang palad, sa boxing siya pinapatigil ng boses sa panaginip niya at hindi sa pagkanta ng Sometimes When We Touch)

Liban sa pag reretiro sa boxing, sinabi rin ng boses sa panaginip ni Pacquiao na tigilan na ang pagsusugal, pambababae, at ang pagbili ng mga bag kay Jinkee na mas mahal pa kesa sa annual revenue ng Saranggani. (Ah hindi ba sinabi yung last part? Sorry)

Oo, nakakalungkot isipin na darating ang araw na hindi  na tayo makakanuod ng mga laban ni Pacquiao. Nakakalungkot isipin na hindi na darating ang araw na makikita nating putok ang kaliwang kilay at sarado ang kanang mata ni Floyd Mayweather. Pero walang masama sa taong nagbabago para maging mabuti’t marangal. Dapat nga ikatuwa natin yun e. Kaso sa announcement na ito ni Pacquiao, may mga naisip lang ako:

1. So hindi pa talaga sapat na mas mayaman si Manny Pacquiao sa 99% ng mga Pilipino at kailangang kinakausap na rin siya ng Diyos? Napaka-unfair naman! Bakit ba si Manny Pacquiao lang at si Zaijan Jaranilla lang ang kinakausap ng Diyos? Gusto ko ako rin kausapin ng Diyos sa panaginip ko! Makasalanan rin naman ako tulad ni Pacquiao ah! Cute rin naman ako tulad ni Santino ah!

Mas cute pa ko kay Santino pag naka-nganga!

2. On second thought, ayokong kausapin ako ng Diyos sa panaginip ko dahil malamang sasabihin niya lang “Utang na loob, bawas bawasan mo ang kain ng kanin at crispy pata ah! Maawa ka sa katawan mo kasing lapad mo na si Noli Locsin!

Sa masyadong bata para maintindihan ang pop culture reference, eto si Noli "The Tank" Locsin na rumaragasa!

3. Maiintindihan ko kung kayang tumanggi ni Pacquiao sa pagsusugal. Ano ba ang dagdag na P500,000 sa isang bilyonaryong tulad niya diba? Pero malaki ang duda kong kayang talikuran ni Manny Pacquiao ang pambababae. Kung yung mga pangit nga at mga istambay lang nagagawang mambabae e, paano pa kaya kung ikaw si Manny Pacquiao? Tingin niyo ba hindi nilalapitan ng mga Playboy Playmates yan tuwing nasa Las Vegas siya? Tingin mo ba hindi papatulan yan ng Victoria Secret model kahit pa barok siya mag english? His current net worth is estimated to be at P1.134 billion (a figure that most people believe is understated). Kung papapiliin mo si Playboy Playmate kung sinong mas papatulan niya, si Derek Ramsey o si Manny Pacquiao tingin mo ba isasagot niya si Derek? Walang gwapo gwapo kung bilyones na ang pinag-uusapan!

Pag napaluputan ulit ng ganyan sa Las Vegas yan maniwala kayo sakin hindi na makakatanggi yan!

4. Hindi pa puwedeng mag retiro si Manny Pacquiao dahil wala pa tayong ipapalit na public figure na puwedeng ipagmayabang sa mundo! Pero para hindi niyo naman isipin na gago lang ako na bato ng bato ng problema pero walang solusyon, may suggestion ako. Hindi ba niya puwedeng i-train muna mag boxing si Charice Pempengco bago siya mag retire? Para pag may laban si Charice, siya kakanta ng national anthem tapos diretso na siya sa laban! Pag nag guest siya sa David Letterman, hindi tayo mahihiya pag bumirit siya! I think we all agree that this is a good idea. You’re welcome.

Hihingalin si Marquez sa kakasuntok sa matatabang pisnging yan.

5. Kung tayo nalulungkot sa pag reretiro at pagiging good boy ni Pacquiao, hindi ko alam kung anong nararamdaman ng sinasabing laging kasama ni Manny Pacquiao sa pag googood time na si Chavit Singson. Hindi ako magugulat kung gabi gabi tinatawagan ni Chavit si Manny para sabihing, “Manny, punta ka dito may papakilala ako sayong Brazilian model. Daniel Matsunaga? Hindi yon ano ka ba! Basta okay to maniwala ka na lang sakin. Next year ka na magpakabait sulitin muna natin to!

Hindi ba magandang idea para sa TV show na magkaron ng nationwide search para sa bagong kainuman ni Chavit? Titingnan ng mga contestants kung kaya nilang sabayan si Chavit? What are the chances na sasali si Baron Geisler? Ako lang ba ang gustong makanuod nun? Imposibleng ako lang!

Dahil may pagpapahalaga ako sa buhay, wala na akong ibang Chavit jokes.

Walang duda, kung totoo nga tong sinasabing pagbabago na ito ni Pacquiao, napaka-relihiyoso na niyang tao. Dati na siyang relihiyoso pero mas relihiyoso na siya ngayon kase mahirap talikuran ang limpak limpak na salapi na walang kahirap-hirap dahil lang tingin mo masama manakit ng kapwa diba? You’re at your physical peak, you’re at the top of your game. You’re widely regarded as the best in the world. Mahirap talikuran yan. Kaya nga si Michael Jordan 3 beses nag retiro at 2 beses bumalik sa basketball e.

Pero kung tingin niyo relihiyoso si Manny Pacquiao, merong mas relihiyoso kesa sa kanya.

Sino?

Si Floyd Mayweather Jr.

Bakit?

Kase sa wakas natupad na ang matagal niyang dinadasal na mag retiro na si Pacquiao para hindi na siya magulpi at matawag na duwag ng 90 milyong Pinoy sa lahat ng panig ng mundo.

THANK YOU, LORD!


Miriam

Ang mukhang lumalabas sa mga bangungot ni Niel Tupas.

Maglaro tayo ng kaunti. Kunwari abogado ka. Pagkatapos ng ilang taong pagsusunog ng kilay at pag-inom ng mahigit kumulang na 5,000 tasa ng kape, nakag-tapos ka sa magandang paaralan. Pagkatapos ng ilang buwan pa ulit na magpupuyat, pumasa ka ng bar exams at nakuha mo ang lisensya mo. Sa puntong ito, mukha ka na sigurong panda dahil sa kapal ng eyebags mo. Yung pawis mo, hindi na maalat. Mapait kase naglalasang kape na. Pero hindi na importante yun. Ang importante nagbunga ang pinaghirapan mo.

Ang dami mo nang kasong hinawakan. May mga natalo, pero marami naring napanalo. Sa puntong to pamilyadong tao ka na. Marangya na ang buhay mo at kumportable ka na. Siguro kahit papano masasabi mong kilala na ang pangalan mo. Naisip mong tumakbo bilang kongresista sa distrito mo at nanalo ka. Ginagalang ka ng mga tao sa distrito mo. “Congressman” ang tawag ng lahat sayo. Sa puntong ito, may mga anak na rin ang mga anak mo at “lolo” naman ang tawag nila sayo.

