15 Unwritten Man Rules

Merong universal code of ethics ang kalalakihan na hindi nakasulat kung saan man pero sinusunod at nirerespeto ng bawat matinong lalake sa mundo. Kasama na diyan yung walang aamin sa girlfriend ng kaibigan mo kung anong oras kayo umuwi. Kasama na diyan yung hindi mo i-chichicks yung ex o kapatid ng kaibigan mo. Kasama na rin diyan yung walang sulutan ng chicks pag may nauna na. Alam na ng bawat lalake ang mga batas na yan. Ang mga hindi sumusunod sa batas yan? Sila yung tinatawag na “douchebag” na gustong upakan ng lahat.

Pero liban sa mga yan, meron pang mga ibang unwritten rules ang mga lalake na hindi na kailangang sabihin dahil inaassume na ng lahat na naiintindihan na ito ng bawat isa. Para sa mga hindi nakakaalam, hayaan niyong isa-isahin ko para sa inyo ang tinatawag nating “Unwritten Rules for Men”

1. Wag tatabihan ang lalakeng umiihi kung marami pang urinal na bakante. Meron siyang karapatang i-untog ang ulo mo sa lababo pag ginawa mo yun.

2. Habang umiihi sa urinal, tatlo lang ang puwede mong tingnan: yung pader, yung kisame, o yung manoy mo. Bawal lumingon sa kaliwa at kanan. Wag titingin sa mata ng katabi. Sa loob ng banyo habang umiihi, wala kang kakilala. Sa labas na tayo magkamustahan pag di na natin hawak ang mga manoy natin.

3. Pag nag iinuman bawal mag sabay sa banyo. Walang hihirit ng “Bro, CR tayo.” Mga babae lang ang may karapatan gumawa niyan for some reason. Nagtutulungan ata silang mag adjust ng bra? Hindi ko lang sure hindi pa ko nakasama sa mga ganyan.

4. Kahit gaano pa kayo ka-close, bawal mag sabi ng “good night” or “good morning” sa kapwa mo lalake. Makuntento na sa “hoy kupal” bilang greeting.

5. Pag may yayakaping kaibigang lalake, kailangan lagyan ng “tapik” sa likod para macho pa rin kahit binobromance niyo ang isa’t isa. Hindi rin dapat tatagal ng higit 1 second ang yakap.

This is not an acceptable form of “man hug”.

6. Kapag bukas ang zipper ng kaibigan mo, wala kang moral obligasyon na sabihin sa kanya na bukas ang zipper niya. In the first place, hindi naman dapat napupunta dun ang line of sight mo hayup ka.

7. Bawal gumamit ng mga salitang “peg”, “kalurky”, at iba pang similar words. “Chos” lang ang pwede. Chos!

8. Hindi puwedeng mag usap sa cellphone ng more than 10 minutes unless magagandang chicks, bilis ng suntok ni Bruce Lee, o iba pang mga machong bagay ang pinaguusapan.

9. Bawal mag camwhore pic mag-isa pero mas lalong bawal mag camwhore pic na may katabing kapwa lalake. Pucha, bakit mo naman gagawin yun diba?

8. Unless nakakandong sa magkabilang hita niya si Solenn Heussaff at Georgina Wilson, bawal mag “like” ng profile picture ng kapwa mo lalake. 

Pero kung biglang nasama si Tim Yap sa picture, hindi pa rin puwedeng i-like.

10. Hindi ka puwedeng maglaro ng Pet Society sa Facebook unless sinuhulan ka ng sexy time ng girlfriend mo kasama ang bestfriend niyang matagal mo nang gustong aswangin.

11. Hindi ka puwedeng mag pet ng pet ng kapwa mo lalake sa Pet Society. Deactivate mo na ang account mo pag ginawa mo yan hayup ka.

12. Bawal manuod ng sine ang mga lalake na magkakasama unless Expendables ang papanuorin niyo. If ever manunuod ng sine, kailangan higit sa dalawang tao ang magkasamang manunuod. Counted pa rin as “Brokeback-an” kung dalawa lang kayo kahit Expendables pa ang panuorin niyo.

13. Bawal mag bigay ng compliments sa pictures ng mga kapwa mo lalake sa Facebook. Hindi ka puwedeng mag comment ng “nice pecs dude” unless kaya niyang pasayawin ang dede niya na parang si Latrell sa pelikulang White Chicks.

