A Very Short History of Wigs in Philippine Cinema

Bakit sa mga Tagalog movies ang hilig hilig nilang pag suotin ng karumaldumal na wigs ang mga artista? Parang sa tingin nila kailangan talaga e. Minsan kung drama yung pinapanuod mo, gusto mo namang madala ng emosyon mo pero nadidistract ka kase parang may patay na pusa na nakapatong sa ulo nung artista.

Allow me to demonstrate:

Exhibit A

Maricar Reyes, Miss You Like Crazy

Maricar Reyes, napakagandang babae, naging kamukha ni Ringo Starr.

Pero let me go on record by saying na kahit kalbuhin mo pa si Maricar Reyes, kahit ahitin mo pa ang kilay, crush na crush na crush ko pa rin siya at handa akong mag-alay ng bagong panganak na kambing sa kanyang kagandahan.

Okay, moving on…

Exhibit B

Toni Gonzaga, My Only U; My Amnesia Girl

Bigote na lang ang kulang dito at mag kamukha na sila ni Empoy

Exhibit B.1

Si Empoy

Hindi ata wig yang buhok ni Empoy. Mukha lang wig. Gusto ko lang rin talagang mag hanap ng excuse para mag singit ng picture ni Empoy sa post na to. Bakit? Wala. Trip lang. Hindi ka ba natuwa nung nakita mo yung picture ni Empoy? Hindi?

Okay, moving on…

Exhibit C

Sarah Geronimo, A Very Special Love; You Changed My Life

Hirap na hirap si John Lloyd na hindi madistract sa wig kaya pumikit na lang siya

Nakakahalata na ko dito kay Cathy Grace-Molina ah! Parang may galit sa magandang buhok tong babaeng to! Lahat na lang ata ng pelikulang nabanggit siya ang director e!

Exhibit D

Ryan Eigenmann, Unfaithful Wife 2

Okay narin yan na wala akong nakitang mas malaking picture. Ang pangit talaga e.

Okay, si Ryan Eigenmann na kilalang kalbo, nilagyan ng wig. Hindi lang basta wig, katsupoy pa na wig. Para lang may nakapatong na Shih Tzu sa ulo ni Ryan Eigenmann. Ano bang iniisip ng mga taong gumagawa ng pelikulang to? Hindi pwedeng kalbo yung bida so bibigyan nila ng wig? Di baleng mag mukhang tanga na lang kesa magkaron ng kalbong bida? Kung may budget ka para bayaran si Patricia Javier maghubad, may budget ka rin dapat para hanapan ng mas matinong wig si Ryan Eigenmann! (Teka on second thought, naghubad si Patricia Javier. Bakit pa ba ko nagrereklamo?)

Pero gets niyo point ko? Si Vin Diesel ba kukunin mo sa isang pelikula para lang pag suotin ng wig? Naiimagine mo bang mag susuot ng ganyang klaseng wig si Vin Diesel? Hindi diba?! E di para hindi na pag suotin ng wig, kumuha ka na lang ng artistang hindi kalbo!

KUNG GANYAN NA LANG RIN, BUTI PA PATI SI BEMBOL ROCO PAG SUOTIN NIYO NA RIN NG WIG!

Ay puta.


12 Comments on “A Very Short History of Wigs in Philippine Cinema”

  1. Kaye says:

    Namiss ko mga posts mo Rey! Buti ka pa sinisipag magsulat ulit 🙂

  2. Pat says:

    Yay, you’re back! 🙂

    Have you seen Rosario? Hindi wig, pero still. http://bit.ly/eBiPMz

  3. Jean Melgar says:

    Isama mo pa ang wigs ni Sarah Geronimo sa mga pelikula nya kasama si John Lloyd. haha

  4. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA @ Empoy’s photo!

  5. Ira says:

    Pinakamagandang wig yung ke Bembol Roco. Just sayin’.

    P.S.

    No to Twitter. Ayoko na ng isa pang log-in account. Lalo na yung chismosong account. Lahat ng nasa showbiz balita ay dahil sa mga “na-tweet” at “twitter war”. I CAN’T; I’M OLD! At! Yung love life kong umaatikabo ay morphing into a relationship not unlike yung 2 matandang Muppet critics hahahahaha! (sorry at dito pako nagkwento)

    • reypinmoko says:

      MAG TWITTER KA NA! SUBUKAN MO LANG! mga artista lang naman ang ganyan sa twitter e. tayong mga normal na tao hindi naman ganyan mag twitter. well kayong mga normal na tao. celebrity nga pala ko. HAHAHAHA!

  6. alvintang says:

    Namimiss ko LJ days. Haha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s