Nung ma-impeach si Chief Justice Renato Corona, kinuha ka o nagprisinta ka para sumali sa panig ng prosecution. Gustuhin mo man o hindi, bahagi ka na ng isa sa mga importanteng yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Dahil dito, mapapanuod ka ng buong bansa sa telebisyon. Maririnig ang bawat salitang bibitawan mo, pati ang pagkakamot mo ng ilong mapapansin. Sa kasawiang palad, mapapanuod rin ng buong Pilipinas na tinawag kang “Gago” ni Sen. Miriam Defensor Santiago. Mapapanuod ng asawa mo, ng mga anak mo, ng mga apo mo, pati nanay at tatay mo.

Anong gagawin mo?

A.) Tatahimik, yuyuko, at ngingiti.

B.) Magtatakip ng tenga

C.) Sasabihan si Miriam na “Wala kang karapatang murahin ako. Hindi ako batang paslit. Parehas tayong nakapag-aral, parehas lang tayong hinalal ng taong bayan, hindi ka mas mataas sakin.”

Kung ang sagot mo ay either A or B, bilib ako sayo dahil mas magaling kang tao kesa sakin.

Sabihin niyo nang may kapalpakan ang prosecution kaya laging nasesermonan. Sabihin niyo nang may karapatan si Miriam na mag salita ng ganun sa korte bilang senator-judge siya. Pero tingin ko higit sa lahat ng yan, merong karapatan ang bawat tao na mabigyang galang. Mga sibilisado tayong tao, hindi ba puwedeng magkaroon ng sibilisadong talakayan? Walang sigawan, walang nang iinsulto, walang namamahiya, at higit sa lahat walang murahan.

The winner of the Ben Tisoy look-alike contest is none other than... Jejomar Binay!

Nung nagtakip ng tenga si Vitaliano Aguirre habang sinesermonan ni Miriam Santiago, Sinabi ni Miriam na binastos daw siya nito. Pagkatapos niyang insultuhin, pahiyain, at murahin ang prosecution ng ilang sunod na araw, nakakatawang siya pa ang nagrereklamong nabastos siya.

Oo, magaling si Miriam. Hindi ko nasusundan ang mga panukalang batas niya at lahat ng kontribusyon niya sa senado pero naniniwala ako na kung kay Lito Lapid lang, di hamak na mas may kabuluhan ang pagiging senador niya. Maraming natutuwa sa kanya dahil sa taray at tapang niya. Pero isipin natin, tama ba talaga yun? Ganito ba ang gusto natin sa ating mga pulitiko? Mga taong matatalas ang dila at namamahiya? Kung ganito ang trato niya sa mga kapwa niya halal, ano pa kaya ang trato niya sa mga maralita, sa mga taong tingin niyang “mas mababa” kesa sa kanya?

Pero ganyan kaya si Miriam on a daily a basis? Kasi kung talagang ganyan siya parang nakakapagod e. Isipan natin ng sitwasyon. Isipin mo kung kunwari kumain siya sa KFC at umorder siya ng fried chicken. Gusto niya ng hot and crispy pero original recipe na lang ang meron.

KFC Cashier: Maam, I’m sorry pero wala na po kaming hot and crispy. Original recipe na lang po okay lang?

Miriam Defensor Santiago: WHY… YOU… FUNGUS-FACED NINCOMPOOP!!! I AM IRATE! I AM FOAMING AT THE MOUTH! I’M HOMICIDAL! I’M SUICIDAL! I’M HUMILIATED, DEBASED, AND DEGRADED!  I REPRESENT THE MAJESTY OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES! YOU HAVE THE OBLIGATION TO PROVIDE ME THE CHICKEN I ORDERED! ANO BANG KLASE ITO, BAKIT HINDI KAYO HANDA?

(At this point hindi lang luha ang tumutulo sa babaeng kausap niya, pati uhog nasa labi na)

KFC Cashier: Maam, I’m very sorry po pero…

Miriam Defensor Santiago: SHUT UP OR I’LL BASH YOUR TEETH IN!!!

Ang stressful diba?

(On second thought, hindi ba tayo puwedeng magkaron ng reality show na sinusundan lang natin si Miriam buong araw at inaabangan lang ang random outbursts niya? Wouldn’t that make for good television? Walang sinabi ang mga bangayan at sabunutan sa Face 2 Face ni Amy Perez!)

Nung Disyembre, nakuha si Miriam Defensor Santiago bilang justice sa International Criminal Court. Siya ang unang Filipino na naupo sa ganitong pusisyon. Walang duda, ito’y malaking karangalan para sa ating bansa. Dapat nating ipagmalaki ang nagawang ito ni Sen. Santiago. Pero hindi maalis sa isip ko ang posibilidad na darating ang araw na andun na siya, nahaharap sa kung sino mang nasasakdal, mag ngangangawa sa harap ng buong mundo, iniinsulto at tinatawag na “fungus face” o “nincompoop” ang mga taong nandoon. Hindi kaya mapahiya ang Pilipinas?

Hindi ba puwedeng si Lito Lapid na lang ang ipadala natin dun? Hindi ba natin sila puwedeng kumbinsihin pag sinabi nating, “Oo parang pipi yan pag nag iinglesan na pero magaling tumambling yan ah!” Isama narin natin ang kayamanan ng Philippine cinema na si Mark “Saging lang ang may puso” Lapid!

Utang na loob sa inyo na! Sa inyo na at wag niyo nang ibabalik samin!


Panday ng Ina Mo, Enteng

Taon-taon sa huling linggo ng December ay naglalahong parang bula ang mga Hollywood movies sa mga sinehan at napapalitan ng mga pelikulang Pinoy. Para sa mga hindi nanunuod ng mga Pinoy movies, ito ang pinakamasaklap na linggo sa buong taon ng panunuod ng sine.

(Para sakin, pinakamasaklap pa rin nung nagkaron ng isang linggo na Breaking Dawn lang ang palabas sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas. At malamang mangyayari ulit ang trahedyang ito kapag pinalabas na ang Breaking Dawn 2. Para narin nilang ipinagbawal ang mga lalake sa mga sinehan tuwing ginagawa nila yan. Sana magkaron ng isang buong linggo na The Expendables 2 lang ang palabas. Makaganti lang)

Gaya nga ng sinasabi ng mga kabataan ngayon: FML.

Pero bakit nga ba may MMFF? Ginagawa ito dahil buong taong bugbog sarado ang mga pelikulang Pinoy sa mga Hollywood films. Nung 1970-80s sa panahon ng mga tanyag na direktor tulad nila Lino Brocka at Ishmael Bernal, nasa 300 ang pinapalabas na pelikulang Pinoy sa mga sinehan. Nung 2011? 24 na lang. Kung wala ang MMFF, puro pelikula na lang ni John Lloyd at ni Budoy ang mapapanuod mo. Kaya tuwing panahon na ng Metro Manila Film Festival, pwersahan ang labanan.