14. Kung kakanta ng sabay sa videoke bawal kumanta ng mga tipong Adele. Bon Jovi at Metallica lang ang puwedeng kantahin ng sabay. Bawal mag sabay sa isang microphone at bawal mag eye contact habang ginagawa ito. Masyadong suggestive.

Lalong hindi puwedeng sabayan ng mga papikit pikit na ganyan!

15. Bawal mag lagay ng smiley pag may katext/kachat kang kapwa lalake. Nagkakaron ng ibang kahulugan ang  ordinaryong linya tulad ng “Kita tayo mamaya?” pag nilagyan na ng “:)” sa dulo.

Iilan lang yan sa mga unwritten rules na dapat sundin ng bawat lalake pag nakikihalubilo sa kapwa nila lalake. Laging tatandaan ang mga ito upang maiwasan ang mga awkward moments kung saan nagkakatitigan kayo ng barkada mo habang may hawak kayong maitim, matigas, at mahabang mikropono na nakatutok sa mga bibig niyong napakalaki ng buka.

O diba description pa lang awkward na?


Facebook Profile Picture Guidelines

Maria Ozawa sa Facebook, babaeng William Hung sa totoong buhay.

Sa panahon natin ngayon kung may gustong ipakilala sayo, anong unang gagawin mo? Hanapin siya sa Facebook diba? Hindi na uso blind date ngayon na totally wala kang idea sa papakilala sayo. Delikado yun e. Pano kung sobrang excited ka, bumili ka pa ng bagong polo, nag ahit ka pa ng bigote, tapos pag dating mo dun mukha pala siyang babaeng version ni Bonel Balingit?

Badtrip diba? Maski sa trabaho pag may aplikanteng nag submit ng résumé tinitingnan rin ng HR yung Facebook profile nung tao para magkaron ng idea sa personality at itsura niya. Kaya yang pictures mo sa Boracay na lasing ka at may hawak na Red Horse tapos naka-dirty finger sa camera? Patay ka diyan.

By the end of 2012, inaasahang aabot sa isang bilyon ang total number of Facebook users sa mundo. Ang ibig sabihin niyan 1 in every 7 na tao sa planet Earth ay may Facebook account. Walang duda, napaka-laking bagay na ginagampanan ng profile pictures natin sa mundo ng social networking. Yan ang unang nakikita ng kahit sino sa isang bilyong tao na titingin sa Facebook profile mo e. Kaya natural lang na pag dating sa profile picture, lagi mong prinepresenta ang pinakamagandang anggulo mo.

Ang problema diyan nakakalinlang e. Naglolokohan lang tayong lahat. Yung pangit gumaganda sa profile picture. Yung mataba, sumesexy. Yung payat, tumataba. Itigil na natin ang lokohan! Dapat magkaron na tayo ng rules sa pag popost ng profile pictures. At bilang di naman natin maaasahan si Mark Zuckerberg na gawin yan, sige na ako na ang gagawa.

Basically, ito lang naman ang gusto kong mangyari sa profile pictures natin sa Facebook:

1. Pag may boyfriend o girlfriend, isama na sa profile picture!

Kapag may boyfriend o girlfriend kayo, isama niyo na sila sa profile pictures niyo. Bakit? Para yung mga mangchecheck-out sa inyo sa Facebook alam kaagad na taken na kayo! Tulong na lang sa mga singles yan na naghahanap ng maaaswang sa Facebook e. Huwag niyo nang paasahin kung di naman kayo single! Susuyurin pa nila yung 1,213 friends ng kaibigan nila sa Facebook para i-check out ka lang tapos malalaman nila taken ka na rin naman pala? Gawin nating madali para sa lahat. At least pag taken ka na, sa maliit na picture pa lang alam na. Wala nang aasa at masasaktan! Mag-bibikini picture ka pa sa profile pic e may boyfriend ka naman pala. Tama ba yun? Pina-excite mo lang yung mga manyakis e! Wag paasa!

