The Philippine Volcanoes (aka Boy Bakat and Friends)

Nabasa ko kanina sa Twitter na meron daw kontrobersyal na billboard na pinapatanggal sa Guadalupe. Ito daw ay ang billboard ng tinatawag nilang Philippine Volcanoes. Hindi naman ako napapadaan pa recently sa Guadalupe so hindi ko alam kung paano magiging kontrobersyal ang Philippine Volcanoes. Hindi ko alam kung ano yun e. Ang unang hula ko, billboard ng Department of Tourism na prinopromote ang mga bulkan ng Pilipinas. Philippine Volcanoes daw e. Pero dahil hindi naman ako tanga, nagamit ko naman ang aking deductive reasoning at napaghinalaan ko na malamang merong bumabakat na mga betlog na involved dito sa Philippine Volcanoes na ito para ipatanggal ang mga billboards.

Against my better judgment, Ginoogle ko siya. Ayokong nahuhuli sa balita e. Pag Ginoogle mo ang “Philippine Volcanoes Billboard”, eto ang lalabas:

Tingin ko mas bagay na tawag sa kanila ang "Team Bakat" or "Boy Bakat and Friends" pero siyempre opinyon ko lang naman yun.

So apparently, sila pala ang rugby team ng Pilipinas. Hindi ko nga alam na may rugby team ang Pilipinas e. Pero ngayon feeling ko kaclose ko na sila kase nakita ko na ang mga itlog nila. Anong sinabi ng mga Younghusbands dito diba? Kaya ba ni Phil Younghusband na ipakita ang itlog niya para sa bayan? Hindi! Pero gagawin ng Philippine Volcanoes yan! See, effective ang advertising!

Lahat naman ata sumasangayon na nakakadistract makakita ng bumabakat na yagbadoodles sa EDSA, maging babae ka man o lalake. Sasabihin ng iba, “E bakit, marami rin namang mga billboards ng sexy na babae hindi naman tinatanggal e!” First of all, would I rather see a half-naked billboard of Solenn Heussaff than Boy Bakat and Friends’ greasy bodies? SIYEMPRE! Secondly, pag babae ka at nakakita ka ng picture ni Solenn, ano ba sasabihin mo? “Ewww kadiri?” Hindi naman diba? Pero pag ganyang picture pwede mong sabihin yun e. Lastly, dapat naman talaga may control pa rin. Sex sells, you have to respect that. Pero you have to draw the line somewhere.

Tama naman talagang tanggalin. Aside from the fact na it’s distracting, here are some of the other reasons:

1. 91% ng population ng kalalakihan sa Metro Manila hindi ganyan ang katawan. Nakakadepress lang makita kung lalake ka.

2. 91% ng population ng kalalakihan sa Metro Manila hindi ganyan ang katawan. Kung babae ka, nakakadepress na hindi ganyan ang katawan ng boyfriend/asawa mo.

3. Nakita mo yung nasa kanan? Yung parang nakatalikod na Derek Ramsay? Hindi makatotohanan yan. Sa kanya lang babagay ang pulang briefs. Pag ikaw ang nagsuot niyan, magmumukha kang nakapanty. Wag kang magpalinlang.

4. Masyado silang malangis. Wala akong tiwala sa mga taong ang tatanda na ay naliligo pa rin sa baby oil.

5. Dahil nga nakakadistract, nakakahiya yun kung ang paliwanag mo sa MMDA pag nabangga ka ay

“E boss, hindi ko naman kasalanang napatingin ako sa itlog e!”


13 Comments on “The Philippine Volcanoes (aka Boy Bakat and Friends)”

  1. Very interesting, still. all the ruckus and whatnots.

  2. lb says:

    “pag babae ka at nakakita ka ng picture ni Solenn, ano ba sasabihin mo? “Ewww kadiri?” Hindi naman diba? Pero pag ganyang picture pwede mong sabihin yun e.” –babae ako at pag nakakita ako ng seksing billboard ni solenn, hindi ko iisiping kadiri ito AT ganun din sa billboard ng PH Volcanoes. lalake ka kasi kaya “kadiri” sa’yo na makakita ng mga lalakeng ‘medyo’ hubad. appreciation lang yan dude.

    • reypinmoko says:

      hindi ko naman sinasabing lahat ng babae ganun ang reaction sa billboard ng philippine volcanoes e. malamang may natutuwa rin dun. ineexplain ko lang na usually, pag nakakita tayo ng lalake na ganun, maski babae mag rereact negatively. pero hindi rin naman talaga lahat ng lalake bothered sa billboard na yun. as far as appreciation goes, siyempre hindi ko naaappreciate yun. hindi ko cup of tea yun e. pero makakatulog pa rin naman ako ng mahimbing sa gabi kung hindi matatanggal yang billboard na yan. 🙂

  3. BB.bastos says:

    konsepto kasi ng mga tao pag ganyan bastos, pero pag babae na modelo nakatiwangwang ang kaluluwa sa billboard, magkanda agnas nalang ang billboard no reaction at sa tuwing napapadaan ay lilingun kasali na sa routine , and tao ang bastos hindi ang billboard!specially sa nagreklamo na ipatanggal yan..

    • reypinmoko says:

      tama ka, mas sanay lang talaga tayo sigurong nakikita yan sa mga babaeng modelo kaya ganun. pero kung tama ang pagkakaalam ko, pinapatanggal ang billboard dahil maraming naaaksidente o posibleng maaksidente dahil nga distracting siya, hindi naman dahil bastos siya.

  4. JV says:

    Pansin ko lang panay lalaki mga pinopost mo recently. Pansin ko lang ah.

  5. roentgen dlanor says:

    in a more intellectual discussion this gesture of the MMDA is brought about by their interpretation of signs signified by the billboards, the agency was going down deep into their moral values which the signs or symbols of the billboards exuded…putting meaning to these signs is no longer a work of an individual, it is the dictates of society that made them decide on dismantling these giant billboards, call it whatever…demeaning, offensive, obscene, vulgar or undermining the senses of the Filipino audiences; that is what the study of signs can bring…

    even the blogs that were posted here were meaningful interpretations of these signs, it came to reckon that the Filipinos have a double standard morality…while you have said when female shows her hidden part, it would just be okay until the billboard gets destroyed with the passage of time, it is still there…but the men in their scantiest will register a different notion of offensiveness.

    • reypinmoko says:

      i wouldn’t say double standard. kahit babae man o lalake yung naghubad, malaswa ang malaswa. i guess mas sanay lang kase tayong makita yan sa mga babae when it comes to advertising. i think it depends on the images rin. hindi naman lahat ng billboard ng mga lalake na medyo revealing tinatanggal e. i have seen the images of the volcanoes. masyado ngang revealing for comfort. may mga bagay na bumabakat e. i’d like to believe na kung may ganung billboard sa metro manila ng mga babae na masyado ring revealing, the MMDA would do the same.

  6. […] pa man din tuluyang nabubura sa kaisipan ng tao ang kontrobersyal na billboard ng Philippine Volcanoes, may panibago nanamang advertisement kung saan makakakita ng mga nakabuyangyang na mga itlog na […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s