Gaya ko, siguro gusto mong manuod ng isa sa mga pelikula sa MMFF. Pero tulad ko, hindi mo rin alam kung anong papanuorin. Kaya para sa mga hindi makapili ng papanuorin, hayaan nyong maging gabay ang film reviews na gagawin ko. Ang film reviews ng isang taong wala pang napapanuod na pelikula sa MMFF. Bakit kamo? Aba mahal na ang bayad sa sine ngayon ah. Hindi pwedeng magkamali sa pagpili!

Simulan natin sa:

Enteng ng Ina Mo

Nung una kong narinig na may ganitong pelikula ang una kong naisip ay, “Nampucha naman, wala na ba silang ibang maisip?!” Sigurado ako hindi lang ako ang nag-isip nun. Pero alam mo ba kung anong highest-grossing film sa MMFF ngayon so far? Enteng ng Ina Mo. Nandiri-diri pa tayo nung una sa idea pero kaputok-putok papanuorin rin pala natin. Last year, ang top-grossing local film ay Ang Tanging Ina Mo na may 147 million. Ang pangalawa? Si Agimat at si Enteng with 145 million. Akala mo lang hindi nag-iisip ang mga gumawa ng pelikulang to pero sa totoo lang, sila ang magaling e. With 91 million so far, siya ang pinakamalaki ang kinita sa MMFF. Pumapangalawa lang ang Panday 2 with 51 million. Last year 2 million lang ang agwat ng 1st and 2nd. Ngayon 40 million na. Sa nakaisip ng Enteng ng Ina Mo, humihingi ako ng paumanhin. Nakakadiri ka pero ang galing mo.

At dahil kumita ang pelikulang to, asahan niyo na magkakaron ng isa sa mga pelikulang to sa mga susunod na MMFF: Enteng ng Ina Mo Rin; Enteng ng Ina Nating Lahat; Mano Po, Enteng; Enteng ng Ina Mo, Panday. (Bakit hindi niyo pa pagsamahin yung tatlo diba?)

(Maraming nag react violently nung nalaman nilang may relasyon si Vic Sotto at Pauleen Luna. Ang tanda na daw ni Vic para kay Pauleen Luna. Pero alam mo kung anong mas kontrobersyal kung nagkataon? Kung naging si Vic Sotto at Aiza Seguerra. Ngayon naniniwala na ko sa kasabihang “everything happens for a reason.” Nagpapasalamat ako na naging lesbiana si Aiza. Hindi ata kaya ng sikmura ko kung naging sila ni Vic Sotto)

Ang Panday 2

Two weeks ago lang ang working title nitong pelikulang to ayon sa ClicktheCity ay Ang Panday 2: Ikalawang Yugto. Sa awa ng diyos may nakaisip siguro sa kanila at sinabing, “Teka… Ang Panday 2: Ikalawang Yugto? Parang mali ah. Hindi ba redundant yun?” kasi pinalitan nila yung title. Buti na lang, kasi para kang nagpangalan ng pelikulang “Harry Potter 2: Book 2” Medyo tanga pakinggan diba?

Sa trailer ko pa lang napapanuod to at aaminin ko nabilib ako sa graphics. Parang pinaghalong Lord of the Rings, Eragon, at Clash of the Titans ang itsura. Pero tutal gagastos na lang rin sila sa CGI, hindi ba nila puwedeng ayusin ang make-up ni Philip Salvador? Mukha siyang Ronald McDonald na kumain ng adobong pusit e.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit taon taon may pelikula tong si Bong Revilla. Hindi ka ba busy sa pagiging senador? Hindi ba full-time job yan? Ewan ko ha, pero kung sakin lang kung senador ka na, tigilan mo na yung ibang trabaho mo. Malaking katungkulin yan. Umaasa sayo ang bayan. Hindi mo ba igugugol ang lahat ng oras mo sa trabaho mo kung may ganyan kang klaseng responsibilidad? Bakit nakikipag-espadahan ka pa kay Ronald McDonald?

Shake, Rattle, and Roll 13

Shake, Rattle, and Roll 13. 13. Trese. Hanggang anong numero kaya sila aabot? Habang nag bbrainstorm sila para sa mga pelikulang isasali nila sa MMFF wala bang nagsasabi na, “Teka, nakaka-12 na Shake, Rattle, and Roll na tayo baka nagsasawa na ang mga tao. Ibahin naman kaya natin?” Kung meron man tingin ko may sasagot ng, “Pare naman, nakakatamad e! Okay na yan, Shake, Rattle, and Roll na lang ulit! Pag-iisipin mo pa ko ng bagong title e!”

At bakit parang nasa background ng poster nila si Ronald McDonald na kumain ng adobong pusit? Wala na bang image na puwedeng ilagay? Nagtitipid?

(Naniniwala ako na isa si Maricar Reyes sa mga pinakamagandang artista sa pelikulang Pilipino ngayon. Kaya ayokong panuorin tong pelikulang to. Tingin ko masisira lang ang mga paniniwala ko sa buhay e. Sa poster pa lang tumutulo na ang uhog ni Maricar Reyes e. Sisirain niyo si Maricar Reyes para sakin! Hindi ako makakapayag! Hindi siya nasira sakin nung lumabas ang sex tape niya at ng nag suot siya ng wig na nag mukhang may patay na Shih Tzu sa ulo niya para sa pelikulang Miss You Like Crazy. Pero ibang usapan na pag may mga tumutulo nang uhog!)

Segunda Mano

Hindi ko alam kung anong gustong sabihin ng poster ng pelikulang to. Nagpahiran ba sila ng lipstick sa mukha? Naaksidente ba sila at nauntog si Kris Aquino? Nagsampalan ba sila ng gamit na napkin? Hindi ko talaga alam.

Hindi ko rin alam kung bakit ka manunuod ng pelikulang si Kris Aquino ng bida. Nanunuod ka ba ng pelikula dahil gusto mo talagang makakita ng bad acting? Pinaparusahan mo ba ang sarili mo? Hindi ko maintindihan.

(Kung napanuod mo na ang Segunda Mano, huhulaan ko na iisa lang ang expression ni Kris Aquino sa pelikulang yan. Yung “constipated” look. Parang hindi matae na hindi mo maintindihan. Sa poster pa lang ganun na ang expression niya e. Nagugulat ako na wala pang lumalapit sa kanya para maging endorser ng Diatabs o Imodium)

My Househusband

Sa pelikulang to, gumaganap sila Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bilang mag-asawang may marital problem. Soooo… anong pinagkaiba niyan sa Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo? Talagang taon taon na lang ang roles nila ay mag asawang may marital problem? Hindi ba sila pwedeng maging mag asawang minumulto ng antique na aparador? Hindi ba sila pwedeng maging mag asawang nakilala ni Enteng? Hindi ba sila puwedeng maging mag asawang kinakalaban ni Panday? Kung tuwing Pasko ka lang manunuod ng pelikulang Pilipino, iisipin mo siguro na ang mga artista lang sa Pilipinas ay sila Vic Sotto, Bong Revilla, Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo at ang mag asawang Juday at Ryan.