Speaking of bikini pictures…

2. Sa mga babae, wag mag post ng bikini pictures kung walang karapatan!

Matagal ko nang natanggap yung katotohanang hindi ko kasing katawan si Marc Nelson. Kahawig pa siguro oo pero katawan hindi e. (Wag ka na kumontra!) Kaya hindi mo ko makikitang naka-sando or naka-topless sa profile picture ko. Kaya sana naman yung mag popost lang ng bikini picture kung may karapatan! Kung hindi naman, e wag mo nang ibahagi sa mundo yan sarilihin mo na lang yan! Mag pasintabi naman sa mga kumakain!

3. Sa mga lalake, wag na kayong mag post ng picture na nakahubad kayo!

Alam ko pinaghirapan niyo yang mga katawan niyo kakabuhat ng kung ano anong pabigat sa gym. Pero seryoso lang, kahit gaano pa kaganda ang katawan mo, wala namang gustong makakita niyan e. Kaya wag na sanang mag post ng pictures na naka-flex at nakahubad. Ano bang maitutulong sa pagkatao ko kung makita ko yung buhok mo sa kili-kili? Giginhawa ba ang buhay ng nakakarami kung makita nila yung nagagalit mong mga utong?!

4. Wag gumamit ng group picture bilang profile picture!

Marami diyan gumagamit ng mga profile pictures na magkakasama sila ng mga kaibigan nila. Tapos pag tumingin sa Facebook profile niya ang hindi niya kakilala iisipin siya yung sexy na naka-black na nasa gitna ng picture yun pala siya yung mahaba ang baba na tinutulak na ng mga kasama niya palabas ng frame. Wag na tayong maglokohan diba? Gumamit na lang ng profile picture na mag-isa ka lang para di na mag-isip yung tumitingin kung sino ka dun. Kung maganda ka, good for you. Kung hindi ka kagandahan o kagwapuhan, e pasensya na sadyang malupit lang talaga ang mundo.

5. Wag gamitin ang pinaka-okay nating litrato bilang profile picture!

Unless wala kang pakialam sa iisipin ng ibang tao sa itsura mo o talagang wala ka nang pag-asa dahil pangit ka lang talaga, lahat ng tao ginagamit ang pinaka-matino nilang litrato bilang profile picture. Yung iba diyan finifilter muna sa Instagram o kaya ineedit sa Photoshop ng konte. Pwedeng magbabawas ng konting bilbil, magpalaki ng boobs, o magtatanggal ng tigidig sa mukha kunwari. Yung iba naman dadaanin sa tamang anggulo para matago yung double chin o yung mataba nilang pisngi. Tigilan na natin to! Naglolokohan lang tayo e! Gamitin na natin yung mga totoong itsura natin!

Alam mo yung itsura mo pag bagong gising? Yung itsura pa lang alam mo nang amoy panis na laway ang hininga tapos may mga muta muta pa? Yung itsurang mukhang nag suka buong gabi kase uminom ng walong bote ng Red Horse? Ganun dapat ang profile pictures nating lahat para patas ang laban! Kailangan nating makita ang isa’t-isa at our worst para magkaalaman kung sino talaga ang gwapo at maganda.

Siyempre si Anne Curtis pa rin. Kahit pa tuluan siya ng uhog sa ilong siya pa rin e.

Gagandahan mo yung profile picture mo tapos di ka naman ganun sa personal. Pag sinetup ka sa kung sino man edi nag-eexpect siya na maganda o gwapo ka diba? Hindi niya alam mukha ka palang talakitok. Tama ba yun? Walang linlangan! Tama na! Sobra na! Palitan na! Palitan na ang mga profile pictures natin sa Facebook!

Pero mauna na kayo. Hahanap muna ako ng okay na picture ko.

Follow me on Twitter and boost my self-esteem @reypinmoko


Scarlet Johansson Got A Tattoo

Nagpa-tato si Scarlet Johansson o “ScarJo” para sa mga close sa kanyang tulad ko ng image ng horseshoe na may nakasulat na “Lucky You” sa kanyang tagiliran. (Mag kunwari na lang tayong walang malaking litrato sa ibabaw at talagang kailangan kong i-describe sayo yung tato, okay? Nagawa ko na e)

Kung ating susuriin ang nasabing tato, mukha siyang nasa bandang ilalim ng personal kong tinatawag na “suso level” o yung palibot na lugar sa katawan ng babae na binabalutan ng bra. Which means, kailangan niyong mag tanggalan ng bra para makita mo yung tato niya. Which means, ang tanging mga makakakita lang nito e yung mga lalakeng ka-sexy time ni Scarlet. In other words, 99.99999% of the human population ang hindi ito makikita in person and in action unless mag hubad siya sa Avengers 2 na malabo namang mangyari unless mag hurumentado si Hulk at punitin ang damit niya.

