7 Gift Giving Rules for Christmas

Maraming mga tao ang natutuwa tuwing malapit na ang Pasko. Andyan ang mga batang isang taong pinagtaguan ng mga ninong at ninang nila. Andyan ang mga snatcher sa Divisoria na nambibiktima ng mga mamimili. At higit sa lahat, andyan si Jose Mari Chan  na nabubuhay lang tuwing pasko. (Kumbinsido ako na mula January hanggang mid-November ay natutulog si Jose Mari Chan sa loob ng kabaong na parang bampira at gumigising lang pag panahon na pag tumugtog na ulit ang Christmas In Our Hearts. Walang makakapagbago ng isip ko)

Jose Mari Chan, ang tunay na diwa ng Pasko.

Pero marami ring nakakainis sa Pasko. Andyan ang napakatinding traffic. Andyan ang siksikang mga malls. At higit sa lahat, andyan yung mahirap at mahabang proseso ng pamimili ng regalo para sa mga mahal natin sa buhay at yung mga asungot na nabunot natin sa office exchange gift. Kahit gaano pa nila ipagpilitan, hindi totoo yung kasabihan na “it’s better to give than to receive.” Wag tayong mag kunwari. Kasinungalingan yan na tinuturo natin sa mga bata para hindi sila mag expect ng regalo sa pasko. Mas masarap bang magbigay ng iPad kesa mabigyan ng iPad? Hindi naman diba? Last year, mahigit 20 na tao ang binigyan ko ng regalo. Nadala ako ng “Spirit of Christmas” e. Ang natanggap kong regalo? Siguro mga 4 lang. Kinumbinsi ko ang sarili ko na “It is better to give than to receive” para pampalubag loob. Pero one year later masama pa rin ang loob ko. So hindi totoo na it’s better to give than to receive!

Since malapit na ang Pasko, malamang nakabili ka na ng mga pang regalo. Pero kung gaya ka ng typical Pinoy na mahilig sa last minute, ngayon ka pa lang dadagsa sa mga malls. Siguro pinoproblema mo kung anong dapat bilhin para sa boyfriend/asawa/kulasisi mo. Hindi ko puwedeng sabihin sayo kung ano ang dapat mong bilhin (*ahem* Fun Tee sa Robinson’s Department Store *ahem*) pero in the spirit of Christmas, bibigyan kita ng tips. You’re welcome.

So without further ado, I give you:

REYPINMOKO’S 7 GIFT GIVING RULES FOR CHRISTMAS

(Ayos ba? Para kunwari legit!)

1. Hindi dahil gusto mo nun, ibig sabihin gusto rin niya nun. 

Isa sa pinakamalaking pagkakamaling gagawin ng mga babae ngayong pasko ay mag regalo ng mga bagay sa boyfriend niya na tingin niya magugustuhan nito dahil yun ang gusto niya. Ang pinakamatinding salarin? Mga babaeng nag reregalo ng stuffed toy. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip nila para mag regalo ng stuffed toy sa boyfriend nila. Tingin mo ba magugustuhan ng boyfriend mo yun? I’m sorry, pero hindi cute yun. Pag sinabi niya na, “Wow thanks baby! Ang cute cute!” ang gusto talaga niyang sabihin ay, “Nampucha, ano to?! Anong kagaguhan to?!” Masyado lang siyang polite para sabihin sayo ng diretso.

O diba mukhang tanga? Ganyan ang itsura ng boyfriend mo.

Tsaka sino bang kilala mong matandang lalake na may stuffed toy? Sino? Si Mr. Bean lang diba? I rest my case. On a somewhat related note, we move on to…

2. Wag mag reregalo ng kahit anong galing sa Blue Magic.

Talagang puntahan ang Blue Magic kung naghahanap ka ng mga cool na regalo… kung nasa elementary ka pa. Kung matanda ka na at kumikita naman ng above minimum wage, wala kang karapatan para mag regalo ng kahit anong galing sa Blue Magic. Dati nakakatawa pa yung condom na nasa glass case at may nakalagay na “IN CASE OF EMERGENCY BREAK GLASS.” Pero ngayon? Hindi na nakakatuwa yan kase pag may tatanga tangang naniwala diyan baka makakabuntis siya ng di oras.

Guys, please lang wag kayong mag regalo ng ganito kay Mo Twister ngayong Pasko. Foul yun.

3. Wag mag regalo ng cheesy na bagay pag pasko.

Nung bata ka pa, siguro mga 6 years old, anong gusto mong matanggap na regalo tuwing pasko? Malamang laruan diba? Siguro puwede na rin yung damit pero naiinis ka pa ng konti nun pag niregaluhan ka ng damit. Gusto mo bang makatanggap ng Christmas card? Malamang iiyak ka nun pag niregaluhan ka ng Christmas card ng parents mo at hindi dahil na-touch ka sa sinulat nila. Unless may nakaipit na pera sa Christmas card na yun sigurado ako bwisit na bwisit ka nun!