(Speaking of Eugene Domingo, it’s worth mentioning na tatlo ang pelikula niya sa MMFF. Ibig sabihin sa 7 pelikula na puwede mong panuorin, kalahati dun mapapanuod mo si Eugene Domingo. Bakit? Mabenta kasi si Eugene Domingo e. Magaling na aktres na puwede sa comedy, drama, o horror. Ewan ko lang kung kaya niya mag action. Nasa Asiong Salonga ba siya? Hindi naman siguro siya gumugulong gulong dun at nakikipagbarilan noh? Hindi ako magugulat kung andun din siya. Pero magtataka ka kung bakit siya na lang lagi. Wala na bang ibang artistang versatile ngayon sa showbiz? Baka pagtagal ma-umay na ang mga tao dahil halos lahat na lang ng pelikula andun si Eugene Domingo)

Yesterday, Today, Tomorrow

So far sa ticket sales, ang Yesterday, Today, Tomorrow daw ang pinakakulelat. Naghahabulan lang sila ng Asiong Salonga. Alam mo kung bakit? Kasi drama to e. Walang gustong nalulungkot kapag Pasko. At kadalasan pag Pasko, kasama mo ang buong pamilya para manuod ng sine. Kasama mo ang mga bata. Ngayon isasama mo ba ang mga anak mo para panuorin si Maricel Soriano at si Gabby Concepcion na nagbabatuhan ng paso at baso? Hindi pa ba sapat na nakikita nila sa bahay yun? Pero siyempre, kailangan rin ng mga pelikulang ganito. Hindi naman puwedeng puro Enteng Kabisote at Panday lang ang mga pelikulang pinapalabas sa MMFF. Siyempre merong “obligatory drama movie” for variety. Parang kung ano ang Mano Po noon sa mga nakaraang film festivals.

(Nakakalungkot mang aminin pero hindi sapat ang mahahabang legs ni Solenn Heussaff para ibenta tong pelikulang to. Nakakalungkot kase kung hindi ka manunuod ng pelikula dahil sa legs ni Solenn Heussaff, bakit ka pa ba manunuod?! Kung magkaron ng pelikula kung saan hinahanap ni Enteng ang mahiwagang legs ni Solenn Heussaff, hindi mo ba papanuorin? Mukhang wala siyang sense na pelikula pero limang ulit ko siguro siyang papanuorin)

Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga

Sa lahat ng pelikula sa MMFF, ito ang pinakahinahangaan ng mga critics. Sa katunayan, ito ang nanalo ng Best Picture para sa MMFF 2011. Binigyan rin to ng A rating ng MTRCB. Sa mga hindi nakakaalam, malaking bagay ang mabigyan ng A rating dahil malaki ang subsidy na binibigay sa mga pelikulang ito. Isang incentive ito ng MTRCB para gumawa ang mga Pilipino ng mga kalidad na pelikula. Sa lahat ng mga pelikula sa MMFF, ito ang pinakamalamang kong papanuorin. Maraming viewers ang nagsasabi na maganda daw ito. May mangilan-ngilan rin namang film reviews na nagpapatotoo nito, may mga kapintasan nga lang daw.

Alam mo anong pumipigil saking panoorin to? Si Jeorge Estregan. Hindi ko alam kung kaya kong panuorin si Jeorge Estregan ng dalawang oras e. Hindi ko alam kung kaya kong sikmuraing makita siyang hinahalikan si Carla Abellana. Una sa lahat, bakit ba kasi kailangang siya ang bida? Well, siya kasi ang producer. Pero hindi sapat na rason yun e! Bakit kailangang siya ang bida? Hindi ba puwedeng si Robin Padilla na lang? O kahit si Cesar Montano. Yung action star sana na kapanipaniwala na action star. Hindi yung mukhang hihingalin pag nakipaghabulan sa mga pulis.

At kung parehas tayo ng kinalakihang kabataan, malamang kilala niyo si Jeorge (George, Jorge, ang daming spelling ng pangalan akala mo si Gadhafi) bilang si Sputnik sa mga pelikula ni Bong Revilla. Siya yung naka-Mohawk na laging labas ang dila na inuupakan ni Bong Revilla. Kahit maging governor pa siya, kahit maging presidente pa siya ng Pilipinas, kahit tawagin pa niyang E.R. Ejercito ang sarili niya, siya pa rin si Sputnik para sakin.

So nakapili ka na ba ng papanuorin? Hindi pa rin? Kung hindi pa wag kang mag-alala, abangan mo na lang yung susunod na MMFF. Nabalitaan mo na ba ang line-up sa susunod na MMFF? Eto sila:

Enteng ng Ina Mo Rin

Ang Panday 3: Ikatlong Yugto

Shake, Rattle, and Roll 14

Random Kris Aquino Horror Movie

Budoy: The Movie

Emilio Aguinaldo (starring Jeorge Estregan Jr.)

Praybeyt KimmyDora (starring Eugene Domingo and Vice Ganda)

Juday-Ryan Film Kung Saan May Marital Problem Sila Ulit

Obviously hula ko lang yan. Pero pustahan tayo kalahati diyan tama. Alam ko lahat tayo gusto ng mas mataas na kalidad ng pelikula tuwing MMFF. Pero sa totoo lang, hindi naman porke’t hindi pang Best Foreign Film award sa Academy Awards ang mga pelikulang ito ang ibig sabihin ay hindi na sila dapat panuorin. May rason kung bakit gumagawa tayo ng mga pelikulang ganyan. Ginagawa natin ang mga pelikulang yan kase may tumatangkilik. Kase minsan, gusto lang natin mag relax at matawa sa mga jokes ni Vic Sotto. Dahil gusto nating makita si Judy Ann at Ryan na nag-aaway kung sinong maglalaba. Dahil kahit mukhang laging may LBM si Kris Aquino, gusto nating magulat at matakot sa mga multong humahabol sa kanya. At sa totoo lang, walang masama dun. Walang masama na minsan sa isang taon ay tangkilikin natin ang sariling atin.

Tutal kung kaya mong sikmurain ang Twilight, bakit hindi si Kris Aquino?


Cellmate Gloria Macapagal Arroyo

Bagong profile pic ni GMA sa Facebook.