But anyway, I digress.

I love this tattoo for the sole reason that Scarlet Johansson seems so self-aware of the fact na swerte yung hijo de frutang lalakeng makaka-sexy time niya na kailangan niya pang mag lagay ng tato sa tagiliran niya para sabihin sa lalaking yun na “Hoy maswerteng lalake, ang swerte mo na nakita mo akong nakahubad at maswerte ka na tayo’y magtatalik na.” (Oo, sa mundo ko parang karakter sa drama sa radyo mag salita si Scarlet Johansson)

Pero tingin niya ba makakalimutan pa nung lalakeng yun na maswerte siyang nakapatong siya kay Scarlet Johansson at kasalukuyan itong sinasakyan na parang hinete? Tingin ba niya in the middle of sexy time e makakalimutan nung lalake kung nasaan siya at pag nakita yung tato na “Lucky You” ay maiisip niya na “Uy oo nga pala! Kasalukuyan kong pinapatungan si Scarlet Johansson ngayon! Napakaswerte ko nga palang lalake!” Kase kung ako yung nasa pusisyon nung lalakeng yan paulit ulit kong sasabihin sa sarili ko na “SHITANGSWERTEKO! SHITANGSWERTEKO! SHITANGSWERTEKO!” hanggang mabulol na ko dahil naging parang tongue twister na sakin to.

Kung sakali namang kailangan ipaalala sayo ni Scarlet Johansson na napaka-swerte mo na nag sesexy time kayo, it can only mean one thing: sexy time with Scarlet is not all it’s cracked up to be. Kase kailangan niya pang sabihin sayo na ang swerte mo e! Pero kung tutal magiging helpful na rin siyang ganyan, might as well na lubus-lubusin na niya diba? Bakit hindi pa maglagay ng “Do Not Enter” sa taas ng pwet at “Handle With Care” sa magkabilang boobies?  Lagyan na rin ng “Slippery When Wet” sa ibabaw ng kanyang HMMM HMMM!

Rey de la Cruz Jr. po, just thinking aloud.

Follow me on Twitter and boost my self-esteem @reypinmoko


Solenn and Michelle Gangnam Style

So pagkatapos ng “Call Me Maybe” video nila Solenn Heussaff, gumawa naman sila ng “Gangnam Style” video dahil mapagbigay sila sa mga kalalakihan.

5 bagay lang na napansin ko sa video:

1. Camera angle lang ba o parang may dalawang bagay talaga na nagbago kay Michelle Madrigal? Di naman sa nagrereklamo ako. Napansin ko lang. Hihi

2. Wala bang gagawa ng GIF ni Michelle from 0:03-0:05? Bakasyon ngayon o malamang wala ka namang ginagawa sa bahay e! Sige na! Alang-alang sa buong sangkalalakihan!

3. Wala bang gagawa ng GIF ni Solenn from 0:38-0:40? Sama mo lang yang susantisimang kagat ng labi na yan! Tatanghalin kitang bayani kung sino ka mang gagawa niyan.

4. Apparently boyfriend nila yung dalawang players ng Kaya FC na team. Kung nag sports lang sana tayo nung kabataan natin at hindi nagkulong sa bahay na naglalaro ng Street Fighter at Sonic the Hedgehog, ikaw sana ang kinakainggitan ng mga lalake ngayon. Pag nilayan mong mabuti ngayong gabi ang buhay mo at isipin mo kung tama ba ang pinagagagawa mo nung 8 years old ka.

5. Ako lang ba o talagang kahit anong video na kasama si Solenn Heussaff e automatic na nagiging maganda? Seryoso lang. Dati ayoko tong kantang to pero ngayon paborito ko na e. Kaya ko atang manuod ng video na may pinapatay na mga cute na tuta basta andun si Solenn Heussaff na sumasayaw sa likod. Kaya kong tiisin ang isang episode ng Glee kung andun si Solenn. Puwede bang lahat na lang ng TV show sa Pinas ilagay natin si Solenn? Kahit ano lang! Siya na lang mag bigay ng ulat panahon! Siya na lang mag basa ng mga bolang lumabas sa Lotto! Feeling ko kung siya yung gumanap na Budoy noon sa TV show na Budoy mas nanuod ako e.


