Usapang Brip

Hindi pa man din tuluyang nabubura sa kaisipan ng tao ang kontrobersyal na billboard ng Philippine Volcanoes, may panibago nanamang advertisement kung saan makakakita ng mga nakabuyangyang na mga itlog na parang niluluto sa init ng araw. Ngayon naman, ang nasabing larawan ay kay Neil Etheridge ng Team Azkals. (Sa mga kalalakihan, kung hindi kayo kumportableng makakita ng bumabakat na yagbols liban dun sa nakikita niyo pag naka-brip lang kayo, puwede na kayong huminto sa pagbabasa ngayon pa lang)

Kung lalake ka at kaya mong tumingin sa larawan na yan ng mahigit sa 3 segundo ng hindi naiilang, tingin ko kailangan mo ng matinding soul-searching.

Wala ako sa pusisyon para sabihin kung ano ang malaswa o hindi, kaya hindi ko na gagawin yun. Pero ang hindi ko lang maintindihan sa mga advertisers ay kung bakit tuwing meron silang ads para sa brip, puro lalakeng macho ang ginagamit nila. Hindi ba nila alam na hindi effective yun? Iisa-isahin natin kung bakit ah.

1. Pag nakita ko to, hindi ko naman naiisip na “Uy, bukas na bukas rin bibili ako ng brip mula sa Folded & Hung! Baka sakaling bumakat rin ang itlog ko tulad ni Neil Etheridge!” Hindi ko naiisip yun! Ang naiisip ko lang ay “Anak ng tinapa, sabi ko na nga ba hindi talaga ko dapat nag eextra rice e!” tsaka “Shet kadiri, bakat na itlog!”

2. Nakakalimutan ata ng mga advertisers na mga lalake ang bumibili ng brip at hindi mga babae. So anong appeal sakin ng lalakeng nakahubad kung bibili ako ng brip? Edi wala! So sa totoo lang, kung maniniwala tayo na sex sells, buti pa ipasuot mo na lang yang brip na yan sa sexy na babae na umiinom ng beer at may hawak na basketball sa kabilang kamay. Kung hindi maging appealing sa mga lalake yan, ewan ko na lang talaga.

3. Nakalimutan ata ng mga advertisers na hindi lang naman mga bading ang binebentahan nila ng brip. Yung iba ngang bading iba naman ang sinusuot hindi naman brip. Isipin mong mabuti yang sinabi ko at sigurado akong tatango ka at sasang-ayon. Ayoko nang maglagay ng picture nun dito.

(Napansin mo siguro na kanina pa ko gumagamit ng salitang “brip” imbis na “briefs”. Talagang mas masaya lang sabihin ang salitang “brip” kesa sa “briefs”. O baka immature lang ako na bumubungisngis pag naririnig ko ang salitang brip. Hihihi. brip)

4. Hindi ko alam kung anong binebenta ng ad na to. Brip ba o betlog? (Brip. Hihihi) Kase kung brip ang binebenta nito, parang hindi ata magandang klase ng brip ang produktong to. Ang nipis e! Malamang pawisan ka lang lilitaw na kulay ng balat mo diyan e! E kung ganun lang din mag scotch tape ka na lang ng dalawang bond paper sa pwet at ari mo. Nakatipid ka pa!

5. Hindi ko lang sigurado, pero liban sa mga batang nasa elementary, ang alam ko wala nang nagsusuot ng puting brip ngayon. Bakit? Well first of all dahil nga magmumukha kang batang nasa elementary. Pangalawa, dahil mas madaling mag mantsa. (Bibigyan muna kita ng ilang segundo para isipin ang iba’t ibang paraan na pwede siyang mag mantsa. Enjoy.)

6. Sa populasyon ng Pilipinas, siguro 8% lang ang ganyan ang katawan. Hindi makaka-relate ang remaining 92% sa abs ni Neil Etheridge. Alam mo kung kanino sila mas makakarelate? Kay Gary Lising.

Kamukha niya yung matalinong unggoy sa Planet of the Apes pero si Gary Lising talaga yan.

Bakit si Gary Lising? Unang una, hindi kagwapuhan. Pangalawa, malibog. Wala nang pangatlo! Yun na! Halos 65% na ng male population ang tinutukoy nyan e! Yung natitirang 27% either malibog lang o pangit lang. Ngayon isipin mo kung gagawa ka ng ad kung saan naka-puting brip lang si Gary Lising. (Pasensya na sa mga nanananghalian) Nakangisi siyang ganyan. Tapos nakapulupot sa kanya ang mahahabang binti ni Solenn Heussaff. Sabihin mo sakin, hindi ka ba bibili ng ganung brand ng brip? Bibili ka diba?! Anong sinasabi sayo ng advertisement na to? “Oo, hindi ako gwapo pero hindi na importante yun! Pag suot ko tong brip na to, kahit magandang babae magkukumahog!” O hindi ba napaka-empowering nun?

Kaya nananawagan ako sa Bench, Folded and Hung, Hanford, Hanes, Jonels, at kung ano ano pang mga kumpanyang nagtitinda ng brip. Tigilan na ang paglalagay ng mga machong lalake sa mga advertisement ng brip! Kunin niyo si Gary Lising bilang endorser! Hindi niyo na kailangang sabihin nanggaling sakin ang idea. Wag niyo na kong bayaran. Ang gusto ko lang ay gawin niyo to para sa taong bayan. We have suffered enough.


8 Comments on “Usapang Brip”

  1. JV says:

    Nabobother na talaga ako sa dami ng mga lalaki sa blog mo.

  2. sheen says:

    naiimagine ko yung point #2 mo. kahit wala na yung beer saka basketball. shet.

  3. napa “OO NGA” ako nun binasa ko to. may patango tango pa! galing sir šŸ™‚


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s