Kung nanunuod ka ng news at may kahit katiting na pakialam sa mundo, nabalitaan mo na sigurong inaresto si Cong. Gloria Macapagal Arroyo para sa kasong electoral fraud. Ilang araw bago nangyari yun, nagkaron ng aberya sa NAIA I nang pigilan ng gobyernong umalis ang mag asawang Arroyo papuntang Hong Kong. Nang hingan ng statement, sinabi ni President Noynoy Aquino na hindi na daw kailangang mag Hong Kong ng mag-asawang Arroyo dahil may Ocean Park naman sa Roxas Boulevard. (Hula ko lang na yun ang sinabi niya)

Ex-president na may sakit? O ninja na naka-wheel chair?

Nung mga panahong nagtatangkang umalis ang mga Arroyo, pumutok ang Twitter sa samu’t saring opinyon ng mga tao. May mga masama ang loob na parang makakatakas na ang mga Arroyo at hindi na mananagutan sa mga kasalanan nila. Meron namang mangilan-ngilan na naaawa kay GMA at binabatikos ang gobyerno dahil wala daw itong awa.

Pagkatapos ng 2 araw, bumoto ang COMELEC para kasuhan ng electoral fraud si GMA. Siyempre, nag reklamo nanaman ang mga tao. Bakit daw ang bilis. Minadali naman daw ng administrasyon. (Sa totoo lang, dapat naman talagang mabilis ang proseso hindi ba? Masyado lang tayong nasanay sa mabagal) Sa pangalawang beses sa kasaysayan ng Pilipinas, inaresto ang dating presidente ng bansa.

Ex-Pres. GMA nang arestuhin sa St. Luke's

Nagpapanggap ba si GMA tungkol sa sakit niya? Pinapalala lang ba niya? Tama bang hindi siya pinayagang umalis ng bansa? Totoo bang pumunta si Mikey Arroyo sa LA para manuod ng premiere ng Twilight?  Team Jacob kaya siya o Team Edward?

Wag niyo akong tanungin kase hindi ko alam! Pero eto ang mga bagay na alam ko:

1. Kahit makasuhan si GMA, tiyak ako na mabibigyan rin yan ng pardon eventually. Ganyan ang pulitika satin e. Ngayon kung naniniwala kang may sala siya sa taong bayan o ikaw si Susan Roces, papayag ka ba nun? Para mas mapabilis ang proseso dapat ibalik na lang natin ang trial by ordeal parang nung pre-Hispanic times. Ang pinakamagandang gawin ay itali si GMA sa puno ng niyog, buhusan ng arnibal at pakagat sa mga malalaking pulang langgam. Yung mga antik kung tawagin. Kung mabuhay siya, edi not guilty! At least nakakuha tayo ng hustisya kahit papano.

2. Talaga namang may sakit si GMA. Hindi nga lang natin alam kung gaano talaga kalala. Sabi ng karamihan pinapalala lang daw niya. Talaga naman daw naka-neck brace si GMA pero matagal na niyang tinanggal yung Minerva brace na pinakitang suot niya sa mga litrato. Gusto niya kasing ipakita sa DoJ at sa Korte Suprema na may rason talaga siyang mag pagamot sa ibang bansa. Hindi natin alam kung totoo talaga yun, pero pano kung hindi? E nag pakita na siya ng mga litrato na yan ang suot niya e. Pag punta niya sa airport ganyan rin ang suot niya. Para maniwala tayong may sakit talaga siya, kailangan suot niya yan tuwing makikita siya ng publiko! Kailangang panindigan yang “kabayong pangarera” na look na yan!

Lamp shade at bumbilya na lang ang kulang pwede nang decoration sa bahay.

3. Ewan ko sa inyo pero na-iilang akong pinag-uusapan ng lahat ang itlog ni Topacio. I’m sorry pero hindi kami close. Ito naman kasing si Topacio,  sinabing ipapaputol niya yung itlog niya kung hindi bumalik ang mga Arroyo. Pare naman, sa lahat ng puwede mong ipusta, bakit yung itlog mo pa? Dadalawa lang yan e! Hindi ba puwedeng isa na lang sa mga daliri mo? Kahit yung maliit na daliri mo na lang sa paa wala namang gaanong silbi sayo yan e! Hindi mo naman puwedeng pangulangot yan. Bakit kailangang itlog mo pa?!

Ang may-ari ng pinakasikat na itlog sa buong Pilipinas.

4. Nung highschool ako nung laban ng Lakers at Pistons sa NBA Finals, marami sa mga kaibigan ko ang fan ng Pistons. Siyempre ako die-hard na Laker fan diba? With Kobe, Shaq, Karl Malone, and Gary Payton there was no way na matatalo ang Lakers dapat diba? Yun ang iniisip ko nun. So sa kainitan ng trash talk, with all confidence sinabi ko sa lahat na, “Ipupusta ko ang kaliwang itlog ko sa Lakers-Pistons na to!” Anong nangyari sa Game 1? Talo ang Lakers. Sabi ko, “DOUBLE OR NOTHING!” Anong ending? Pistons ang nag champion. Ngayon every once in a while sinisingil ako ng mga kaibigan ko sa utang kong itlog sa kanila. Ano ang lesson dito? Wag ipupusta ang sariling itlog.

5. Tancha ko sa gitna ng kaguluhang to, nakahinga ng maluwag tong si Topacio e. Tiyak namang hindi babalik ang mga Arroyo kung umalis e! Napugutan ka pa ng itlog kung nagkataon. Kaya may conflict of interest rin e diba? Kung nakataya na yung itlog mo, iisipin mo pa ba ang best interest ng kliyente mo? Kung ako nasa sitwasyon niya siyempre mas matimbang para sakin ang itlog ko kesa kay GMA! (Pero wag na nating pag usapan ang itlog ko)

6. Kahit binigyan ng TRO ng Supreme Court ang hold departure order sa mga Arroyo, pinigilan pa rin ni DoJ Sec. Leila De Lima na umalis sila GMA. Dahil dito, ang daming nagsasabi na ang tapang ni De Lima. May mga tao ring pinupuri ang “bayag” ni De Lima dahil sa ginawa niya. Ewan ko ha, it’s one thing na masabihan ka na matapang kang babae. Pero para masabihan kang babaeng may bayag? Ano kayang pakiramdam ni De Lima tungkol dun? Parang hindi ka gaanong matutuwa e.

Pag pinutol ang itlog ni Topacio, ilalagay to sa mesa ni Leila De Lima. Nakalagay sa garapon at lumulutang sa arnibal.

 7. Alam mo kung sinong pinaka-ayaw na makulong ang mga Arroyo? Ang buwayang si Lolong. Kasi pag nakulong si Mike Arroyo, hindi na si Lolong ang “biggest crocodile in captivity”.

"Galingan mo, Mike!"

8. Sabi ni Ping Lacson sa interview, nakakaawa daw si GMA kase walang naaawa sa kanya. Kung tutuusin, totoo naman. Sa poll ng ABS-CBN tinanong nila kung mali bang inaresto si GMA, 80% said no. Pero kung ako kay Ping Lacson, hindi na ko maglalakas loob na magsalita. Hindi ba may kaso ka rin sa pag patay ng tao? Tapos anong ginawa mo, tumakas ka diba? Hindi ka malinis.