Bentong Heussaff

YES! Utang na loob “yes” ang sagot sa lahat ng tanong!

Ayon sa mga eksperto (aka Wikipedia), tinatanchang nasa 7,029,000,000 ang kasalukuyang populasyon ng lahat ng tao sa mundo. Sa 7 billion na taong yan, sinasabing 2,267,233,743 ang merong kahit anong uri ng internet access. Puwedeng may internet connection sa bahay, puwedeng pumupunta sa mga internet cafes, at puwedeng makapal lang ang mukha at nagnanakaw ng internet sa wi-fi ng kapitbahay.

Sa kasawiang palad, hindi idiot-proof ang internet. Hindi rin ito pervert-proof. Kaya sa 2 bilyong taong yan, ang masakit na katotohanan ay marami sa mga yan ang hindi dapat binibigyan ng internet access dahil kung ano anong lagim ang hinahasik nila.

Dito sa WordPress, merong function ang bawat blog na malaman ang traffic sa blog nila. Puwede nilang malaman kung ilan ang bumibisita araw araw. Puwede rin nilang malaman kung ano ang mga ginamit na search terms ng mga tao sa Google para mapadpad sa website nila. Kinwento ko na to noon sa entry kong http://reypinmoko.com/2011/11/10/taong-greasy/ pero mukhang napapanahon na para muling balikan ang mga karumal-dumal na search terms na ginagamit ng mga tao. Gaya ng dati, lahat ng ililista ko ay actual search terms na ginamit nila. (Unfortunately)

In no particular order:

1. “pwet na kulubot”

Guys, mag poporno na lang kayo pwet na kulubot pa hanap niyo? Ang daming uri ng pwet sa mundo pwet na kulubot pa talaga?!

2. “anne curtis kita pwet”

Ayan! Much better!

3. “virgin pa ba si anne curtis”

Kung ikaw ba boyfriend ni Anne Curtis tingin mo magtatagal na virgin sayo yun? Lakas ng self-control mo ah!

4. “pano ba mapabilis ang period na babae?”

Either gusto mong malaman kase may period siya at atat ka nang mag sexy time o feeling mo nabuntis mo siya at malapit ka nang bumili ng mga pampalaglag sa Quiapo.

5. “ano ang palabas na sa dibdib lumalabas ang power”

Baywatch.

6. “anong tawag sa gumagalaw na pictures”

umm.. movie?

7. “malibog ako na babae”

Anong Facebook mo? Add kita.

8. “paano kung gusto mong makipag sex kaso wala kang asawa”

Bang Bang Ali para sa walang budget, Air Force One para sa meron. Para sa wala talagang pera, maghanap ka nalang ng rolyo ng tisyu sa bahay tsaka Abante Tonite na tabloid.

9. “anong gagawin kapag ang baby ay may kati”

Kailangan bang i-Google ang sagot na “kamutin”?

10. “litrato ng taong nag mumurahan”

Mga magulang mo kase tumae ka nanaman sa salawal.

11. “kinama ng bayaw”

Parang headline lang sa tabloid ah!

12. “ang saya pag may crush ka, pero mas masaya pag kayo na.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

13. “paano magsalita ang mga 12 years old na babae”

Gamit ang bibig niya. May iba pa bang paraan? Kaya bang mag salita ng pwet mo?

14. “mahal kita pero di moko pinapansin”

 

 

 

 

 

 

 

 

15. “kapag malaki pwet di na virgin”

Tanga.

16. “paano mo malalaman na hanggang friends lang kayo”

kapag maganda siya tapos pangit ka?

17. “miranda tate batman boobs”

 

 

 

 

 

 

 

Sabagay malaki nga naman talaga.

18. “ano ending story batman the dark knight rises”

35 pesos lang ang pirated DVD bumili ka wag kang kuripot!

19. “yung feeling na.. tinatanong ka ng crush mo kung cnu ung crush mo. anong isasagot mo?”