Ngayong matanda ka na, malamang nag-iba na ang konsepto mo ng laruan. Yung G.I. Joe nung bata ka, iPad na yan ngayon. Pero siyempre medyo mahal yun kaya nakakahiya naman i-request yan sa girlfriend mo diba? Not unless sugar mommy mo siya o talagang mayaman lang siya. Pero sigurado ako, mas gugustuhin mo pang maregaluhan ng t-shirt kesa sa Christmas card o scrapbook. Pasensya na girls, alam namin pinaghirapan yang scrapbook na yan. Alam namin nahirapan kayong mag dikit dikit ng glitters sa Christmas card na gawa niyo. Pero sa totoo lang, karamihan samin mas gusto pang makatanggap ng Optimus Prime na action figure kesa scrapbook. (Lalo na yung nilalagyan ng battery at nagsasalita. Shit ang astig nun.)

Breast milk and Optimus Prime is best for babies up to 40 years.

4. Pag mag reregalo ka, agahan mo ang pagbigay. 

Nasubukan mo na bang mag regalo ng mamahaling gamit, kunwari yung pabangong paborito niya o yung relos na matagal na niyang gustong bilhin, pero ang regalo niya sayo pocket book lang? Yung pangit na libro pa ha. Hindi yung tipong mababago ang buhay mo. Yung tipong Twilight saga tapos may illustrations. Ganun kapangit. Nakakainis diba? Hindi mo naman siya masisi. Either walang kwenta lang talaga siyang mag regalo at dapat lamunin ng buhay ng lupa o hindi niya lang talaga alam na mag reregalo ka ng matindi.

Madali lang iwasan yan. Agahan mo mag bigay ng regalo. Kahit 6 months before okay lang para makapag-ipon siya! Kase kung 5 days before Christmas mo ibibigay, wala na siyang magagawa. Nabili na niya yang “Illustrated Guide to The Twilight Saga” na yan. Kahit dagdagan pa niya yan ng iPhone 4S, bibigay pa rin niya yung libro. Nabili na niya e.

Breaking rules 1, 3, and the unspoken rule that says you should never give worthless crap.

5. Wag mag reregalo ng bagay na alam mong hindi niya kayang tapatan.

Gaya ng sinabi ko, badtrip pag nag regalo ka ng astig na regalo pero walang kwenta yung regalong ibibigay sayo. Pero badtrip rin yun para sa nagbigay ng walang kwentang regalo. Hindi naman niya kasalanang kuripot/baduy/wala siyang kwenta e. Kaya para iwasan yan, wag ka na mag regalo ng matitinding bagay kung alam mong hindi naman niya kayang tapatan. Mag reregalo ka ng MacBook Air. Unless i-regalo niya sayo si Anne Curtis na walang suot kung hindi lipstick lang, hindi niya mahihigitan ang regalo mo.

Santa, wag niyo na pong balutin. Thanks.

 6. Hindi porke’t kailangan niya, yun ang ibibigay mo.

Oo, lumalaki ang tiyan niya. Parang malaking smiley face yung katawan niya pag nakahubad. Mukha na siyang Michelin Man. Walang duda kailangan na niyang magpapayat. Pero hindi ibig sabihin nun reregaluhan mo siya ng Ab Flex o kaya gym membership sa Pasko. Nakakasakit ng damdamin yun. Hindi niya kailangang maalala ang mga problema niya sa buhay ngayong pasko. Reregaluhan mo ba siya ng bra porke’t nagkaka-man boobs na siya?

Puwede naman kayong maghiraman na lang.

7. Bigay mo yung gusto niya pero ayaw niyang bilhin para sa sarili niya.

Alam mo kung anong regalo ang astig makuha ngayong Pasko? Yung regalong pag nakita mo sa mall sasabihin mo, “Uy gusto ko nun!” pero hindi mo bibilhin kase alam mong walang sense. Yung tipong gusto mong bilhin pero panghihinayangan mong bilhin kase mas marami kang pangangailangan na dapat unahin. Yan ang example ng malupit na regalo. Kunwari, gusto niya ng iPod pero hindi niya kayang bilhin. Yun ang bilhin mo! Kunwari, gusto niyang bumili ng t-shirt sa Lacoste pero namamahalan siya, yun ang bilhin mo! Sa pagbibigay ng regalo sa Pasko, mas importanteng masatisfy ang want kesa sa need. Kasi karamihan sa ating mga Pinoy, buong taon inuuna natin ang mga pangangailangan natin e. Sa Pasko lang tayo may excuse na magluho sa sarili.

Kaya sabihin niyo sa girlfriend niyo, kung hindi nila kayang ibigay sa inyo si Anne Curtis na lipstick lang ang suot, bigyan niya na lang kayo ng iPad. Buong taon niyo naman silang nilibre ng sine at hinatid sundo sa bahay e. Oo, hindi kayang tumbasan ng pera at materyal na bagay ang pagmamahal. Pero wala namang masamang subukan diba?

Happy Holidays, boys and girls!


9 Comments on “7 Gift Giving Rules for Christmas”

  1. Scuse me, hindi kita bibilhan ng IPad at lalong hindi ko igigift sayo si Anne Curtis for Christmas noh. Kaloka ka, girl!

  2. JV says:

    Meron bang Optimus Prime na remote controlled na pwede mo ipag-transform gamit yung remote? Yun ang cool!

  3. sheen says:

    pucha optimus prime! pwede na sakin yung bumblebee, para may pagpraktisan ako sa pagttransform haha

  4. Nikki Y. says:

    Ngayon ko lang nakita ‘tong blog mo, at tawang-tawa ako. :)) Nice to see you writing again!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s