9. Ano kaya kung talagang nagsasabi naman pala ng totoo si GMA noh? Tapos biglang natuluyan. Siguro makokonsensya tayong lahat sa mga pinagsasasabi natin. Lalo na ako. Hiniritan ko ng hiniritan e. Gloria wag ka munang mamamatay please! Hindi kakayanin ng konsensya ko!

10. Nung presidente pa si GMA at kainitan ng “Hello Garci” scandal, binabatikos siya ng mga kritiko sa kaliwa at kanan. Isa sa mga yan? Ang dating pangulong Corazon Aquino. Dahil tusong matsing si Gloria, inungkat ulit ang isyu ng Hacienda Luisita para bweltahan si Cory. (Which is fine kasi talaga namang dapat na magkaron ng resolusyon tungkol sa matagal nang isyu ng pang-aapi at pag patay sa mga magsasaka) Pero ang pinaka-matindi niyang ginawa? Binigyan ng pardon ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Ninoy. Wrong move. Hindi niya inasahan na magiging susunod na presidente si Noynoy. Ngayon nagtataka kayo kung bakit mainit na mainit si PNoy kay GMA? There’s your answer. It’s business AND it’s personal.

Hanep sa pose, pang Mr. Pogi!

Kung may mga aral tayong mapupulot dito, (liban sa pagpupusta ng sariling itlog) that is to quit while you’re ahead. A few months ago kung umalis si Gloria, hindi na dapat niya pinoproblema to. As a matter of fact, a few months ago nakakalabas labas pa siya ng bansa. Pero hindi. Nag decide siyang tumakbo for Congress. Para saan? Para sa immunity? Dahil umaasa kang magkakaron ng charter change at puwede kang maging prime minister? Tingin ko hindi niya inaasahang tutuluyan siya ni PNoy e. E kaso mali siya.

Nakakatawang isipin na ganito na ang kalagayan ng dating pangulo ng Pilipinas na si GMA, na dating kilala bilang mataray at mapangdusta. Kung si Erap nung nakulong, nagkaron pa ng EDSA 3 at pinagtanggol ng mga supporters niya. Muntik pa ngang manalo sa eleksyon e diba? Kahit sabihin mong ganun siya, may nagmamahal at sumusuporta kay Erap. Kay Gloria ba sino? Si Prospero Pichay?

Ang isa pang aral na mapupulot natin sa nangyari kay Gloria? Karma’s a bitch. Or in GMA’s case, she’s karma’s bitch.


Manny Knows

   

Kung parehas tayo ng napanuod nung Sunday, malamang akala niyo nanalo si Marquez. Aaminin ko ako mismo akala ko panalo si Marquez. (For the record, tingin ko siya rin dapat ang nanalo nung pangalawang laban nila.) Kaya ang laking ginhawa para sa nakararami, kasama na rin ako, nung sinabing si Manny ang nanalo. Hindi ko alam kung paano nangyari yun sa totoo lang. Sinasabi ng karamihan na niluto daw. Kung natalo si Pacquiao kay Marquez, siguradong hindi na matutuloy ang laban nila ni Floyd Mayweather. Dubbed “the biggest fight in boxing history”, malaki ang mawawala sa kampo ng Top Rank, Golden Boy Promotions, at sa ekonomiya ng Las Vegas kung hindi matutuloy ang laban.

(Sinasabing sa bawat laban daw ni Pacquiao, daang milyong dolyares ang pumapasok sa Las Vegas dahil sa mga turista, fight fans, high-end gamblers at kung ano ano pa. Kasama na diyan ang income na magegenerate sa pag kain ng mga tao sa restaurants, bayad nila sa hotels, mga natalo sa casino, at pag bibigay ng tip at bayad sa mga “kalapating mababa ang lipad”. Ngayon isipin mo na lang kung anong epekto ng laban ni Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas pag nagkataon. Tindi diba?)

Sinasabi naman ng iba na based sa CompuBox, (isang automated program na nagbibilang ng mga binato at tumamang suntok) sa bilang na 176 laban sa 138, mas marami talagang suntok si Pacquiao kesa kay Marquez kaya tama lang na siya ang nanalo. Liban sa dalawang argumentong yan, marami pang mga paliwanag ang nagkalat sa internet kung bakit ganun o hindi dapat ganun ang naging resulta. Sa totoo lang, mahirap talagang sabihin kung sinong dapat na nanalo. Pero kahit sino sa dalawa ang tingin mong nanalo, sigurado akong walang nakahula na sa ganun magtatapos ang laban. 7-1 favorite si Pacquiao laban kay Marquez sa laban na yun. Ibig sabihin kung tataya ka ng $100 kay Marquez, mananalo ka ng $700. Kung tumaya ka naman ng $700 kay Pacquiao, $100 lang ang panalo mo. (Hindi ako nag susugal so hindi ko alam kung tama yan pero yan ang intindi ko)

Hindi ako boxing analyst, so hindi na ko dadagdag pa sa milyon-milyong mga Pilipino na biglang naging boxing analysts. Pero may mga “analysis” ako sa laban na hindi naman talaga tungkol sa boxing.

Eto sila:

1. Kung nakasalalay sayo ang buhay ng sambayanang Pilipino at kailangan mong pumili, sinong pipiliin mo?

A.) Si Mommy Dionisia

Teka naduduwal ako...

B.) Si Madam Auring

BLEAAAARGH!

C.) “Sorry pero mamatay na lang tayong lahat!”

Pero bago ka sumagot, tandaan mo na nakasalalay sa desisyon mo ang buhay ng milyon-milyong mga inosenteng Pilipino. Ngayon ka pa ba magiging makasarili? Nasa sayo naman yan kung kaya ng konsensya mo.

2. Nalulungkot ako para kay Juan Manuel Marquez dahil natalo nanaman siya. Pero masaya ako para sa kanya kase this time, hindi na siya umiinom ng sariling ihi bago yung laban niya. Isipin mo na lang kung anong mararamdaman niya, nag ensayo ka ng ilang buwan, uminom ka nanaman ng ihi tapos natalo ka nanaman? Badtrip diba? Baka mag bigti na yang si Marquez pag nagkataon.

Sorry guys pero hindi tsaa yan.

Seryoso lang, bakit ba kailangang gawin yan? Kung pampalakas lang hindi ba pwedeng gatas na lang? Bakit hindi ka pa makuntento sa Birch Tree?!

3. Nung natalo si Marquez, hindi na siya nagpa-interview sa loob ng ring dahil sa sama ng loob. Dumiretso na siya sa locker room. Kaso hindi siya basta basta makakatakas sa media! Sinundan siya sa locker room ng media para makakuha ng interview. Unfortunately, nagbibihis na pala siya ng mga oras na yun.