 

 

 

 

 

 

 

 

Gwapo ka e!

20. “bakit kaya ang babae nakakaalala lang kung may kailangan sila sayo”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

21. “80 top pictures na nakahubad na lalaki”

Infairness to you mapili ka ah hindi basta basta picture lang ng hubad na lalaki! Kailangan Top 80 talaga!

22. “pogi pacquiao”

Your search – pogi pacquiao – did not match any documents.

Suggestions:

  • Make sure all words are spelled correctly.
  • Try different keywords.
  • Try more general keywords.

23. “magandang nanay malibog”

I think searching for “MILF” would generate more results. Just a suggestion.

24. “solenn heussaff bakat”

Sorry, ako pala nag search nito.

25. “birong nakakasakit pero totoo”

Maski sarili mong nanay napapangitan sayo.

26. “pinakagwapong lalaki sa buong mundo”

Ako.

27. “bawal condom”

Bawal condom? Ikaw gusto buntis?

28. “naduduwal ako”

Sabi ko sayo ikaw condom e.

29. “magandang babae sa facebook na 11 years old lang”

Kung sino ka man, ipagdadasal na lang kita. *sign of the cross*

30. “Bentong”

Alam niyo bang 1,347 views ng blog ko ay mula sa mga taong naghanap ng picture ni Bentong at napadpad sa site ko? Ang nag search ng “Solenn Heussaff Bakat”? 11 lang. Clearly, mas marami pang tao ang interesadong makita ang makintab na noo ni Bentong kesa sa bakat na utong ni Solenn Heussaff.

At masisisi ba natin sila? Ang cute cute o!

To borrow a line from sports columnist Bill Simmons, “Yep, these are my readers.”


Twittequette

Noong 2008, sinasabing meroong 3,000,000 registered users ang social media network na Twitter. Nung March 2011, umabot na ito sa bilang na 225,000,000. Sa isang araw, nagpapadala ang buong mundo ng 350,000,000 tweets. Sinasabing 39.6% ng mga tweets na ito ay “pointless babble” or in other words ay mga tweets tungkol sa almusal mo kaninang umaga, pagiging “mayor” mo ng kung ano mang lugar, o Instagram ng kinakain mong tapsilog sa kung saang restaurant na “mayor” ka.

Sa Pilipinas, tinatancha na mayroong 4,500,000 Twitter users. Kung may 2,400,000 followers si Anne Curtis ibig sabihin mahigit kalahati sa mga may Twitter sa Pilipinas ay binabasa ang mga tweets niya tungkol sa pag kain ng ice cream.

Malalaman mong sikat ka kung sabihin mo lang na gusto mo ng ice cream at may 50+ tao na agad na mag-reretweet at 33 na nag favorite sa sinabi mo. “Favorite” mo na naiinitan si Anne Curtis at gusto niya ng ice cream? Anong problema mo bilang tao?

Dahil libre at madaling gamitin, maraming tao ang gumagawa ng account at kinukwento ang mga nangyayari sa pang-araw araw na buhay nila sa loob ng 140 characters. Kaso bilang iba-iba naman ang pag-uugali ng bawat tao, iba-iba rin ang estilo ng pag-tweet ng bawat isa. May mga nakakatuwa, may mga nakakaaliw, meron rin namang nakakainis. Although naiintindihan naman natin na karapatan ng bawat tao na i-express ang sarili nila, may mga Twitter users na talagang nakakairita lang paminsan.

Eto ang mangilan-ngilan sa kanila:

1. Flooder. Ang isa sa mga kinaibahan ng pag update sa status mo sa Facebook at sa pag-tweet ay mas vulnerable ka sa Facebook. Paanong vulnerable? Ibig sabihin hindi ka puwedeng basta basta mag update sa Facebook ng “Drinking Milk Tea. Sarap!” dahil merong function na “comment” at “like” sa Facebook. Bukas ka sa kritisismo. Ano bang pakialam ko kung umiinom ka ng Milk Tea? May ipis ba yung Milk Tea mo? Nahulog ka ba sa planggana ng Milk Tea? Kadalasan pag walang nag comment o nag like man lang sa sinabi mo, ibig sabihin walang may pakialam dito. Sadly, sa Twitter hindi ganun. Dahil hindi naman function ang mag comment, mas malaya kang sabihin ang kahit anong gusto mong sabihin. At dahil diyan, may mga umaabuso.

I don’t know how to politely say this but… nobody gives a shit.

Yang Twitter account ng taong nasa taas? NBA player yan. Kung ang NBA player walang masabing interesante tungkol sa buhay niya, paano pa kaya ang normal na tao? Hindi naman lahat ng tao nakakatawa. Hindi naman lahat ng tao makabuluhan ang sinasabi. Kaso sana lang wag mo naman kaming combo-hin ng Tweets tungkol sa ginagawa mo bawat minuto. Hindi na namin kailangan malaman na tapos ka nang punasan ang pwet mo at naghuhugas ka na ng kamay ngayon at nabasa ang cellphone mo dahil tatanga-tanga ka na nag ttweet habang naghuhugas ng kamay.

2. Twitter Fan Accounts. Hindi ka ba nagtataka kung bakit linggo linggo trending si Justin Bieber sa Twitter? Dahil yan sa mga lecheng Justin Bieber fans sa Twitter na walang ibang magawa kung hindi mag-tweet tungkol kay Justin Bieber.

Ang nagpapababa sa collective IQ ng Twitter users sa mundo.

Nung minsan lang inaasar ko yung isang kaibigan ko sa Twitter na may hawig siya kay Charice Pempengco. Ang sabi ko,

A few minutes later may sumagot sakin na hindi ko kilala at ito ang sinabi,

Walang masama maging fan. Napanuod ko na ata ang lahat ng pelikula ni Al Pacino at dinedebate ko ang lahat ng mga kaibigan kong sinabihan na rapist si Kobe Bryant at mas magaling si LeBron. Pero para makipag-debate ka sa isang random na tao sa internet tungkol kay Charice Pempengco na wala namang masamang sinabi tungkol sa kanya? Hindi naman ako sinusundan sa Twitter to begin with so ibig sabihin talagang nag search siya ng tweets tungkol kay Charice Pempengco. E kesa aksayahin mo ang panahong mong depensahan ang matatabang pisngi ni Charice Pempengco, bakit hindi ka na lang gumawa ng bagay na makabuluhan na ikatutuwa ng nanay mo?

3. Hashtagger. May rason kung bakit naglagay ang Twitter ng hashtags. Sa dami ng mga tweets sa buong mundo, minsan maliligaw ang tweets mo tungkol sa isang bagay na common interest ng maraming tao. Kung gusto kong basahin ang tweets tungkol sa impeachment trial ni Corona, pupunta lang ako sa #CJonTrial na hashtag. Convenient diba? Kaso may mga taong hindi ata nakuha ang konsepto nito at inaabuso ang pag gamit ng hashtag.

Kung puwede lang magsunog ng Twitter account, binuhusan ko na ng gasolina ang account mo at pinaliyab.

Sa totoo lang, nakakairitang basahin diba? Hindi naman lahat ng tweets mo kailangan mong lagyan ng hashtag. Ang mas nakakairita pa diyan yung gumagamit ng maraming hashtag sa iisang tweet.

Hindi ko alam kung anong mas nakakagigil basahin, ang Jejemon o ang Hashtag Abuse. Utang na loob wag niyong paghahaluin at baka hindi ko kayanin.

4. Cryptic Tweets/Aggressive Tweets. Every once in a while makakabasa ka ng mga tweets ng mga taong nagpaparinigan sa Twitter. Mga taong pasimple lang pero may pinapatamaan. Pag talagang siniswerte ka, mga taong nag-mumurahan.

Nakakainis yung mga tweets na ganyan. Yung cryptic tweets na pag-iisipin ka kung sinong pinapatamaan. Yung mga downright unpleasant tweets tulad ng “F*CK OFF”, “F*CK YOU”, and other similar profanities. Hindi ko lang maintindihan sa mga taong yan, bakit ba kailangan mag-away kayo publicly? If you really wanted to tell someone to “F*CK OFF* then tell him to FUCK OFF. Bakit kailangan mong isama ang ibang tao sa pag-iinarte mo?

Ang isa sa mga main offenders? Si Mr. Charming himself, Hayden Kho.

Hayden Kho. What a guy!