Talagang sinisilip ng trainer na si Nacho Beristain kung anong nasa ilalim ng sombrero.

Bilib rin talaga ko sa mga interviewer na to. Hindi niyo man lang muna pinagbihis yung tao e! Tingnan mo naman sombrero lang ang nakatakip o! At talagang naka-dikit pa yung naka-gray! Tuhod sa tuhod talaga e! Pero on the bright side, buti na lang malaking Mexican sombrero ang sinuot ni Marquez nung gabing yun at hindi bonnet lang. Delikado tayong lahat pag nagkataon.

Pero kung ako sa mga reporters na yan hindi ko masyadong iinisin si Marquez. Baka buhusan sila ng ihi niyan!

4. Ayon sa mga reports, guaranteed daw na kikita si Manny Pacquiao ng $22 million para sa laban na yun. Kung kasama ang kikitain sa pay per view, aabutin ng mahigit kumulang na $30 million or P1.3 billion ang kinita ni Pacquiao.Kung 138 times siyang tinamaan ng suntok ni Marquez, ibig sabihin bawat suntok na tumama sa kanya ay worth P9,420,289. (Sapat na para makabili ng 3 Hermes bag para kay Jinkee!) Karamihan sa atin hindi kikita ng ganyan kalaki in our lifetime. Kay Pacquiao isang suntok lang yan. Ang tindi diba? Iniisip mo siguro, “Kung babayaran ako ng ganyan kalaki magpapasuntok na ko kay Marquez!” Sorry to burst your bubble pero kung suntukin ka ni Marquez malamang ikamamatay mo. Pero di bale, engrande naman sigurado ang burol mo diba?

"Para sa mga bag ni Jinkee!"

5. Nung laban ni Pacquiao, maya’t maya pinapakita sa TV ang asawa niyang si Jinkee. Naisip ko, “Langya tong si Jinkee, nerbyos na nerbyos na kaming lahat pero siya no reaction lang ah!” Pero narealize ko, ninenerbyos naman talaga si Jinkee. Talagang hindi na lang gumagalaw ang mukha niya. Thanks, Vicky Belo!

Jinkee's life-like wax figure at Madame Tussaud's Wax Museum.

6. Pumili ka, for P9,420,289, magpapasuntok ka kay Marquez o one night engagement kasama ang Mommy Dionisia-Madam Auring combo? Suntok na lang siguro noh? Hindi naman dahil choosy ka, may respeto ka lang talaga sa mga nakakatanda.

7. Para sa entrance music niya, ginamit ni Manny ang kantang “Eye of the Tiger” galing sa sikat na pelikulang Rocky. Naisip ko, “Shit ang genius ng pagpili nitong kantang to! Lahat ng tao alam ang kantang ‘Eye of the Tiger’ kahit yung casual na boxing fan e! Galing!” Pero nung naisip ko ng husto, parang hindi pala okay. Kung alam niyo ang kwento ng Rocky, alam niyong nag simula si Rocky sa pagiging “amateur” at walang pangalan na boxer. Unti-unti, sumikat siya at naging champion nung natalo niya si Apollo Creed sa Rocky II. Sa pelikulang Rocky III nung sikat na siya at maraming endorsements at distractions, natalo siya ng aroganteng si Clubber Lang. (played perfectly by a young Mr. T)

Nakakatakot isipin pero eto na ba nangyayari kay Pacquiao? Si Floyd Mayweather ba ang magiging “Clubber Lang” niya kung nagkataon?

Ang daming nagsasabi na distracted na daw si Manny Pacquiao sa maraming bagay. Andyan ang pulitika, mga pelikula, at mga concerts. Pati yung pananabong at pag bibilyar ni Manny napapansin. Nag rereklamo tayo sa media coverage kay Manny Pacquiao paminsan pero sa totoo lang, interesado naman talaga tayo sa kanya. Sa HBO special na 24/7 pinakita na bumili si Manny ng Ferrari worth P12 million. May mga nagsabi agad na mga tao na, “Ang hirap hirap ng Sarangani pero bili kayo ng bili ng bag, sasakyan at kung ano anong bagay!” Totoo naman. Isa ako sa mga taong nag-isip niyan. Pero kung iisipin mo naman, pinaghirapan ni Manny yung pera na yan e. Ilan taon siyang nag-tiis sa hirap. Hindi ba niya puwedeng ma-enjoy yan?

Nung nanalo si Manny sa laban nila ni Marquez, ang daming bumatikos sa kanya sa Twitter at kung saan saan pa. Kasama na diyan ang mga kapwa niya Pinoy. Luto nga daw. Paalis ng MGM Grand, binabato siya ng mga tao ng popcorn at sinisigawan ng “You suck!” Kung tutuusin, liban sa subpar performance niya, ano bang ginawang mali ni Manny? Hindi naman siya yung nag desisyon sa resulta nung laban e. (Honestly, tingin ko hindi subpar performance yung kay Manny per se. Talagang hirap lang siya sa style ni Marquez) Kung natalo si Pacquiao, malamang binatikos rin siya e hindi ba? Damned if you do, damned if you don’t.

What people don’t realize is that for 14 straight times bago tong laban na to, nanalo si Manny in dramatic fashion. Pinatumba niya ang mga kalabang mas malaki sa kanya. Pinaretiro nya ang mga mga magagaling na boksingero tulad nila Ricky Hatton at Oscar de la Hoya. For the longest time, he’s been making us proud to be Filipinos. Melodramatic man pakinggan pero dala-dala niya talaga ang buong bansa sa balikat niya. Anything less than a terrific performance is considered a disappointment. Ang collective mood ng mga tao nung huling laban niya ay lungkot at disappointment. Nanalo pa siya sa lagay na yun. Paano pa kaya kung natalo siya?

Masarap maging Manny Pacquiao pero mahirap maging Manny Pacquiao. Feeling niya artista siya? Feeling niya singer siya? Gusto niya maging pulitiko? Hindi niya napatumba si Marquez?  Wag kayong manuod ng pelikula niya kung ayaw niyo. Wag niyo siyang iboto kung ayaw niyo. He can’t always be who we want him to be.

Pero ano nga ba talagang nangyari? Distracted ba talaga si Manny? Talaga bang magaling lang si Marquez? Kaya ba ni Manny si Mayweather pag nagkataon? Hindi natin alam for sure. Pero one thing’s for certain…

Manny knows. You know?


The Ramons

Nagkagulo ang Twitter ng mabalitang umalis papuntang Hong Kong si Ramona Bautista, ang pinaghihinalaang isa sa mga may pakana sa pag patay sa kapatid niyang si Ram Revilla. Kaninang umaga lang, nagbigay ng interview si Ramona Bautista sa ANC. Ayon sa kanya, kaya siya gumawa ng kwento tungkol sa pag kidnap sa kanya di umano ng mga suspek ay dahil nahihiya siyang amining iniwan niyang malubhang sugatan si Ram at ang girlfriend nitong si Janelle dahil natakot siya para sa sariling kaligtasan.