Thank you for the rain because it’s lachrymosely beautiful? Hindi ka deep, Hayden. Douche ka.

5. Follow Me Back/Retweet Pls. Ang isa sa mga maganda sa Twitter ay yung pwede kang i-follow ng kahit sinong tao. Puwede mo ring piliin kung gusto mong i-follow itong taong to na nag-follow sayo. Kung ayaw mo, ayos lang. Hindi katulad ng Facebook na pag may friend request sayo at inaccept mo, mababasa mo na rin ang feeds niya kahit ayaw mo naman talaga. Kaya nakakairita yung mga Twitter users na pag finollow ka, mag ttweet ng “Follow naman, sir. Tnx” Tapos pag nakita mo yung Twitter feed niya lahat ng tao ginaganun niya. So lahat ng tweets na mababasa mo sa kanya pag finollow mo siya ganun. Bakit mo siya i-fofollow kung ganun?

Binatikos si Samuel L. Jackson nung gumawa siya ng Twitter mga ilang buwan na ang nakalipas nung nanghingi siya ng followers sa mga iba pang celebrities. Apparently, may nagsabi daw sa kanya na ganun ang gawin. Hindi niya siguro naisip na “Putangina, ako si Samuel L. Jackson, kailangan ko bang manghingi ng followers? Ako si Mace Windu sa Star Wars! Ako si Jules sa Pulp Fiction! Kinain ako ng pating sa Deep Blue Sea! Kailangan ko lang mag exist bilang the baddest mo’ fo’ that I am at ang mga followers ang lalapit sakin!” (Oo, sa mundo ko nagtatagalog si Samuel L. Jackson)

Ewan ko sa inyo pero naaappreciate ko pag may nag fofollow sakin sa Twitter. Wala akong hinahabol na number ng followers. Hindi ko rin objective na magparami ng followers. Pero tuwing may nakukuha akong message na may dumagdag akong follower natutuwa ako. Bakit? Kasi pinapakita nito na may nakapag-basa ng tweets ko at kahit papano naisip niyang interesting enough yung sinabi ko para sundan niya ako sa Twitter. Sa 250,000,000 tweets sa isang araw, may saysay yung 1 tweet mo sa kung sino man.

Siguro sasabihin mo, “E kung naiirita ka, bakit hindi mo na lang i-unfollow?” It’s actually easier said and done. Siguro madaling gawin yun kung hindi mo kakilala yung tao. Pero paano kung kaibigan mo? Paano kung alam mong makikita mo pa siya at alam mong magkakaron ng awkwardness dahil alam niyang inunfollow mo siya? Lahat tayo may ganyan e. Lahat tayo merong kaibigan na gusto mong i-unfollow at i-unfriend pero nahihiya kang gawin.

Pag nag unfollow ka ng tao, that’s basically telling someone na “I’m sorry, akala ko interesting yung mga tweets mo pero sa totoo lang nakakairita pala.” O kaya “Nung una nakakatawa ka pero pagtagal-tagal nakornihan na ko sa mga hirit mo.” May kakilala ako dati na nag unfriend ng taong nag spam sa Facebook timeline niya. (Hindi pa uso ang “hide” nun) Somehow nalaman niyang na-unfriend siya at lalo siyang nagwala at nagparinig sa Facebook. Whether you like it or not, ganito na ang sukatan ng pagkakaibigan sa panahon natin.

Aminin na natin, hindi naman tayo gumawa ng Twitter para sa sarili lang natin. Self-expression lang ba? Kase kung ganun edi sana bumili ka na lang ng diary at dun nag sulat ng mga hinanakit mo sa mundo. O kaya nag sulat ka ng maiikling sentences sa post-it notes at tinadtad ang buong kwarto mo nito para nag mukha kang serial killer sa pelikula. Nag Twitter ka kase gusto mong makipag-connect sa ibang tao. Dahil iniisip mong dapat mabasa ng mga tao ang saloobin mo. Kung ginagawa mo rin ito para sa iba, I think you owe it to them and to yourself to tweet more responsibly.

Ngayon kung kasing level mo na si Anne Curtis, sige mag tweet ka ng kahit ano. Mag tweet ka na gusto mo ng ice cream. Pero habang hindi pa, konting etiquette lang. Or better yet, Twittequette.