(Wala rin naman sigurong naniwala sa alibi na yun diba? Kung ako yung papatay bakit pa ko mag-aabalang isama si Ramona? Magpapalibre ako sa drive-thru? Parang mas madali atang paputukan na lang siya ng baril)

Kung ayaw mong mapansin ng mga tao habang tumatakas ka, mag suot ng bright red bandana!

Sa pagbibigay ng marupok na mga dahilan at sa nabalitang pag-alis niya papuntang Hong Kong, hindi mapigilang mag hinala ng lahat na malamang na may sala nga itong si Ramona Bautista. Ultimo si Sen. Bong Revilla nagdududa na sa pagiging inosente ni Ramona na nung una’y pinagtatanggol pa niya.

Pero hindi ko gagawin yun. Kahit mukhang guilty, wala ako sa lugar para husgahan si Ramona. (Malay mo naman nag punta lang siya ng Hong Kong para mag bakasyon diba? Long weekend e! Wala ba siyang karapatan mag relax? Nakakastress kayang pumatay!)

Pero may mga natutunan ako sa mga pangyayaring to. Hayaan niyong isa-isahin ko para sa inyo:

1. Sabi sa balita, 72 daw ang anak ni Ramon Revilla Sr. sa iba ibang babae. Sa edad na 22, si Ram Revilla ang panganay sa 9 na magkakapatid. Ang edad ngayon ni Ramon Revilla Sr. ay 84 years old. Ibig sabihin hanggang 22 years ago sa edad na 62, umaariba pa siya! Kung sabihin mong taon taon na lang nanganak yung nanay ni Ram Revilla, ibig sabihin hanggang 71 years of age e naghahasik pa ng lagim tong si Ramon Revilla Sr.! Ako lang ba ang nabibilib? Ang tindi diba?!

2. Ramon Revilla Jr., Ram Revilla, Ramona Bautista, Ramon Joseph Bautista. Wala ka bang napansin? Halos nirerecycle lang yung mga pangalan e! Sabagay hindi ko naman masisi si Ramon Revilla Sr.. Kung ikaw nga naman 72 ang anak mo, mauubusan ka rin ng mga pangalang pwedeng ibigay e! Magiging creative ka pa ba niyan? Kung ako siguro 72 ang anak ko, numero na lang ibibigay kong pangalan sa mga anak ko e! Magkakaron siguro ako ng anak na “Reynaldo de la Cruz II” hanggang “Reynaldo de la Cruz XXXII” Magkakaron rin diyan ng “Reynalda” at “Reynalda Jr.” malamang. Pasensyahan na lang sa mabantot nilang pangalan.

(Ang NBA legend na si Gary Payton, isa pang hindi creative magbigay ng pangalan sa anak. Dadalawa na nga lang ang anak ang pinangalan pa niya “Gary Payton Jr.” tsaka “Gary Payton II”. Seryoso lang, dadalawa na lang anak mo tinamad ka pang mag-isip ng pangalan? Ewan ko lang ah, pero kailangan may matinding nickname yang mga yan kung hindi matinding lituhan yan)

3. Sabi sa balita, kaya daw nagkaron ng patayan sa magkakapatid ay dahil nagkaron ng inggitan sa allowance. P1 million daw ang allowance ng magkakapatid sa isang buwan at hinahati-hati sa 9. Si Ram daw ang humahawak ng pera bilang siya ang panganay. Nung bata ako nagrereklamo ako sa bente pesos kong baon. Ngayon narealize ko okay na rin yun. Buti na lang pala maliit lang ang baon ko. Hindi maiisip ng mga kapatid kong patayin ako. Sabi na nga ba best interest ko lang talaga ang iniisip ng mga magulang ko e.

4. Kung sakaling naging Ramon o Ramona ang pangalan mo at sabihin mo kay Ramon Revilla Sr. na, “Itay, si Ramon po ito, ang nawawala niyong anak.” maniniwala kaya siya? Sa dami ng babaeng kinama ni Ramon Sr., tingin ko puwedeng makalusot e! E di hindi ka na sana nag-tiis sa bente pesos na allowance diba? Kaso baka mapatay ka nga lang ni Ramona pag nainis siya sayo. High risk high rewards e noh?

5. Tingin ko nung nanliligaw si Ramon Sr. sa maraming babae niya, kinakantahan niya lang ng “Would You Be My Number 2?” Pinapalitan niya lang yung numero. Ang sakit siguro pag kinantahan ka na ng “Would You Be My Number 8?”

"Nasa bigote lang yan e." - Ramon Revilla Sr.

6. Tingin mo ba kilala ni Ramon Sr. lahat ng anak niya? Posibleng hindi e. Tingin ko sa 72 na yan, wala pang kalahati diyan yung alam niya ang pangalan. Yung iba nakalimutan na niya. Pag “anak” lang ang tawag sayo ni Ramon Sr. at hindi kayo first name basis, nako delikado ka na.

7. Kung ako si Ramon Sr. at nakalimutan ko ang pangalan ng anak ko, tatawagin ko na lang siyang “Ramon” o “Ram”. May 36% chance na tama yung hula e.

8. Pag nag fafamily reunion kaya sila nag susuot sila ng name plate? O kaya yung malaking ID na gawa sa cardboard na usually sinusuot ng mga estudyante pag first day of school. Parang kailangan e diba? Isipin mo na lang kung “Ramon” yung pangalan mo tapos nakalimutan pa ng tatay mo yung pangalan mo. Sakit siguro nun noh?

9. Sa 72 na anak, sigurado may favoritism yan. Kung sa pamilyang 2 nga lang ang anak may paborito e, sa 72 pa kaya? Ngayon isipin mo kung ikaw yung least favorite na anak. Ibig sabihin may 71 na taong mas mahal ng tatay mo kesa sayo. Pucha badtrip diba? Ang tindi siguro ng issues mo sa buhay.

10. Dapat maging poster child ng RH bill si Ramon Revilla Sr. Walang kahit anong konsepto ng contraception e! At a certain point hindi ba sasabihin mo na sa sarili mo, “Pucha, dami ko nang anak ah! Nakaka-46 na ko kailangan ko na sigurong mag condom!”?

11. Pag ako nagkaanak, hindi ko sila bibigyan ng allowance. Araw araw silang magbabaon ng sandwich at Zesto para walang inggitan. Pati yung klase ng sandwich at flavor ng Zesto, pare-parehas lang para walang inggitan. Hanggang college yun lang ang baon nila. Magiging kulay orange yung ihi nila kakainom ng Zesto at pati pawis nila mangangamoy tuna dahil laging tuna sandwich ang baon nila. Pag tinanong nila kung bakit ko ginagawa yun sasabihin ko,

“Anak, hindi niyo pa naiintindihan sa ngayon pero ginagawa ko lang to dahil mahal ko kayo.”